Opening Statement

Photo credits: teampilipinas.info
8/31/2014 8:59:05 PM

Oo, alam ko, natalo sila sa kanilang unang assignment sa FIBA World Cup, pero isa itong mensahe sa mundo ng mundo ng basketball: eto na naman ang Pilipinas!

Hindi biro ang 36 taon na sasalang ulit sa world basketball scene ang Pilipinas. Ilang pagbabago sa pulitka at palakasan at mga samu’t saring heartbeak sa mga competition at tune-up game ang ating sinukumra.

Ilang kritiko at kritisismo rin ang kinalaban natin. Hindi tayo matangkad? Mabilis naman tayo. Hindi tayo kasing talent? Yan ang akala n’yo. Hindi natin kaya ang loob. Maabilidad naman tayo sa labas, at ulit, yan ang akala n’yo.

At ‘wag ka. Parang nasa Mall of Asia Arena o Araneta Coliseum o sa ULTRA (PhilSports Arena) ni Cuneta Astrodome ang atmosphere. Parang panay Pinoy fans lang yata ang laman ng arena sa Sevilla. Asan ang Croatian crowd?

Ops, huwag iismulin ang mga taga-Europeo dahil gaya ng mga Pinoy at mga US pag NBA Finals, sila ay isa rin sa mga masusugid na tagahanga sa larangan ng sportsd. Hindi lang sa football makikita yan.

Pero bakit parang outnumbered pa sila samantalang malapit pa ang Croatia sa Spain kesa sa Pilipinas? Basta, matuwa ka na lang na mas hamak na ang tindi talaga ng mga OFW sa Pilipinas. Basta kababayan ang nasa entablado o hardcourt, suportado ka.

Photo credits: teampilipinas.info
Photo credits: teampilipinas.info

Oo, wag iisumulin ang mga ismul na Pinoy basketbolista, boy. Kahit olats tayo sa Croatia matapos ang 45 minuto ng paglalaro (81-78, overtime), huwag ka, parang nanalo ang dating natin. Nagtrend sa social media ang Go Gilas. Tapos sa Spain naman, parte ng mga trending nun ang Filipinas.

Natalo tayo ng may nakasalalay ang ating pride. Natalo tayo sa isang close fight. Natalo tayo nang hindi nilampaso ng kalaban sa huli. Oo, natambakan nga tayo ng 14 (o baka nga ay 16) na puntos sa simula ng laro. Pero hindi lang sa effort ng naturalized player na si Andray Blatche ang nagsalba sa Pilipinas para bumangon muli, kundi sa mga (…)

Click here to continue reading

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!