‘Nay

Photo courtesy of http://apieceofkeyk.files.wordpress.com

Photo courtesy of http://apieceofkeyk.files.wordpress.com

 Katatapos lang naming mananghalian nung araw na ‘yon. Gusto ko lamang maibsan kung ano man nararamdaman niya. Gusto kong makita ang guhit ng ngiti sa kanyang labi. Nay, ba’t nyo po ako kinuha noong ibingay ako sa inyo? Sobrang ganda ko ba noon kaya di mo ako matanggihan? Tumingin lang sya sa akin habang pinipigil ang kanyang ngiti. Nais kong marinig ang kanyang tawa kaya itinuloy ko ang pangungulit sa kanya.

Nay, ba’t di nyo ako binalik ng gusto na akong kunin ng aking tunay na ina? Pero lumamlam ang kayang mga mata at paiwas syang sumagot. Lumayo ka nga, masyado kang makulit.

 Nay, yan parati ang bukang bibig ko. Nay, inaantok na ako. Tatabi siya sa akin kasi alam niyang di ako makakatulog ng hindi nakahawak sa tenga nya. Nay, masama po ang pakiramdam ko.Kahit nasa college na ako, siya pa rin ang taga handa ng kailangan ko, sya pa rin ang nagpapaalala kung oras na ng gamot ko, tagapahid ng vicks sa likod at dibdib ko at maging sa pagtulog ko tinatabihan ako para masiguradong okey ako. Nay, nagugutom po ako. Kahit alam niyang kaya ko naman magluto, siya pa rin maghahanda ng paborito kong pagkain. Nay, ubos na po ang allowance ko. Pang-isang linggo ko na allowance pero Miyerkules pa lang ubos na. Kahit nagsesermon siya, nagbibigay naman pagkatapos. Nay, may nakasagutan po ako. Magtatanong sya kung sinong may kasalan, pero alam ko naman na kahit ako ang may kasalan papanig pa rin sya sa akin, yun nga lang pupunuin ka muna niya ng maraming salita.

 Nay, salitang pantawag ko sa babaeng hindi ko naman ina. Mula’t sapol naman alam ko na hindi ko sya tunay na ina. Hindi ko direktang narinig sa kanya, nakalakihan ko na rin, kasi nga naman ‘pag tinawag pangalan ko, kasunod nun ‘ampon ako ng nanay ko’. May mga anak rin sya kaya’t parang naging bunso nila ako. Tinuring din akong kapatid ng mga anak nya. Spoiled nga ako sa kanila pero di rin naman ako nakakalampas ‘pag may ginawa akong kalokohan. Mga anak niya ang taga-disiplina sa akin. Sa bawat parusang natatanggap ko, siya pa rin ang tagasalba ko. Siya ang tagakalas ng tali kapag itinali ako ng anak niya kasi masyado akong gala. Siya ang tagapagbukas ng pinto ‘pag pinagsasarhan ako kasi lampas na naman ako sa curfew.

 Halos lahat nga ng kaarawan ko, siya ang unang tao na bumabati sa akin. Ni minsan di ko naramdaman na ‘di ako galing sa sinapupunan niya. May pet name din ako sa kanya na siya lang talaga ang tumatawag sa akin nun. Noong una naiinis ako oras na marinig ko yun kasi alam ko kasunod nun utos pero nung huli parang naging pampagaan ng loob ko. Ngunit di ko akalain na unti-unti pa lang mawawala ‘yon.

 Kagagraduate ko lang sa college nun ng matuklasang may brain tumor sya. Parang pinatapak niyang lang ako sa entablado at ginustong makita na inaabot ko ang aking diploma. Sumailalim siya sa isang maselang operasyon. Akala ko magiging okey sya ngunit sa bawat araw parang lobo syang nawawalan ng hangin. Nakikita kong lumalaban sya. Gusto nyang makabalik sa normal uli, ‘yong nakakalakad..’yong nagagawa nya lahat. Minsan nga gusto niyang umihi di nya ako ginising kasi alam nyang kakahiga ko rin lang mula sa pagrereview para sa board exam ko…Pinilit niyang tumayong mag-isa…nagulat na lang ako sa isang malakas na bagsak..natumba siya, alam kong tumama ang kanyang ulo hindi ko lang alam kung saan pero di niya sinabi, okey lang daw siya. Alam kong ayaw niya lang sisihin ko ang sarili ko.

 Lumipas ang araw, linggo, buwan pero di ko nakita ang paggaling niya. Ipinagdasal ko pa nga na okey lang Po na di na ako makapasa basta po gumaling lang nanay ko. Pero parang baliktad ang pagkarinig Niya sa dasal ko. Unti-unting siyang pumapayat hanggang sa puwede ko na siyang kargahin. Marami akong katanungan sa kanya. Mga katanungang mararamdaman ko naman ang kasagutan. Nay, marahil hindi mo na ako ibinalik sa aking tunay na ina kahit kinukuha niya na ako  kasi sa unang karga mo pa lang sa akin tinuring mo na akong anak. Nay, hindi mo na ako binigyan nga pagkakataon na maibalik ko sa iyo ang lahat na kabutihan mo kasi ang pagmamahal mo sa akin bilang ina ay hindi naghihintay ng kapalit.

 Hinanda ko na ang sarili ko sa puwedeng mangyari pero kahit kailan pala hindi ka magiging handa. Sabi ko sa kanya, Nay, kung nahihirapan ka na puwede ka ng bumitaw. Kaya ko na po. Pero…ang sakit…ang  pangungulila….buong buhay ko pa lang mararamdaman. Nay, katagang kailan man wala ng tutugon.

 Ineng, tinitawag ka na. Ikaw daw ang susunod na magpapapicture. Tumingin lang ako sa babae. Hindi, ayoko..gusto ko lahat na larawan na kasama siya ‘yong nakatawa kami pareho. Masaya.  Nay, ayoko ng larawang magkasama tayo pero ikaw ay nasa kabaong.

 

 

About Anyah28


Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.


Send a private message to author Anyah28

  • anjie

    tnx sa story,,

  • khit pasaway ako sa nanay ko mahal ko parin sya lalo na ung may pinupuntahan sya nsa isip ko xa.. k2ld dn kta ung writer ng blog n ito

  • Oh no, di ko tinapos yung pagbabasa, ayoko maiyak bagong gising lang ako

  • Ceia

    Bata pa ako palagi ng nagkakasakit ang papa ko. Kaya everytime na tatawag ako sa mama ko, papa ko lagi ang kinukumusta ko dahil sya ang sakitin at ilang beses na rin syang lumaban kay kamatayan. Halos lahat ng atensyon at pagmamahal namin ay binigay namin kay papa, dahil malakas naman ang mama ko. Hindi namin alam na meron din pala syang nararamdaman na hindi lang nya sinasabi sa amin. Isang buwan lang mula ng magkasakit ay namatay sya. Sobrang sakit, alam ko alam nya na mahal namin sya kaso di lang namin napadama sa kanya ang pagmamahal at pag aalaga sa kanya. Ang daming regrets, ang daming sana…
    Ngayon ang papa ko ay lumalaban na naman kay kamatayan kahit anong pagpapalakas ng loob at pagtanggap ang ginagawa ko, iniisip ko pa lang parang mas mauuna pa ako kesa sa kanya. Ang hirap…

  • LILIA S. ARCHIBALD

    wow…..pareho nang patay ang mga magulang ko, pero tandang tanda ko pa ang sakit ng sya ay yumao,d ko pa naranasan ang mawalan ng minamahal bago namatay ang ina ko kaya d ko alam ang mararamdaman ng namamatayan, nand2 na ako sa states nang sya ay yumao, tandang tanda ko alas 4:15 ng madaling araw nag ring ang phone ko, pu2ngas pungas pa ako ng sinagot ko ang phone, tapos ang narinig ko nlang iyakan sa back ground, panay ang hello ko, finally sumagot ang kaptid ko sabi nya na wala na ang nanay namin, tandang tanda ko na parang naglapat ang langit at lupa para skin, sumigaw at humagulgol ako, sa lakas ng pagtangis ko nagising ko ang asawa ko,naalipungatan sya at nagtanong “whats going on” d ko sya masagot kaya kinuha nya ang phone sa kamay ko, at duon nya nalaman na wala na ang aking ina,wala syang nagawa kundi yakapin nalang ako dhil agad2 sa kaiiyak ko nawalan ako ng boses, matapos kaming mag usap ng aking kaptid,nangarap ako na sana ibon ako namakakalipad at nanduon agad sa pilng ng pamilya ko, sa sobrang pagtangis ko d ko magawang gumawa ng kung ano pa man, iyak lang ako ng iyak, tinawagan ng asawa ko ang pastor namin at duon nag umpisa ang pagdalangin nila skin at sa pamilya ko,d na pumasok ng trabaho ang asawa ko dahil sya na ang gumawa ng lahat ng arragement sa pag uwi ko, halos tulala ako at ang mata ko ay magang maga sa kaiiyak, halos naubusan na ako ng luha, bago ako umalis ng pinas mataba ang nanay ko nung umalis ako, sinalubong ako ng mga kptd at pamangkin ko sa airport, lahat sila nakasuot ng itim na damit, habang papauwi walang tinig sa isat isa sa amin, ng nasa kanto na kailangan naming bumaba ng sa2kyan dahil d makakapasok ang taxi sa lugar namin, ang laht ay nakatingin skin, tinanaw ko na may tolda sa tapat ng bahay namin, tumakbo ako, huminto sa pinto at huminga ng malalim bago ako tumingin sa ataul ng ina ko, pagkataps nun d ko na alam ang nangyari, nawalan pala ako ng malay nangmagising ako tumingin ulit ako sa ataul nya, sabi ko bakit ang payat ng nanay namin, tinanung ko silang lahat kung ginutom ba nila ang nanay ko, lahat sila ang sabi hindi, hindi Ne, kaya lang nang maparalise sya, d na din sya ganong makakain. 17 years na syang nawala pero ang sakit at pangu2lila ay d parin nawawala. tanging ang pagmamahal lang ng ina na kahit saan d mo maku2ha, magkakaanak, at mag aring mag asawa muli ngunit ang ina ay isa lang sa buhay nating lahat, dahil tanging ina lang ang nagmamahal sa atin ang may pareho ng pagmamahal sa atin ng Dyos.

  • DEEP

    d best………………………….

  • Katotohanan kasi ng buhay yan..
    Totoo ung sabi nya na “Hinanda ko na ang sarili ko sa puwedeng mangyari pero kahit kailan pala hindi ka magiging handa.”

    My dad passed away October this year. Sabi ko sa sarili ko, ‘handa ako at ndi ako iiyak.’ pero kahit kailan pala, ndi ko naihanda ang sarili ko sa buong sitwasyon. Ang pagpanaw ng isang tao ay mas mahirap dalhin kesa sa alam mong wala sya pero kahit papaano at sa isang banda, mapupuntahan mo kasi buhay pa sya… Pagpumanaw na, wala ka nang ibang paraan o dahilan kung ndi tanggapin mo na lang ang sitwasyon at dalhin ang lahat ng mabubuting aral na naituro nya sayo.. kasi kahit anong mangyari, buhay mo ang obligasyon mo bilang tao. ikaw ang magdadala ng sarili mo at ndi ibang tao.

  • kaaga nmn aq pinaiyak but it’s a nice story!!huhuhu…..

  • Nkaka iyak nmn po pero d BEST po nmn po ung story… Lalo ko pong n miss ung mga parents ko nsa pinas kz cla…

  • naiyak ako don ah… mahal kita anak Hannah McCarthy ung isa ko pang baby nsa tiyan ko pa :*:*:* lage and2 c mama pra z inyong dalawa 🙂

  • galo

    Well said.

  • sobrang nkakaiyak nman po..iba talga magmahal ang isang ina..

  • Naluha ako…Wala nang hihigit pa sa pagmamahal ng sang Ina..salamat sa napakagandang kwentong ito.

  • omg.. .tears are falling down 🙁

  • tumulo naman luha ko as in nakarelate ako namiss ko na kasi sobra ang papa ko and nakita ko rin pano sya nagsuffer sa karamdaman nya noon…=(

  • naiyak naman ako..

  • well written piece. kakantig ng damdamin. i can relate my papa was not there when i graduate my law degree, he died n a vehicular accident a yr b4. pinaiyak m k s kwento,ok lng. life does not go d way we want to at times.

  • best!

  • 1st