Open Letter to Leni Robredo

Dearest Leni,

Uumpisahan ko ang liham na ito sa pagsasabing hindi ako Yellowtards at hindi rin naman Dutertards. Wapakels ako sa mga kung ano mang grupo ng Tards ang nagkalat ngayon. Wala din akong pakialam sa mga #Nagaleaks at #DavaoDeathSquad na siyang nababasa ko, kung totoo man ang mga ‘yan sana sa korte na nila idaan para magkaalamanan na. Isa lang akong simpleng mamamayan, kumakayod para may makain at maitaguyod ang aking pamilya.

Ito na nga, napanood ko ‘yong recorded video mo na ipapanood sa mga bansang kasali sa UN. Tumaas at kumulo bigla ang dugo ko dahil parang ginamit mo ang mga nananahimik na Pilipino para lang sa pansarili mong interes. Ganoon ka ba kasiguradong ang mga hinaing mo ay hinaing din ng sambayanang Pilipino? Feeling ko nagamit ako at ang aking mga kapwa Pilipino sa kung ano man ang layunin mo.

Una, wala ka na bang ibang maibato sa Presidente kung hindi EJK?!

Sa totoo lang, itong laban ng gobyerno ngayon sa droga ay sobrang hirap dahil na din sa kapabayaan ng mga naunang Administrayon. Ano ba ang ugat ng kahirapan at krimen ngayon sa ating bansa? Hindi ba Droga?! Ang dami mong minumungkahing suhestiyon, bakit hindi ninyo ginawa noon?

Sino lang ba ang Presidenting nangahas at nagpahayag ng matinding pagkilos para labanan ang droga? Ok lang naman kumontra, ok lang din makialam ang Commission on Human Rights. Magsampa kayo ng kaso, pa-imbistigahan ninyo. Pero kung natalo at na-dismiss na ang mga kaso, puwede bang tama na?! Sukang-suka na kami sa mga pa-presscon at pa-interview ninyong puro na lang pagtutol sa mga ginagawa ng gobyerno. Bawat kilos at pagkontra ninyo kailangan may media talaga? Sorry pero kung tingin n’yo ay nakukuha n’yo ang simpatya naming mga Pilipino sa mga paawa effect n’yo, pasensiya na, nakamove-on na kami sa pagiging uto-uto! Mas kaya na naming magdesisyon at maniwala base sa mga nakikita namin, hindi sa kung ano lang ang sabihin ninyo.

Pangalawa, bilang isang ordinaryong Pilipino, mas kampante akong maglakad sa kalye ng dis-oras ng gabi ngayon kaysa noon. Mas kaya kong makipag-usap at humingi ng tulong sa mga pulis ngayon kaysa noon. Mas naniniwala akong ang buwis na ibinabayad ko ay makakarating sa dapat nitong kalagyan. At ngayon ko lang naramdamang may pag-asa pang umunlad ang buhay ng isang simpleng Juan. Ayaw ko din naman sa bastos na pananalita ng pangulo, pero kung natatabunan naman ito ng mga gawa ay mas ok na kaysa puro matatamis na pangako pero walang natutupad.

P.S. Utang na loob, Madam Leni at sa mga kasamahan mo, pagbigyan n’yo naman kaming mga Pilipino na makalasap man lang ng maayos na serbisyo ng Gobyero. Minsan nang naghari ang kampo n’yo, ngunit sinayang at binaboy ninyo kami!!  Ibalato n’yo naman sa amin ang anim na taon para sa pangarap naming tunay na pagbabago!

Nagmamahal,
Nahighblood na writer

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!