Other Side ng mga Pinay (Continuation Of Mantsa Sa Imahe ng mga Pinay)

(Photo Credit: clipartof)
(Photo Credit:  clipartof)
(Photo Credit: clipartof)

Dahil sa may mga ilan yata akong naoffend na Pinay dito sa KL, gumawa po ako ulit ng bagong artikulo para patunay na hindi po ako nanghuhusga. Sa halip, nilahad ko lang po ang aking mga nakikita at naririnig. Kaya ngayon, ikukuwento ko naman ang mga kahanga-hangang makikita natin sa mga Pinay dito. Simulan na natin..

Kapag narinig ng ibang lahi na isa kang Pinay, ilan sa kanila ay iisiping “dedicated, patient,hardworking,smart, easy to deal with”.  Kaya karamihan tlaga ng employers, they prefer Filipinos.

Okay. Nurse ako.Baguhan pa lang dito sa KL. Pero marami na akong naging pasyente dito na mas gusto nila Filipino nurses. Bakit? Kasi, mas gentle daw mag alaga. Mas caring. (Naks!) At alam nila huliin loob ng pasyente. Marunong makipagkwentuhan. Minsan, may naging pasyente akong Chinese. Night shift ako. Umaabot kami ng alas12 ng hating gabi para lang magkuwentuhan. Kung hindi pa papasok yung anak para sabihing matulog na ang nanay, hindi na namin maaalala. Wala naman ako magawa. Madada e. One time, sinabi ng anak sa akin na pag umaga daw, hindi daw nagsasalita yung nanay. Parang hinang-hina. Hindi rin nagkukwento. Pero pag dumating na raw ako, ok na raw. Tinanung ko yung nanay kung bakit ganun. She said, “I don’t know. I simply like Filipino nurses. Easy to deal with. Nurses who took care of me are all Filipinos”. Mapapangiti ka na lang sa sulok at iisiping, “wow! Sarap naman nun”.

May nakwento din yung isang tita ko. May pasyente siyang Malay. Ang morning shift nurse daw, Malay rin. Tuwing dumarating daw siya, lagi tulog patient. Pero biglang babangon pag narinig na dumating na siya at sagarang paaalisin na yung morning shift nurse. Tinanung daw tita ko bakit ganun.sabi daw pasyente. “I don’t like her. She’s very harsh. Unlike you. When you carry me, you’re very careful. You do it in a gentle manner.” O db? Ayaw pa niya mismo sa kalahi niya.

Sa mga call center naman tayo. Sabi nung mga nakausap ko, some companies prefer filipinos. Una, magaling mag ingles. (Well! Pinoy pa. Hindi mo tatalunin yan.) Pangalawa, ang lambing daw boses (sa mga babae lang, xempre.) Pangatlo, naipapaliwanag ng maayos ang products. At pang apat, they are good in marketing. May nagsabi saken one time, “When you are in marketing, you should also know how to market yourself”. Hindi matatalo ang Pinay jan. Experts! (Hahahaha. Pis!) PERO, PERO, PERO. May isang napakalaking rason bakit may mga kumpanya na ayaw ng Pinoy na empleyado. Bakit? Aba! Hindi mo madidiktahan yan. At hindi mo maaapi. Subukan nila sabihan ng, “Iam your boss!” alam mo isasagot niyan sayo,”Who cares??”. Hahahaha.

Sa mga restaurant at hotels naman. Front desk pa lang, ngiting Pinay na sasalubong sa’yo. Maganda na nga, magaling pa mag assist ng customers. Pagdating naman sa mga bar, mga Pilipino din kumakanta. Ang maganda kasi sa kanila, pumupunta sila sa mga tables ng mga customers, simply to say hello. Sa Armada Hotel. Try niyo dun.

When it comes to teaching, gustung-gusto din nila ng mga Pinay. Syempre naman. English pa lang natin, walang-wala na sila. Dagdag mo pa na likas naman talaga tayong pasensyosa. At higit sa lahat, a Filipino woman has this instinct of giving a motherly care. Kahit hindi natin kadugo. Agree?

 Pero, gusto niyo perfect example ng humahanga sa mga Pinoy?

Eto ha? Hindi ako nagbibida o kaya nagyayabang. I worked with Prime Minister Najib before. (Halla! Ayaw maniwala. Pramis! Haha. Bahala ka kung ayaw mo maniwala.) Actually, i took care of his mother before. His mother had a spinal surgery. And i worked as a private nurse. Just for few days. Maniniwala ba kau kung sasabihin kong karamihan ng maids ng buong family, ay puro pinay? (including his brothers. Kasi, istayed in their family house. Kaya i was also given the chance to meet his brothers and their in-laws). O, well.. Ganito kasi pamamalakad dun. Iba ang taga luto, iba ang taga linis. Iba ang taga plantsa. Iba hardinero. Iba taga serve. Iba ang nanny ng bwat bata. At 3 kaming nurses. Puro din Pinay. O db? Sa pagkakaalala ko, ang hindi lang pinoy, tagaluto (dapat lang. Iba dishes nila e.), personal assistant ni Tun (nanay ni PM Najib), taga serve, at driver. Uhmm.. Yun lang ata. Pero sa loob ng bahay, para kang nasa Pinas lang. Lahaaaat, Pinay. At nung tinanong namin bakit halos lahat Pinay, the answer was so simple. “We are satisfied with their work. They are all hardworking.”. O db? Take note! Pamilya ni PM nanggaling yan. Hindi ka ba mapapangiti at sasabihing, “Naman! Pinay ako”.

Patunay lang mga toh na marami pa rin nmn talagang dahilan para kahit paano, magmalaki tayo. Alam natin, hindi lang sa KL toh. Kundi sa buong mundo. Isana diyan ang White House ExecutiveChef na isang Fil-Am. Since 2005. Imagine? Kung hindi sila masaya sa work niya, hindi sana siya nakatagal dun.

To end it, sana mas maging makilala pa sana tayo sa mga magagandang katangian natin hanggang sa makalimot na sila sa mga hindi magagandang impresyon sa atin ng ibang lahi.

Pahabol: Sa mga nakaintindi po sa unang article (Mantsa sa Imahe ng mga Pinay) na “hindi ko po nilalahat” yung mga nabanggit ko dun, saludo po ako sa iniyo. At maraming salamat po. Sa mga, nagreact po at nasaktan, paumanhin po. Salamat din po sa inyong comments. Pero uulitin ko po, hindi ko po sinabing ganun kayo. Hindi ko kayohinahamak. Hindi ko hinuhusgahan. May sinabi po ba akong mali yung ginagawa nila? Kaya wag naman po kayong defensive, mga mare. Isa pa, kung hindi po kayo ganun, bakit po kayo nagrereact? Haha!  Joke lang.  God bless readers.:)

About lifeexplorer

A nurse by profession. A lawyer by frustration. A musician by passion. A business magnate by aspiration. A writer by cognition. A computer wizard by imagination. Martial arts master by illusion.   Call me fool. Dope. But i just simply call myself, IDEALIST.:)
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!