Narcissism (Mga Kwentong Pa-Like, Mag-Comments at I-Share)

narcissismSayang ‘yung Friendster. Successful na sana ‘yung social networking site na ‘yun kung ‘di lang talaga kinain ng virus at mga hacker.

Paano naman kasi, bukod sa naging OA na sa pagko-customize e pinutakti na rin ng mga kung ano-anong malalaswang virus na mas maganda sana kung naging totoo na lang [insert demonic smile here].

Kumpara sa Facebook ngayon, walang-wala ang Friendster noon kung accessibility at convenience lang ang pag-uusapan. Andun na lahat: magmula sa chat, video chat, games, newsfeed, links sa maraming websites, negosyo, etc. Bukod dun, magaling ang maintenance team ng Facebook. Hindi basta-basta natitinag ng mga praning na hacker. Laging may innovation.

Kaya ko lang naman naalala si Friendster e dahil na rin sa negatibong resulta ng Facebook sa buhay ng tao. Kung paano nito pinarami ang mga trolls. Kung paano mabilis kumalat ang mga maling balita. Kung paano pag-awayin ang mga iba’t ibang sector at ahensya ng gobyerno, pati na religion. Kung paano magpatayan ang magtotropa dahil sa NBA, sali mo na rin ang DOTA. At kung paano nagsimula ang pagsilang ng mga narcissist sa mundo.

Kung gaano kabilis dumami ang user ng Facebook, ganun din kabilis dumami ang biglang nag-asam ng atensyon sa cyberspace. Hindi ko alam kung dala ng kahirapan o inggit. Pwedeng insecurity. O sadyang may problema lang sa sarili.

May ‘friend’ ka ba sa friend list mo na kung magpalit ng profile picture e halos araw-araw na? Yung tipong sinakop na niya lahat ng espasyo sa newsfeed mo, na halos puro pagmumukha na niya nakikita mo?

Kairita.

May mga ilang kamag-anak at katrabaho akong ganun ang trip sa buhay. Kun’di man profile picture ang pagdidiskitahan, yung araw-araw na pagkain ang iyayabang. Masakit sa mata. Yung bang kahit ayaw mo ng bad vibes e hindi maiwasan dahil sa kayabangan nila at sobrang pagpapapansin. Buti nauso na yung unfollow. Gumaan na yung pakiramdam ko kahit papano.

Wala namang premyo kung aling status o profile picture ang makakakuha ng pinakamaraming likes. Wala ring biglang yumaman dahil sa milyong-milyong comments. At wala ring nagkaron ng abs dahil sa sobrang dami ng na-share na ewan. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit big deal na big deal sa iba ang numero ng mga ito.

Bakit ba kelangan natin ma-recognize? Kulang lang ba talaga tayo sa atensyon o may kulang sa pagi-isip natin?

Kung saka-sakaling ma-recognize nga tayo ng maraming tao sa buong mundo, ano ang direktang epekto nito sa’tin?

Instant fame? Pwede. Internet sensation? Baka nga.

Ako, hindi big deal sa’ken kung iisa o dadalawa lang ang magla-like everytime na magpapalit ako ng profile picture (matagal-tagal bago ako magpalit ulit, depende sa mood at panahon). Wala akong pake kung wala akong matanggap na emoticons o comments pagpapalit ko ng picture. At isa pa, hindi ko pinipilit ang mga kamag-anak ko na gustuhin nila ang pagmumukha ko. Hindi nila obligasyon, at hindi rin nila responsibilidad. Isa pa, hindi naman magsasara ang butas ng puwet ko kung sakaling walang matuwa sa profile picture ko.

Meron akong kababata noon na iba ang trip sa buhay. Pabida. Ang trip niya e dapat lahat ng topic na paguusapan namin e makaka-relate siya. Mas mainam na kung siya alam na alam niya, at magiging bida nga siya. Isipin mo: magmula sa sports, religion at science, lahat related siya. Hindi siya lasing. Hindi rin siya lulong sa droga. Talagang nature na niya yung maisisingit niya yung opinyon niya kahit alanganin at masyado ng maangas.

Hindi lang dahil sa pagnanasa ng maraming likes, shares, millions of views at comments nakikita ang senyales ng pagiging narcissism. Heto ang ilan sa mga senyales (ayon kay Susan Heitler, Ph.D. mula sa article na Are You Narcissist? 6 Signs Of Narcisssism) na maaaring makapag-bigay ng idea sa’yo kung medyo-medyo narcissistic ka na:

Wala siyang pinapakinggan. Tama ako, mali ka. Maganda opinyon ko, panget yung sa’yo. So kung magsa-suggest ka ng idea, wag ka na magsayang ng laway. Mostly ng mga gantong tropa e yung organizer ng mga lakad. Siya magsisimula ng drawing, siya magkukulay ng drawing at taga-hanga lang kayo ng drawing. Kung papalag ka man para sa mas magandang idea, sisimulan niya ito sa salitang “Pero…”, which means wala ng kwenta yung una mong sinabi. Period.

Lahat ako. Alam ko lahat. Mas interesante ako. Bangka ako lagi sa inuman at mas mahaba ang oras ng pagsasalita ko compare sa’yo. So shut up ka na lang. Mahirap na sila kausapin, dahil kung sisimulan mong higitan ang wisdom niya, ida-divert niya lahat ulit pabalik sa kanya ang usapan. Nang mas maganda, mas interesante at mas pa sa lahat ng mga bagay na sasabihin mo, so babalik ulit sa kanya ang atensyon at focus.

Hindi uso ang rules sa’ken. Ang batas ay para lang sa mga weak. Yung mga sisiga sa eskwelahan. Yung mga hindi takot sa guard, sa teacher at sa guidance councilor. Ipapamukha nila sa’yo na mas…

 

(Click here to continue reading…)

About Juan Mandaraya

Dating gitarista ng iba-ibang banda. Nagdo-drawing kapag bagot sa trabaho at walang internet. Nagbabasa ng libro para antukin at para masabing nagbabasa din. Sabik sa tulog, adik sa kape at fried chicken. Nagsusulat dahil...hindi niya rin alam. Triip lang.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!