Natukso Ako Sa Aking “Madrasta” Ko (The Beginning)

madrasta
(Photo Credit: Corbisimage)

Hindi ko akalain na ang mga ganitong kuwento ay puwedeng mangyari sa buhay mo. Ang pag-aakala ko ay ito’y mababasa lamang sa mga komiks o isang kathang-isip lamang. Pero kapag ang tukso ay lumapit na sa iyo, minsan hindi mo siya maiwasan o matanggihan. Para siyang isang ahas na alam mo namang tutuklawin ka at puwede kang tumakbo; bagkus ay iyong hinintay lumapit sa iyo at alamin kung ikaw nga ay kanyang bibiktimahin.

Namatay ang aking ina may limang taon na ang nakararaan. Ako ay nagtratrabaho sa Makati bilang isang call center agent at alam naman natin na ang trabaho nito ay panggabi kung kaya umaga na ako kung umuuwi.  Katatapos ko lang ng aking kolehiyo nang mawala ang aking ina at nakita ko kung paano naging malungkot ang aking ama sa pagkawala nito. May mga gabing nakikita ko siya na umiinom mag-isa at nagpapatugtog ng mga paboritong awitin nila. Minsan ay wala akong maisip kung paano ko sasabihin sa kanya na kailangan na naming harapin ang katotohanan na wala na si Mama at kailangang magsimula na kami ng bagong buhay.

May mga gabi rin na nalaman ko na madaling-araw na siyang umuuwi at ito ay dahil sa pumupunta na siya sa mga inumang may babae. Nasabi ko na lang sa sarili ko na okey lang yun dahil lalaki naman siya at malaki na at alam na niya ang tama at mali.

Hanggang isang araw, noong isang taon na ang nakalipas na may kasama siyang umuwi sa bahay. Isang napakaganda, napakasexy at napakabatang babae na sa tingin ko ay hindi lalagpas ng bente tres ang edad. Pinakilala sa akin na ang pangalan ay Monica at tawagin ko na lang daw na Tita. Parang nag-aalangan ako dahil halos magkasing edad lamang kami. Sabi nga ng babae na kahit hindi na Tita ang itawag ko at sa pangalan na lang niya puwede kong tawagin.

Nagtataka ako dahil bakit naman siya sasama sa aking ama na  halos tatay na ang kanilang agwat. Hindi ko  alam ang aking gagawin kung kaya tumahimik na lamang ako. Sa mga nagdaang  araw ay nakakitaan ko naman na masipag siya at maalaga siya sa bahay at kay ama. At nakita kong masaya naman silang dalawa. Simpleng paghanga ang aking naramdaman dahil nga parang nabuhay ulit ang aming tahanan.

Isang araw, nang ako ay umuwi ng bahay galing sa trabaho ay nakita ko siyang naglilinis ng bahay. Doon ko siya napansin; ang suot niyang hapit na shorts at tshirt na walang pangloob kung kaya’t umiwas ako ng tingin. Hindi ako puwedeng matukso kaya dumiretso ako ng kuwarto. Maya-maya ay pumasok siya na may dalang mainit na inumin at umupo sa harapan ko. Nakipagkuwentuhan siya sa akin at talaga namang palagay ang loob ko dahil siguro sa aming mga edad, pero atubili ako dahil siya ang Madrasta ko.

Tinanong ko siya kung paano sila nagkakilala ng aking ama at naikuwento niya sa akin. Noong minsan na pumunta ang ama ko doon sa inuman ay kinuha siyang partner. Bago lamang siya, wala pang isang linggo at kaya raw siya nandoon ay dahil nag-aaral siya at self-supporting daw siya. May mga ilang dalaw pa raw ang ginawa ng ama niya hanggang inalok siyang huminto na doon at siya ang magpapaaral sa kanya hanggang makatapos siya. Tutal dalawang taon na lamang daw ang kulang niya. At nang makatapos ay inalok na siyang manirahan sa bahay na iyon. Hindi na siya tumanggi dahil sa utang na loob at nababaitan siya sa aking ama. Tinanong ko kung mahal ba niya ang aking ama, sagot lamang niya na madali lang daw ang magmahal at matututunan din niya sa kalaunan.

Pagkatapos ay iniwan na niya ako dahil magluluto pa raw siya para sa tanghalian namin. Naiwan akong mag-isa at parang iba ang nararamdaman ko na paghanga, pero pilit ko siyang nilalabanan. Hanggang makatulog ako…

Itutuloy……

About da_professor

Masasabi kong ako ay jack of all trades, master of nothing. Simula noong bata ako ay marami na akong nasalihan at nainvolved na activities..choir, theater, cubs scout, boys scout; senior scout. Karate, taekwando, arnis. Sali sa legion of Mary, block rosary , youth organization, sumasali sa mga tournament ng basketball, volleyball, bowling, tennis, chess, pingpong at kung ano ano pa. Hanggang ako ay nagkatrabaho, nagkapamilya ay nawala na ang mga aktibidades ko. Ang hindi lang nawala sa akin ay ang hilig ko sa pagsusulat. Siguro bunsod na rin ito ng hilig ko magbasa at magobserba ng mga bagay bagay kung kaya ang aking creative juices ay buhay na buhay pa. Sa kasalukuyan ay nasa gitnang silangan ako na araw araw ay nakikihalubilo sa mga manggagawa dito para siguraduhin ang kanilang kapakanan (human resource) Biniyayaan ako ng limang anak at isa na lang ang nagaaral sa kolehiyo.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!