OFW Ako, Ngunit Galit Ako Sa Ibang OFW (Huling yugto)

(photocredit:Bagongbayani.com)
(photocredit:Bagongbayani.com)
(photocredit:Bagongbayani.com)

Sinundo si Janet ng kanyang amo sa presinto, sabi niya pa nga tinubos daw siya ng kanyang amo kinaumagahan. Tawa daw ito ng tawa sa kanya dahil sa pinakita niyang tapang.

At ‘yun nga umuwi sila sa kanyang bahay na pinaglilingkuran.

Minsan daw ng magkaron na siya ng day off, palibhasa’y first timer at wala pang alam, sabik daw siyang makakita nang kababayan.

Sa isang parkeng punong puno ng mga kababayan siya ay napadpad, anong saya daw ng makakita ng kapareho ng kulay. Halos liparin n’ya raw para makipagkwentuhan, sabik na magamit ang sariling lenggwahe ng ating bayan.

Unang engkwento niya raw sa isang kalahi, maganda naman daw ang kanilang kwentuhan, pedicure, manicure ang pinagkaabalahan, pati nga raw pagkulot sa buhok pati pagkulay ay nagawa pa sa tambayan.

Kumain din daw sila ng mga lutong Pinas, bonding dun bonding dito ang kanilang ginawa.

Hmmmmmm, hindi naman pala lahat dito ay masama, okay naman pala ang makipagsaya sa kapwa ko Filipina, sabi niya sa sarili at tiyak hindi siya madadala.

Sumunod na day off daw, hindi na siya mapakali. Halos hatakin niya na ang araw upang makalabas na muli, mga kaibigan nakuha namimiss na talaga , chikahan to the max ang palaging nasa isip sa tuwina.

Dumating daw ang araw na kinakagagalakan, ang makita si Inday sa dating tambayan, ngunit ngayon tila hindi ito masaya, sapagkat naiiyak dahil sa kailangan ng pamilya.

Kailangan niya raw magpadala ng pera sa pamilyang nangangailangan, ngunit ang pera ay hindi pa sapat at walang makunan ng pera ng madalian. Palibhasa kalahi nga naman, sanay sa bayanihan, agad siyang nag-abot ng tulong at sinabing sa susunod na sahod na lang bayaran, magpapadala rin kasi siya sa pamilyang naiwan.

Masaya naman ang araw niya dahil sa siya’y may natulungan, ngunit akala niya ay nakapulot ng kaibigan, ngunit mali daw pala siya dahil sa sunod na sahuran, hindi na siya nakilala pati sa utang ay nagka amnesia na.

Ang masaklap pa nito, nakita niya na ito’y may kaharutan at nakipaglalandian.

Natigalgal siya sa nakita, diyata’t ganito ba talaga ang mga kalahi niya. At nang may napadaan din daw na kalahi, nginitian niya ito ngunit iba naman daw pala ang tingin sa kanya.

Ang akala niyang ngiting pakikipagkaibigan sa kapwa kalahi iba pala ang dating.

“Sidecar” kabit kung tawagin. Unang dinig niya daw akala niya ay sasakyan. Iyon pala iba ang kahulugan.
Gusto raw siya maging kabit, habang nasa Ibang bansa silang dalawa, okay lang daw ang ganoon.
Ewan daw niya kung katangahan nga bang talaga, o sadyang wala naman talaga siyang alam sa nangyayari sa paligid n’ya.

Sabi raw kasi sa kanya , NORMAL, yun dito, tingnan mo ang paligid mo at sila ay lahat may kapareha.

Namulat ang mata niya sa kanyang paligid, kung kaya raw magmula noon parang ayaw niya nang lumabas at mag day off, ni hindi na nga raw siya nakikisama sa kalahi niya, sapagkat ibang iba na ang tingin niya sa dating mga babaeng Maria Clara.

Kasalanan ko ba kung dapat ganito ang aking maramdaman? Eh sa totoo namang aking naeksperiyensyahan. Kaya nga hindi ako tumagal sa bansang aking pinagtrabahuhan, sa sobrang homesick dahil halos ayaw ko nang lumabas ako ay napilitang sumuko at umuwi na lang. Kesa ang aking dangal ay mayurakan

Hindi naman daw siya nagmamalinis, ngunit sadyang hindi niya raw kayang matiis. Oo nga raw nagpapakahirap sa trabaho ang bawat nandoon sa ibang bayan, ngunit may mga nakakalimutan naman daw itong ipaglaban. At ito ay maging panatilihin ang tiwala nang mga taong sa Pilipinas ay naiiwan.

Sa ngayon si Janet ay isa ng balo,may dalawang anak, ngunit nakapag-asawa ng isang British National. Masaya sa kanyang sitwasyon, ngunit ayaw ng maging OFW.

About jessa maria

Proud to be a BICOLANA..a simple person who writes what's on her heart. Loves to laugh even in times of trouble..hopeless romantic and often times with a wild imagination.....friendly but shy....
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!