No Quality Kuno?!

01/11/2017 03:06:59 PM

Hindi ko alam kung bakit ba naman bagong taon na bagong taon ay umiinit pa rin ang ulo ko. Hindi naman dilawan vs. DDS ang unang pumutok ngayong 2017.

Ah, ito kasi eh. Ang isyu pa rin sa pagbabago ng Metro Manila Film Festival. Diyos ko naman, 2017 na, dapat nga naka-move on na tayo eh. Alam naman natin na hindi sila gaano pumatok sa takilya, pero umangat naman ang kalidad. Marami pa ring mga manonood ang naging masaya sa nangyari sa katatapos lang na Metro Manila Film Festival.

Pero maliban kasi sa isang nakakaalarmang isyu ng eksena na sangkot ang aso, may isa na tila asungot ang hindi maka-move on.

Bakit, nag-flop ba ang pelikula ng kanyang kapatid? Parang wala naman yata kaming naririnig. Pero pumatok rin ba? Ewan ko rin, unless may kakilala kang showbiz insider na magsasabi sa ‘yo ng resulta.

Pero para sabihin na hindi quality ang isang indie film (or probably, isang pelikula in general) porke’t hindi nakagamit ng high-end na kagamitan? Hoy, hindi naman porke’t panay drone at crane cam ang gamit ay maganda na. Yung iba nga diyan, nakagamit ng CGI graphics, hindi rin naman maganda ang kinalabasan. ‘Yung iba nga diyan, oo, ang high-tech ng mga lights, sounds, and lens na equipment pero basura pa rin naman ang kuwento. Halatang pilit lang ang arte o pagsingit ng ilan sa cameo.

At anong pinagsasabi ni Senator Tito Sotto na “naagrabyado ang mga bata” porke’t walang pelikula na General Patronage? May punto nga naman ang katotohanan na walang GP na movie noong Pasko, pero para sabihin na tila na-echapwera ang mga kids noong Pasko? Teka lang, sino ba nagsabi na ang Pasko ay para lang sa mga bata? Siya lang ba? Si Mother Lily rin ba? Pati ang iba pang mga gahaman na negosyante na sa sobrang yaman nila ay gusto pang humataw ng tubong lugaw noong nakaraang holiday?

Okay sana ang paghangad ng malaking kita sa Yuletide season eh. Kaso kung panay basura o sasamantalahin n’yo na lamang ang season na ‘to sa pagpapalabas ng isang mahaba (at dragging) na commercial sa sinehan, aba’y tama na ang gaguhan ‘oy! Nakakaurat na ang ganyan sa totoo lang. At lalo n’yo lang ginagawang istupido ang mga tagasubaybay n’yo sa mainstream.

Click here to continue reading