Nice Juan (Mga Kwentong Bahala Ka Na) Part 1

nice juanNaiinip na yung mga pasahero. Iisang pasahero na lang kasi ang kulang, lalarga na yung dyip. Magkakalahating-oras ng nakatambay ang dyip sa terminal pero ni isang pasahero, walang nagtatangkang sumakay. Pano ba naman, siksikan at alanganing espasyo na lang ang puwedeng upuan ng sinumang uupo. Talo sa pamasahe. Mainit na tuloy yung ulo nung driver, halos pasigaw ng pinakikiusapan ang mga pasahero na umurong, isiksik ang sarili at ipitin na ang dapat ipitin kung kinakailangan. Narinig ko pang sunod-sunod siyang nagmumura, parang nagmamadali. Nung may sumakay na at nakabayad na ang lahat sa dispatcher, humimas muna siya sa nakasabit na rosaryo sa harapan niya saka nag-sign of the cross. Narinig ko ulit siyang nagmura, pero pabulong na lang.

 

*             *             *

 

Ayaw ko sanang maniwala, pero kitang-kita ko. Di ko nga alam kung matatawa ako o magugulat. Basta, unbelievable talaga. Yung top one kasi naming kaklase, yung tinatawag nilang ‘genius’, nahuli ko kaninang may kodigo nung nage-exam kami. Saglit nga lang siyang nag-exam, unang-una siyang nakatapos. Astig. Genius.

 

*             *             *

 

Nakokonsensya ako. Sobra kasi yung sukli sa’ken ni mamang drayber. Bente binayad ko, pero sinuklian din ako ng benteng barya. Dalawang lima at isang sampu. Malabo ata yung mata. Gusto kong ibalik, pero nasa dulo ako ng dyip. Punuan pa. Di ko alam kung pano ko ibabalik. Baka isipin pa ng mga tao, ang honest-honest ko. Ibabalik ko ba? Sobra ba talaga o sinadya nya lang kung ibabalik ko? Ayun, no choice. Binigay ko na lang yung sobra pagkasakay nung batang namamalimos. Baka makatulong.

 

*             *             *

 

Ang sakit na ng ulo ko. Grabe yung amoy nung katabi ko sa elevator. Tangina, may baktol! Kahit may sipon ako, sumisiksik  pa din yung bangis ng amoy niya. Di naman puwedeng ako, inamoy ko yung sarili ko, okey naman. Dalawa lang kami sa elevator, malamang siya lang yun. Sayang, ang ganda pa naman niya. Naaamoy niya kaya yung sarili niya?

 

*             *             *

 

Di ko naman talaga dapat maririnig yun, pero medyo malakas kasi yung usapan nung magsyota sa likod ko. Umiiyak yung babae, buntis ata. Sinusuyo naman siya nung lalake, pero parang ayaw nung babae. Kanina pa ata sila nag-aaway. Pagkaupo ko andun na sila e. Di ko nga pinapansin, kung di ko lang narinig yung sinabi ng babae na lagot daw siya sa asawa niya. Uuwi na daw galing Dubai.

 

Shit, overbreak na ko.

 

*             *             *

 

Ako: Ba’t ako niligawan mo? Akala ko ba siya trip mo?

Ikaw: Wala e, may boyfriend na pala siya.

Ako: O, e di ba may girlfriend ka na rin?

Ikaw: A, yun? Wala, malabo na kami nun. Wala ng communication e.

Ako: Sus, maniwala ako sa’yo…

Ikaw: Kaya nga ko nanliligaw kasi malabo na love life ko e.

Ako: Sigurado ba yan?

*             *             *

Tinamad na naman si sir. Nagpakopya lang. Aga ko pa naman pumasok, kala ko may quiz. Sana pala gumawa muna ko ng project ko. Badtrip talaga. Nau-ulol na naman ata sa bago niyang cellphone. Letse, kun’di lang major subject ‘to, ida-drop ko na to e. If I know, ka-text lang naman niya yung bagong prof sa kabilang building. Tangina kang bading ka, letse ka talaga.

*             *             *

Sabi ko na e, may gusto talaga sa’ken to e. Timing na timing lage pag nagbe-break ako, nagbe-break din siya. Sus, pa-simple pa. Kunwari magtatanong ng oras, tapos maya-maya uupo na rin malapit sa puwesto ko. Tinatagalan pa yung pagkain niya, e skyflakes lang naman yung kinakain niya. Sus, style mo! Kunin mo na kasi number ko, dami pang arte e!

*             *             *

Nakakatamad pumasok. Bwisit, may bagyo na nga e, pinipilit pa ko ni boss pumasok. Okey lang daw kahit ma-late, ang dami daw gagawin. Tanginang yan, buti sana kung hindi baha sa kanto namin, papasok ako kahit naka-tsinelas. Masyadong demanding. Kun’di lang talaga naglilibog tong taong to, di ko papansinin to e. Antayin mo pagka-resign ko. Maghahabol ka din.

 

*             *             *

 

Ikaw: Sa’n mo gusto kumain? (ta**na sana wag sa mahal!)

Siya: Okey lang kahit san… (shit sana ilibre niya ko, wala na kong pamasahe!)

Ikaw: Dito puwede na ba? (pumayag ka na, eto lang kaya ng budget ko!)

Siya: Okey lang. Di naman ako choosy (yuck, di masarap dito!)

 

*             *             *

 

Loko-loko din minsan si ermats. Alam na ngang eighteen pesos ang pamasahe ko balikan, tapos bente lang baon ko? Wow, ano to, joke? Anong mabibili ko sa dos? Fishball? Tapos nagtataka pa…

(Click here to continue reading…)

About Juan Mandaraya

Dating gitarista ng iba-ibang banda. Nagdo-drawing kapag bagot sa trabaho at walang internet. Nagbabasa ng libro para antukin at para masabing nagbabasa din. Sabik sa tulog, adik sa kape at fried chicken. Nagsusulat dahil...hindi niya rin alam. Triip lang.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!