NakaMOVE ON na ba Talaga Ako?

moveon

Ilang buwan na pala ang nakalipas. Ang bilis ng panahon. Kamusta na nga ba ako ngayon?

Last year lang, I was broken. Niloko, pinalitan at iniwanan. Inaamin ko, naging bitter ako. Feeling ko noon ang malas kong tao. Bakit naman kasi maiinlove pa ako, dun pa sa isang manloloko?

Noong una, akala ko hindi ko kaya. Hindi ko alam kung paano ko sasanayin ang sarili ko na mamuhay nang wala siya. Pero kaya ko naman pala. Sa una lang mahirap. Sa una lang masakit… Pero kaya. At ngayon ito ang tanong ko sa sarili ko:

Nakamove on na ba talaga ako?

Naglipana ang mga books, articles or blogs telling the steps on how to move on. Karamihan doon ay nakatulong.  At para sa akin, ito ang pinakaeffective sa lahat – BLOCK. 

I blocked him in all of my social networking accounts. I blocked him on my phone (using an apps). I blocked him totally in my life. 

Sabi nila kabitteran daw iblock ang ex. Bitter na kung bitter. Eh sa iyon ang way ko para makapagmove on. Paano ako makakapagmove on kung araw araw ko makikita ang pagmumukha nila at yung paglalandian nila ng bagong gf nya? Torture yun on my part. At ayokong magtapang tapangan at magpretend na hindi ako apektado.

I stay away from him.

And now, I feel better.

I’m better off without him in my life.

Feeling ko I’m done and over with the pain. Taas noo kong pinangangalandakan na OK na ako. Masaya na ako na wala na siya sa buhay ko. Move on na move on na ako.

Pero enough na nga ba yun? Masaya nga ba talaga ako? Nakamove on na ba talaga ako?

Paano mo ba masasabing nakamove on ka na?

Kapag hindi mo na hinihintay yung text/call niya? Kapag hindi ka na nalulungkot sa tuwing maririnig mo yung theme song ninyo? Kapag kaya mo nang itapon o itago lahat ng mga nagpapaalala sa kanya tulad ng mga regalo o litrato? Kapag hindi ka na apektado makita mo man siyang may kasamang iba? Kapag tinigil mo na ang pagiging stalker sa mga social network accounts niya? Kapag nakalimutan mo na siya? Kapag may bagong bf/gf ka na?  Ganun ba yun?

Madali lang naman sabihin na nakamove on ka na eh. Madaling magkunwari na masaya ka. Madaling makipagplastikan. Madaling kumuha ng kapalit niya at magkaroon ng bagong karelasyon. Pero ang tanong, nakamove on ka ba talaga?

I examined myself and found out that all of those efforts of moving on will be useless if you don’t have these two:

ACCEPTANCE

You can never move on to the next chapter of your life if until now hindi mo pa rin matanggap na wala na kayo. Kung umaaasa ka pa rin na babalikan ka niya. Para makapagmove on, kailangan mong tanggapin ang katotohanan hindi ka na kasali sa mundong ginagalawan niya. Acknowledge the pain and accept your fate.  Isipin mo na lang na hindi siya worth para sa iyo. Na may taong darating na mas deserving sa pagmamahal mo.  Siya yung taong magpapasaya ulit sa iyo. Isang tao na tunay na magmamahal sa iyo at hindi ka lolokohin at iiwanan tulad ng ginawa ng ex mo.

FORGIVENESS

This is the hardest thing to do – to forgive someone who hurts you a lot.  It’s more difficult to forgive if your ex never asked for your forgiveness. But you have to do this, not for your ex, but for yourself.

“Holding on to anger is like grasping a hot coal with the intent of throwing it at someone else; you are the one who gets burned.” – Buddha

Alisin mo na ang galit sa puso mo. Hindi ito makakabuti sa iyo. Ikaw ang lugi. Habang ang ex mo ay masaya na sa piling ng iba, ikaw naman ay naistress, nagkawrinkles o pumangit pa, at may possibility pang magkaroon ng heart attack dahil sa galit na nasa puso mo.

Kung ayaw mong pumangit at mamatay ng maaga, patawarin mo na siya.

Now if you’ll ask me this: may acceptance at forgiveness ka na ba?

Hindi ko maisusulat ang blog na ito kung bitter pa rin ako.

Inaamin ko, the break up hurts me a lot. Tulad mo, I went through the different stages of grief: denial, anger, bargaining, depression. Tulad ng iba, gusto ko din noon ipakulam ang ex ko at yung maharot na babae niya. Hiniling ko din na sana madapa siya at mabungi yung front teeth niya bilang karma. Pero dumating ako sa point na napagod na akong magalit. Enough na. And now, I’m on acceptance and forgiveness stage na.

Napatawad ko na siya. Kung pinagpalit o iniwan man niya ako, iyon ay dahil may pagkakamali o pagkukulang din ako sa kanya.

Tanggap ko na hindi kami ang para sa isa’t isa. But I’ll never regret loving him because once in my life, naging masaya ako sa piling niya.

The most important is there’s a lesson learned.forg (2)

May natutunan ako.

Natuto akong magmahal.

Natuto ako sa mga pagkakamali at pagkukulang ko.

Natuto akong tumanggap ng pagkatalo at pagkabigo.

Natuto akong magpatawad.

Sa ngayon, hiniling ko na lang na sana tumino na yung ex ko. Sana hindi na niya ulitin yung mga maling ginawa niya para wala nang isa pang Eba ang iiyak at masasaktan kung lolokohin at iiwanan nya.

Now, ikaw naman. Examine yourself… Nakamove ka na ba talaga?