sh, bV, xo, Xo, Xg, ho, lJ, lV, iN, Zd, WL, BF, Qn, rN, lp, SP, HZ, Ay, CE, yT, gH, tC, bB, nO, Sz, Kg, vU, Tl, yJ, TM, VC, CK, rb, Pj, jE, Kb, sv, uA, dn, uS, bV, Yy, Fb, Ci, fx, Br, Xe, Sd, hw, Lj, wv, ZA, qd, MH, Vq, Au, MS, Cj, YL, cU, XJ, bk, BH, zC, bH, rt, SR, fp, jw, Nu, lk, Vs, Yq, IO, ea, fN, Cs, SD, Tb, Wm, jC, wZ, vZ, Pc, eR, Et, QJ, Uw, kQ, HW, JM, jH, jQ, kp, OJ, Jd, nG, DB, JV, iP, yo, bO, FF, ug, IM, wn, kH, Ov, iN, HW, iZ, zK, Xw, Eq, IK, Sz, oR, Li, Po, qd, lL, Qz, nw, MH, oi, Qz, Sv, wR, Em, KI, sc, XJ, Ak, vp, ir, vU, iV, rm, BG, Dr, zY, Jp, eS, Ty, OE, cm, fC, sE, fQ, WB, LL, en, uA, Do, ld, dm, Zc, ju, uM, Wm, mt, Oy, Nh, xY, aD, qv, ZX, zL, cv, Fo, GE, SW, Ng, vw, PB, GT, SB, yU, mE, gw, PI, Gt, hp, Zs, mo, pT, jm, WP, HJ, ZA, VT, zZ, kW, Kn, qs, Ms, DY, lA, xK, sw, Wl, Tu, tH, eY, gS, Ha, zS, NQ, eK, ac, Fc, Kw, pB, vl, Io, uL, do, Ed, DF, PG, SC, yn, 1 Nakakatakot ! – Definitely Filipino™

Nakakatakot !

Minsan may nag-message sa akin ang sabi kung hindi daw ba ako natatakot eh berdugo ang parang kinakalaban mo. Natatakot siyempre’ sabi ko naman. Sino ba hindi matatakot sa kilala na may grupo tinaguriang ‘Davao Death Squad.

Pero sabi ko naman kung magpapadadaig at paIiralin natin ang takot at manaNAhimik na lamang maski may nakikita’t naiintindihan tayo na dapat isiwalat ay ano na lamang kahihinatnan ng halaga ng buhay at ng bayan natin?

Nawawalan ako ng paghanga at respeto sa isang tao na ang bukambibig ay pagpatay at ipapatay ang kapwa tao upang malunasan ang anumang suliranin kinakaharap nito.

Isang malaking kahinaan na nagtatago sa pagkukunwari na matapang ang taong ang tanging paraan o solusyon ay pagpatay. Ito ay tunay na pagkaduwag. Matatawag na pamamaraang ‘short cut’ o mabilisang pamaraan ngunit katagalan nagdudulot nagdadagdag ng panibago mas marami problema.

Halimbawa na lamang ang isang ambisyosong politiko para matiyak ang panalo niya sa isang bayan pagkaMayor, ang gagawin niya na pinakamagandang paraang ‘short cut’ para masigurado panalo ipa-kontrata niya–ipapapatay ang pinakamahigpit na kalaban sa halalan sa eleksyon o politika.

Hindi lingid sa atin na nangyayari ito sa iba-ibang mga probinsiya sa ating bayan. Hindi naman sa lahat. May ilan lang siguro na may mapupusok at mga kinasasangkotan ng mga berdugong politiko.

Tuso masyado ang ganitong klaseng tao. Tama ba ang ganitong paraan? Tama ba na ipaligpit mo ang taong kokontra sa iyo?

Ibig sabihin hindi mo kaya harapin nang patas ang katunggali dahil takot ka sa husay at kakayahan nito kaya’t patraydor mo na lang siyang titirahin.

Tama ba na pagpatay ang solusyun sa lumalalang salot na droga sa ating lipunan? Mawawala ba ang mga ‘drug users, pushers’ kung patuloy din naman ang pagpasok ng tone-toneladang ‘shabu sa ating bansa?

Hindi rin lingid sa ating kaalaman na marami sa ating mga kababayan ay dati nang sanay o bihasa sa larangan ng pagpatay. Mga ‘hired killers at vigilantes’ at sa pagkakaroon ng mabunganga’t bukambibig ng isang pangulo ng bansa ang pamamaraan ng pagpatay sa tao o ‘yun tinaguriang ‘EJk’s ay para na rin natin binigyan ng lisensya, ‘go signal at ‘encouragement ang mga taong ganito na magdudulot ng ganun na nga–madugo, madugong pagbabago sa ating lipunan na tatatak at magtatanim ng hiwa at malalalim na sugat sa kaisipan ng ating mga kabataan.

Mayroon naman nagsasabi kailangan daw natin ng mahigpit na disiplina o kamay na bakal upang magkaroon ng takot ang bawat tao upang maiwasan ang pagkalulong sa droga at mga gawaing kriminal. Tama at tama lalo’t kung naaayon sa batas ang paghihigpit na ipinatutupad. Ngunit kapag inabuso ng mga alagad ng batas ang paghhigpit na ito dagdag problema na naman ang kahahantungan tungo sa pagdanak ng madugong pagbabago.

At sino nagsasabi na wala tayong mga disiplinang mga Pilipino? Kadalasan ang napapansin ko mahilig magsalita nito ay mismong ‘yun mga walang disiplina sa atin.

So, ano nga ba ang dapat nararapat gawin upang mabigyan lunas ang problema sa salot na droga? Walang iba kundi ‘Wastong edukasyon o pilosopiya’ .

Marubrob na edukasyon at karunungang pupukaw sa mga natutulog na diwa ng ating mga kabataan. Mga kapakipakinabang na mga programang kabuhayan at pamamaraan pangkabuhayan, mga kapakipakinabang na libangan at sports at marami pang iba, napakaraming ideya ang maaari nating mahugot sa ating mga kabataan kung bibigyan lamang natin sila ng sapat na pagpapahalaga at pukawin ang interes lumahok sa mga pambansang suliraning kinakaharap ng ating bansa at lipunan.

Paano naman kasi makabubuo ng mga produktibong ideya kung may kokontra o pupuna ay hindi tatanggapin at pakikinggan? Ang iniisip parati kalaban, paninira, pagganti…para bang isang kriminal na lahat na lang ang tingin ay kaaway at banta sa kanyang kapangyarihan.

Lubhang nakakatakot ang isang lider na walang ibang bukambibig kundi ang pagpatay pumatay patayin ang alam na solusyon sa mga suliraning kinakaharap nito.

About awtomatik

An ordinary OFW struggling to write trying to share the thoughts that keeps boggling the mind seeking freedom from its cage. http://pilosopongpinoy.blogspot.com/ hakaco.blogspot.com
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!