“One Night Stand”

girl-crying12
Parang timang na nakatitig ka lang sa screen ng cellphone mo, habang nakangiti. Panaka-nakang bumubulong na tanging sarili lang ang iyong kausap. Ewan kung ano’ng meron kay Troy na kahit isang simpleng text ng lalake ay parang may mga dagang nagrarambulan sa dibdib mo.
Pa’no ba kayo nagkakilala ni Troy? …

“Hi. I’m Troy Rodriquez. And you are….?”

Nagulat ka nang lapitan ka ng lalake na noon ay mag-isa ka na lang sa upuan na iyon sa loob ng Music Box. Dahil abala na ang mga kasamahan mo sa pagsasayaw sa dance-floor, naiwan kang mag-isa sa long-table na iyon. Mahilo-hilo ka na rin dahil sa nainom mong alak.

Napakunoot-noo ka. Kahit patay-sindi ang ilaw ng mga sandaling iyon, banaag mo parin ang mukha ng estranghero. Hindi naikaila sa’yo ang kaguwapuhang taglay ng estrangherong iyon. Mula kung saan, nagawa mo pang ihambing ito sa actor na si Jericho Rosales.

“Oh, sorry. Did I bug you?” Narinig mo ulit ang tinig ng estranghero. Halata mong tamado na rin ito.

“Of course not!” sagot mo agad na dahil sa lakas ng music, halos sumigaw ka na rin.

“Thanks. I thought you need to be alone. Nagbakasali lang ako na baka maaya kita sa dance-floor to dance with me. Is it ok?”

“Sure!” Ewan kung bakit napa-oo ka agad. At nang igiya ka sa dance-floor ni Troy, ay hindi ka na tumanggi.

Sinabi mo rito ang pangalan mo, pati edad. Nasabi mo na rin dito na single ka, na three-months ago ay kaka-break nyo ng ex mo na si Simon. Ewan kung bakit lahat ng itanong ni Troy sa’yo, ay wala kang pag-aalinlangan na sagutin ito na para bang matagal na kayong magkakilala ng lalake. Dala na rin marahil ng espirito ng alak kaya ganun kalakas ang loob mo ng mga oras na yun. Ni hindi ka man lang natakot na sumama rito sa dance-floor at kahit parehong kaliwa ang iyong mga paa, hataw kung hataw ka. Napapaindak ka lalo’t kitang-kita mo kung gaano kabigay todo si Troy sa pagsayaw sa saliw ng tugtuging “THIS IS THE NIGHT!”

Nang pareho kayong mapagod ni Troy, niyaya ka ng binata na umupo. Pero this time, sa may sulok at sa pandalawahang upuan lamang. Dibale ng hanapin ka ng mga kasama mo. Ma-enjoy mo lang ang gabing ito kasama ang guwapong lalakeng ito na ngayon mo lang nakilala.

“Kanina pa kita tinitignan. Nagkaroon lang ako ng chance na lapitan ka nang makita ko na mag-isa ka na lang sa mesa. You look more beautiful upclose,” hinihingal na turan ni Troy nang makaupo na kayo.

Natawa ka. “Oh, really? Bolero ka pala.”

“Nope. I’m serious.”

Ngumiti ka ulit. “I’d rather not to talk!”

Naghiwalay kayo ni Troy nang tawagan ka ni Jas, isa sa mga close friend mo at kasama mo ng gabing iyon sa music box. Nag-aalala na kasi ang mga ito sayo. Kaya kahit napapasarap na ang kuwentuhan nyo ni Troy, wala kang choice kundi iwan na ang binata. Pero bago kayo magkahiwalay, nagpalitan muna kayo ng cellpone number. Hindi ka na nagdalawang-isip na ibigay kay Troy ang number mo.

At ngayon nga, panay ang palitan nyo ng text messages.  Kanina ka pa ngumingiting mag-isa sa loob ng Coffee Shop na iyon. Katatapos lang ng trabaho mo at pinili mong magdrop by muna roon.

Nitong mga huling araw, aminado kang may kakaiba ka ng nararamdaman kay Troy. Kahit isang linggo pa lang simula noong magkakilala kayo sa Music Box, lagi na siyang laman ng isip mo. Sa oras ng trabaho, lagi mong inaaantay ang text ng binata na para bang pinanabikan mo ang bawat sasabihin ng binata. Kasehodang simpleng ‘hi’ at ‘hello’ man iyon. Ipokrita ka siguro kung itatanggi mo na hindi ka attracted kay Troy. At aminin mo man o hindi, gusto mo ulit makita ang binata at ang kaguwapuhan nito na hindi mapaknit-paknit sa imahinasyon mo ang mukha nito.

In love ka na ba kay Troy?

Lalo kang na-excite nang mabasa mo ang new message galing kay Troy.

“Are you free tonight? Invite sana kita mag-Music box. Tayong dalawa lang. Just to have fun!”

Dali-dali kang pumindot at insegidang tumataginting na “Yes!” agad ang reply mo. Ganun kadali ka napapayag ni Troy. Ni hindi mo na binigyan ang sarili mo ng segundo na mag-isip. Ni hindi ka man lang muna nagpakipot. Pero hindi na big deal sayo yun. Hindi nga ba’t matagal mo ng pinakaaasam-asam na muling masilayan si Troy?

Sa music box ang hantungan nyo ng gabing iyon ni Troy. Nagbihis ka ng damit na alam mong lalong magpapatingkad sa taglay mong kagandahan, nag-ayos kang mabuti na para bang gusto mo ay ikaw lang ang maganda sa paningin ng binata sa gabing iyon. At nang makadaupang-palad mo ulit ang binata,daig mo pa ang teenager na kilig na kilig.

“Thank-you for accepting my invitation. Actually, i’ve been planning to ask you to go out last Tuesday, kaso inisip ko na baka tanggihan mo ako. Pero this time, nilakasan ko na talaga loob ko. It’s now or never,” pahayag ni Troy nang makaupo na kayo sa loob ng music box.

“Pa’no mo naman nasabi that my answer is no?” Huli na nang maisip mo ang iyong sinabi. Hindi mo na puwedeng bawiin dahil nasabi mo na. Ngani-ngani mong kutusan ang sarili.

“Naisip ko kasi na baka di mo feel ang company ko,” sagot ni Troy na gusto mong sagutin ng…”Kung alam mo lang, matagal ko tong inantay!” Pero sinarili mo na lang iyon.

“Mukha ka naman kasing mabait at harmless na tao. Isa pa, namiss ko ulit mag-unwind. Sobrang nakaka-stress kasi sa work,” Tangi mong sagot. Pero deep inside, higit pa roon ang gusto mo talaga. At heto na nga siya sa harap mo. Si Troy mismo.

Umorder ng isang bucket ng San Mig Light si Troy. Pagdating ng order, sinimulan nyo ng uminom. Hindi ka manginginom kaya hinay-hinay lang ang tagay mo sa baso. Isa pa, ayaw mong malasing. Kahit paano, naiisip mo parin ang kaligtasan mo. May tiwala ka naman kay Troy. Pero mabuti na iyong nag-iingat.

Pasado alas-dos na ng madaling nang lisanin nyo ni Troy ang music box. Ikaw na ang nagyaya nang mahalata mong naparami na ng naimon si Troy. Magda-drive pa kasi ito at ikaw naman, medyo mahilo-hilo na rin sa apat na bote ng San Mig na nainom mo.

Hindi ka na nagtanong nang mapansin mong ibang way ang dinaanan nyo ni Troy imbes sa Quirino High-way papunta ng Condo na inuupahan mo. Malayo-layo na kasi kayo at kung di ka nagkakamali, way na yun papuntang Paranaque City. Wala kang lakas na usisain si Troy na parang robot na sunud-sunuran sakanya. At nang huminto ang kotse nito sa isang Condo na hindi mo alam kung anung lugar iyon, ay tikom pa rin ang bibig mo. Tila naumid narin pati dila mo at di ka makapagsalita.

“This is my place. Ok lang ba na dito ka na magpalipas ng gabi?” Narinig mong sabi ni Troy.

Wala kang maapuhap na sagot. At di mo namalayan na nasabi mo na lang sa binata ang mga katagang…”It’s okay!”

Napakatahimik ng loob. Maaliwalas at halatang class ang dating ng condo. Napansin mo na mangilan ngilan lang ang mga appliances sa loob, pero may ideya ka na bawat appliances na naroroon ay pawang mamahalin. Iginiya ka ni Troy sa loob ng kuwarto nito. At muli, para kang robot na sunod-sunuran lamang sa binata. Ni hindi ka tumutol nang hawakan ka sa braso ng binata papasok sa kuwarto nito.

Katahimikan ang namayani sa inyo ni Troy nang mapasok ninyo ang silid ng binata. At ewan kung bakit ngayon ka lang parang nakaramdam ng pagkabog ng dibdib. Anu bang ginagawa mo sa silid na iyon ng binata at bakit kay-dali ka niyang napapayag na sumama? Iyon ang mga katanungang naglalaro ngayon sa isip mo.

Pagkuwa’y nagulat ka na lang nang bigla kang kabigin ni Troy. Dinala ka ng binata sa malambot nitong higaan at nang yapusin at halikan ka nito ay di ka tumutol. Katunayan, parang may sariling isip ang mga labi mo na ginantihan ang mga halik na iyon ng binata. At nang umpisahan nitong tanggalin ang mga saplot mo sa katawan, para kang wala sa sarili na hindi man lang tumutol. Alam mong nadadala ka na sa paraan ng paghalik sayo ng binata. Kaya kay-dali nitong natanggal ang mga saplot ninyo sa katawan na hindi ka man lang nagpumiglas.

Mayamaya pa’y naramdaman mo ang banayad at dahan-dahan na pagpasok ni Troy sa’yong kaangkinan. Napangiwi ka at halos itulak mo ang binata nang maramdaman mo ang kirot. Pero gaya ng mga naunang tagpo, hindi ka pa rin tumutol nang tuluyang mapag-isa ang katawan ninyo ni Troy. Sumasabay ka sa bawat indayog ng binata na para bang pati katawan mo ay may sariling isip. At habang tumatagal, mas nararamdaman mo ang kakaibang sensasyon na iyon. Hanggang kapwa ninyo narating ni Troy ang rurok ng kaligayahan!

Kanina ka pa tulala, wala din patid ang iyong paghagulgol. Ilang araw ka ng umiiyak simula noong huling gabi na magkasama kayo ni Troy. Hindi mo na rin alam kung anu ang iisipin mo. At takot ka rin na sabihin sa iba ang pinagdadaanan mo ngayon. Kahit ang bestfriend mong si Pinky ay walang kaide-ideya sa nangyayari ngayon sa ‘yo.

Ilang beses mong tinangkang tawagan si Troy, pero mula noon ay di mo na makontak ang binata. Hindi na rin ito nagparamdam sayo simula noong gabing may nangyari sainyo. Kaya ngayon, di mo mapigilang maiyak at maawa sa sarili mo. Lalo pa’t ngayon mo lubos na napagtanto na mahal mo na pala ang binata.
Pero asan na ito? Na kahit man lang isang text ay di na ito nagparamdam? Ganun na lang ba kadali ang lahat? O mas tamang sabihin na ONE NIGHT STAND lang talaga ang namagitan sainyong dalawa ni Troy???

Halos gumuho ang mundo mo nang isang araw, masaksihan mismo ng dalawa mong mata ang tagpong iyon. Si Troy habang may kasama itong magandang babae at may kalong na isang cute na batang lalake. Sa hitsura ng tatlo, larawan sila ng isang masayang pamilya. Lalo pang nakumpirma ang kinakatakutan mo nang marinig mo ang babaeng kasama ni Troy nang tawagin nitong hon ang lalake. Hindi ka boba at lalong ayaw mong magtanga-tangahan. Si Troy na inakala mong Single ay isa na palang Ama at nakatali na?

Wala kang nagawa ng mga oras na yun kundi dali-daling lumisan sa lugar na yun. Kulang na lang ay takbuhin mo ang daang iyon. O mas maganda pang lamunin ka na lang ng lupa para maglaho ka na. Bakit ganun kalupet ang kapalaran sakanya? At bakit siya nabiktima ng isang lalakeng Manloloko?
Tuluyan ang pagtulo ng mga luha sayong mata. Nahiling mo na sana, isang masamang Bangungot na lamang ang lahat ng ito!!!

(NOTE: Ito po’y kathang-isip ko lamang at hindi hango sa tunay na buhay!)

About Orlie Jacob

Isang simpleng "Tea Boy" sa Gitnang Silangan na nagbabakasakali na sa bansang Arabo matagpuan ang suwerte. Tatlong taon nang OFW at tanging pagsusulat ang libangan at talentong p'wedeng ipagmalaki. Sa pagsusulat, nagkakaroon ako ng sarili kong mundo kasama ang aking mga "IMAGINARY FRIENDS". Dati na rin akong nakapagsulat sa "LIWAYWAY MAGAZINE" at bukod sa pagba-blog, nagsusulat din ako ng Nobela sa Wattpad. Kung bibigyan ng pagkakataon, nais kong buhayin ang LITERATURANG PILIPINO sa pamamagitan ng aking mga akda na maiikling kuwento. Idolo ko sina Ginoong Efren Abueg, Ginang Lualhati Bautista, Bob Ong, at iba pang batikang manunulat sa ating bansa. Nawa'y maibigan n'yo rin ang bawat akda ko rito sa Definitely Filipino!