“Open Letter”

11/29/2013 11:52:23 AM
http://scoopboy.com/

Ayan, may nabuwisit na. May nagsalita na. Maliban pa yan sa mararaing butsi na pumutok dahil sa paghahabol ng BIR kay Manny Pacquiao.

Ano ang ibig kong sabihin? Ang open letter na mula sa isang Facebook post ni Ira Panganiban (kung ‘di mo siya kilala, hindi ka batang ‘90s).

Kumalat ito sa internet. Naging viral hit. At kahit ang mga sikat na personalidad sa Pilipinas, shinare ito.

Kume naman kasi eh. Bakit si Lucio Tan daw ay hindi napi-freeze ang mga bank assets? Bakit ang mga bwakananginang pulitiko na sangkot sa scam ng isang Janet Napoles ay hindi rin mahatulan sa tylong n’yo? Samantalang si Pacman, na tiniis ang magkapasa, sakit ng katawan, o minsan sugat pa nga at ilang beses na pagkaalog ng ulo (siyempre, kung di ka ba naman masapak sa ulo ng palagian sa isang boxing match eh), na wala naman sa Korte Suprema ang kaso at nasa jeskeng Court of Tax Appeals lang, tangina na-freeze ang kanyang yaman?

Eh kung sa dalawang taon na nga ang taning namin d’yan eh. Ganun? Sabagay, mahaba-habang panahon nay un. Yun nga lang, tanggap ba ang exuse na busy ang pambansang kamao? Ewan.

Eh di raw tinanggap ni Henares ang mga dokumentong dala ni Pacquiao, dahil gusto niya, orihinal. Ano ‘to inaakala ba n’ya na magpapagawa si Pacquiao o ang kanyang mga tao sa Recto? Eh kung ayon nga sa mga Kano mismo ay hindi nga nila nakukuha ang pinakaorihinal na kopya ng mga dokumento nila sa IRS? Hindi tulad dito na ang kulay-hepa o ube man ang papel, na obviously ay tinapalan lang naman ng carbon, original na sa mata ng marami sa atin. Siyempre, iba ang standard ng US sa Pilipinas.

Namumulitika ba ang datingan? Hindi raw sabi nila. E kaso, yun ang dating eh. Siguro kung pinalipas niyo ng ilang araw ‘to, baka magkaintindihan pa kayo.

Click here to read the entire article.
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!