Nineteen Eighty Sick (1986) na naman ba? Kinikilabutan ako!

Nineteen Eighty Sick (1986) na naman ba? Kinikilabutan ako!

Wala lang pala yun?!… Lekat!!!! Wala palang silbi yung pagsigaw sigaw namin sa EDSA ng “Tama Na, Sobra Na, Palitan Na!” , ang mga pagmartsa namin ni Aling Beth (nanay ko) at Nanay Paz ng bespren kong si Herbert noong 1986  mula Sta. Mesa, Maynila  hanggang kanto ng Ortigas at EDSA.  Sumigaw at ipinarating namin na ayaw na namin ng more than 20 years niyang panunungkulan sa upuang  iyon! Ayaw na namin  sa isang diktador!  Sinabi ng Korte Suprema ngayong 2016  na hindi naman diktador si Pangulong Marcos kundi  bayani! Letse!!! Putong  inamoy! Bayani daw siya at nararapat  lang na ihimlay sa Libingan Ng Mga Bayani (LNMB)! Wala lang pala yung ma-tear gas kami noong araw na yun na pauwi  kami galing ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM). Hindi naman kami kasama sa rally na iyon sa may  City Hall ng Maynila  ay tineargas lahat ng tao doon.  Sa pagkataranta ko at walang mahagilap na tubig(hindi pa uso noong panahon na yun ang bottled water at naiinum pa mula sa gripo ang tubig) ay Coke ang pinanghilamos ko…. Hayun napalitan ang pagkahilam sa luha at sakit ng mata ko ng pagkalagkit lagkit na epekto ng Coke!   Nyeta!!!

Wa wenta din pala yung 1972 at 1973 na pumipila kami sa rasyon ng bigas na limitado lang ang kaya mong bilhin dahil may rice shortage nga daw.  At pag minalas-malas ka ay durog na mais na lang ang mabibili mo na kapag sinaing mo ay feeling mo  kumakain ka ng darak (pagkain ng baboy?!)… Pisti !!!!

Olats  lang din pala yung mga nabalitaan kong mga nagsalita laban sa diktadura na dinukot, pinahirapan, tinorture at daan

daang mga estudyante na nawawala (either mga namundok na o napabilang na sa mga tinatawag na deseparacidos!) Na noong Martial Law bawal ang mag-umpukan at magpahayag ng mga saloobin at mga negatibong komento laban sa naghaharing uri dahil tiyak na huhulihin ka ng Mercuchrome este MetroCom!  Oo tumahimik  noongpanahon ng Batas Militar kasi maraming TV at radio stations ang pinashutdown ng mga nasa otoridad at maraming mamamayan ang takot magsalita laban sa gobyerno dahil huhulihin at ipapakulong sila  noong panahon na iyon dahil suspendido nga ang Habeas Corpus. Nakakagigil…

1983 (Nineteen Eighty Threat) nung  ma-assassinate si Ninoy Aquino,  Pusila! Pusila! ang maririnig mo sa bidyo at pagkaraan ng ilang sandali ay makikita mong nakabulagta na ang dalawang tao – si Ninoy Aquino na nakaputi  at Rolando  Galman na naka kulay abo (alleged assassin daw!). Ang pagkaka-assassinate kay Ninoy Aquino ang gumising sa natutulog nating damdamin para sa bayan at tuluyang naglantad sa mga kabulukan ng diktadura at Rehimeng Marcos.

Simula noong 1983 ay kabi-kabila na ang rally sa Mendiola, sa Plaza Miranda, Liwasang Bonifacio at sa iba’t ibang dako pa ng bansa! Ay susmaryosep kagulo na! Giatay pa! Wala laging pasok sa mga eskwelahan sa Mendiola (San Beda, Holy Spirit, La Consolacion, Centro Escolar at Victorino Mapa High School, Avancena High School, Aguinaldo High School) pati na sa Recto (San Sebastian, University of the East, University of Manila, National University, Far Eastern University, EARN, TIP, etc).  Masaya at makulay nang mga panahong iyon sa Mendiola at Recto. Maraming putukan at mga nagkalat na kulay pulang dugo, mga sira-sirang placards at streamers, mga tsinelas at sapatos na walang kapares at mga sinusunog na goma at service vehicle ng ABS-CBN Channel 2 at GMA Channel 7.  Grabeee.. pyesta!

 

1984 (Nineteen Eighty Poor)

Ang sumunod na taon ay kinakitaan ng  paghihirap at pagdarahop sa ekonomiya, komersyo at sa politikal na pamamahala ni Pangulong Marcos. Sumadsad  ang palitan ng piso sa dolyares (na kahalintulad din ng pagbagsak ng palitan ng dolyar ngayong unang 100 days ni DU30 from 44.50 to 48.78). Sounds family?! Ang utang ng bansa sa pandaigdigang namumuhunan gaya ng World Bank (WB), International Monetary Fund (IMF) at iba pang mga foreign banks ay umabot ng $30 bilyong dolyares, ang produksyon at kalakalan ay sumadsad ng all-time lowest na kung saan maraming manggagawa ang nawalan ng trabaho.  Ayon sa balita  “1984 was the year the country faced its worst liquidity crisis since 1945 due to an estimated $1 billion capital flight from late August to December (Roots of Phil. Economic Trouble, 1984).”

Nabalita din na may iniindang kapansanan si Pangulong Marcos noong mga panahong iyon – lupus daw.

 

1985 (Nineteen Eighty Fight)

Umarangkada at lalo pang nag-umigting ang galit ng sambayanang Pilipino. Nag clamour si Juan Dela Cruz na magkaroon ng snap eleksyon upang matuldukan na ang tunay na saloobin ng nakararami.  Kinailangan din daw ni Pangulong Marcos na magkaroon ng bagong mandato mula sa mamamayan upang magkaroon ng bagong ‘economic recovery program’. Itinakda ang ‘snap election’ ng susunod na taon , February 7,1986.

Laganap ang katiwalian at kurakot sa gobyerno noong mga panahong iyon. Maraming opisyales ng gobyerno ang nangurakot sa pamamagitan ng mga maanomalyang transakyon.  Ang Pangulong Marcos mismo ay gumastos ng bilyon bilyon upang mapondohan ang kanyang mga kandidato sa Kilusang Bagong Lipunan (KBL). Bilang reaksyon ng mga nag-iisip at napapagal na mamayan, kabi-kabila ang noise barrage, rally at demonstrasyon hindi lang sa Metro Manila kundi sa  bawat sulok ng kapuluan ng Pilipinas. Nyeta….

edsa-1986

1986 (Nineteen Eighty Sick)

Nagkaroon ng eleksyon subalit ito’y nabahiran ng kontrobersya nang ang  mahigit sa 100 Election watchers and volunteers ay nagwalkout at sinabing may dayaan na nangyari sa bilangan ng boto sa PICC at  La Salle Greenhills. Lalo pa itong umigting nang magpatawag ng civil disobedience sina Fidel V. Ramos, Juan Ponce Enrile at Gringo Honasan sa Camp Aguinaldo. Sina Jaime Cardinal Sin at June Keithley ay ginamit ang Radyo Veritas na manawagan upang lumabas ang mga tao sa kalsada at magkaroon ng People’s Power sa EDSA.  Ito ang sukdulang kanser  ng  lipunan – ang hayagang pandaraya at pagyurak sa karapatan ng tao at demokrasya.  Kumanta si Freddie Aguilar ng “Bayan Ko!” at sinundan ng APO Hiking Society ng “Handog ng Pilipino  sa Mundo” at “Saranggola ni Pepe” ni Celeste Legaspi!  Wala lang pala din ito!  Painyeta !!!!

Sa kadulu-duluhan ay naitaboy ang pamilyang Marcos  papuntang Hawaii dala-dala ang kahon-kahong nakaw na yaman mula sa kalupi ng bayan!

 

2016 (Twenty Sick & Thin)

Nagulantang ako sa balita sa TV at social media! Muling nagalit, nanginig, napaiyak at kinilabatutan na pinayagan ng Korte Suprema na mailibing si dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani! Siyam na Mahistrado ng Kataas Taasang Hukuman ang pumayag na mailibing si Marcos sa LNMB! Tsk, tsk, tsk …Hindi pa naging onse gaya ng Onsengnador noong 2001 na tumanging buksan ang envelop ni Jose Pidal na naging mitsa din ng pagkakatalsik ni Dating Pangulong Erap sa Malakanyang.  Kamatayan daw muli  ito ng Demokrasya sa PIlipinas ayon sa ilang mambabatas! Bayad ba ito ng Pangulong DU30 sa suportang ibinigay ng mga Marcoses noong nakaraang presidential election?

Ang pagpapalibing kay Dating Pangulong Marcos sa Libingan ng Mga Bayani (LNMB) ay bindikasyon na hindi sila nagnakaw sa kaban ng bayan! Na hindi sila naging instrumento ng pang-aapi at panunupil sa karapatan ng karamihan! Ito ay indikasyon na walang karapatang pantao na nalabag sa pagpapa-iral ng Batas Militar sa loob ng siyam na taon! Akwital  ito sa pamilya  Marcos na wala silang nagawang mali at labag sa batas ng tao at Diyos dahil bayaning dapat ituring ang namayapang Dating Pangulong Marcos.  Painyeta!!!

article-0-08df7f0a000005dc-25_634x478-2

Bakit hinintay pa ang 27 taon bago siya  ihimlay sa totoong libingan at hinayaang mamalagi sa Batac, Ilocos Norte ang wax daw niyang katawan!? Pwede naman  ilibing siya sa Heritage Cemetery sa Taguig na katabi ng LNMB complete with gun salute at anik anik na seremonyas at brouhahaha at pagkatapos sa kalaliman at katahimikan ng gabi’y ipuslit sa Libingan ng mga Bayani  at tuluyang ihimlay doon na lingid sa kaalaman ng nakararami. O di ba naisahan pa tayo!? Mas malakas ang hagalpak ng ganoong tawa! Beh buti nga!  Pero hindi nga ganoon dahil ang pamilya Marcos ay after sa absolusyon ng kanilang mga kasalanan at ng buong angkan at hindi talaga mismo ang malibing lamang sa Libingan ng mga Bayani si dating Pangulong Marcos!

Nakanginginig, nakapanlulumo at muling nanunumbalik ang galit, poot at nananariwang muli ang mga sugat na hindi naghilom noong panahon ng Batas Militar at  Rehimeng Marcos. Nakakapanginig ng laman ang mga kaisipang nasupil ang ating karapatan at  kalayaang makapagpahayag ng tapat, totoo at may paninindigan. Na akala nati’y  nakamit na natin ang tunay na kalayaan  at katahimikan! Hindi pa pala!

Sa katapus-tapusan ay naalala ko tuloy yung awitin na kinanta namin noong   unang taon sa hasykul sa Victorino Mapa High School :

 Laban sa kalooban ko man,

Ako’y handang handang lumaban para sa ating kalayaan…

Ngunit bakit ang minimithing kapayapaan

Ay daraanin sa digmaan, makamtan lang ang kalayaan?

 

Digmaan, walang kasing lupit na kapalaran,

Walang kasing pait

Digmaan, wala ni katiting na kagandahan

Huwag sanang darating!

 Digmaan..….

 1986 ba ulit ngayon? Darami na naman ba ang mga demonstrasyon, rally,  barikada at noise barrage sa kalsada?!  Lekat!!!!… painyeta !!!!!chain

About reachhard

Richard Gregorio Penaflor was born on September 19 to Atty. Leonides R. Penaflor, a struggling labor lawyer from Polangui. Albay and to Elizabeth G. Penaflor, a former househelp from Libertad, Antique. He is the middle child to a brood of five (5) plus seven (7) minus 3 minus 1 persevering children who transcended from poverty. He is married to Engr. Maela Katherine Dee and blessed with one loving and intelligent son, Spencer Matthew D. Penaflor. A chemical engineer and environmentalist by profession and a writer/youth volunteer by avocation. In college, he was a consistent student leader, a scholar/recipient of different scholarship programs like the YMCA of Manila, Guillermo de Vega Scholarship Grant, Prof. Mutsuhiko Miki Scholarship for Nihongo subject. He was also one (1) of the lucky Youth Ambassadors of Goodwill of the Philippines who represented the country in 1989 to ASEAN countries like Brunei, Indonesia, Malaysia, Thailand, Singapore and Japan under the Ship for Southeast Asian Youth Program (SSEAYP ’89). God also rewarded him to be one of the board topnotchers in the 1990 Chemical Engineering Board Examination. He finished college at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila with a degree in Chemical Engineering under a scholarship and landed in good jobs and companies. Just recently, he completed his master’s study with a degree of Master in Developmental Management at Development Academy of the Philippines under a government scholarship. He worked with different prestigious companies like Manila Electric Company (MERALCO), Norkis-Yamaha Motorcycle Company, Department of Science and Technology, Ginebra San Miguel, Inc., San Miguel Corporation, Tutoring Club, ABS-CBN Foundation and most recently in the government’s Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC). Recognizing his environmental advocacies, Richard received in 2011 the prestigious Blue Falcon Award from V. Mapa High School Alumni Association. With all the professional experiences he gained in working with these various companies, he can truly say that he is really blessed by God for He allowed him to work in these different institutions to harness him more and prune him to be a better person. Richard firmly believes that sufferings, pains, and poverty are just time-bound. It is just a phase in life and not at all a permanent state. Out of these trials and tribulations, he emerged as winner and victorious!
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!