Nagpapa-Asa Ka Ba?

mjBakit kaya may mga tao na mahilig magpaasa? Tao ba kayo o bato?

Kasi ang mamanhid n’yo!

Oo, galit ako sa mga tao na paasa. Yun bang paasahin ka sa isang bagay tapos hindi naman pala kayang tuparin.

Ang sakit kaya sa pakiramdam ‘yung umasa ka sa wala.

Malaki o maliit man na bagay basta’t may taong nagpaasa sa iyo aba’t siguradong aasahan mo yon diba?

Tapos ano!? Yung taong nagpaasa sa yo ngingitian ka lang yong ngiting aso na may pagkangiti ni Hudas ang dating.

Sasabihin sa iyo, “Sorry ha, pasensiya na eh kasi ano,kasi,kasi ehhh…eh!”

‘Di ba nakaka-badtrip?

Kagaya na lamang doon sa mga taong nangungutang tapos paasahin ka na babayaran sa katapusan. Pagdating ng katapusan sasabihin sa susunod na araw na lang, hanggang sa anong petsa na ba? A singko na ah tapos aabot na ng isang buwan at taon yan. Paasahin ka na magbabayad tapos kapag siningil mo, sila pa ang galit! Mga letse talaga ang mga paasa na yan!

Yong mga taong paasa at mahilig mangako at napapako, ang sarap nilang ipagbuhol tapos i-blender ng sabay!!

Tingin nyo di ba dapat lang na tawagin silang walang hiya at manhid?

Tapos sila pa yong laging baon ang mga salitang “TAO LANG KAYA NAGKAKAMALI.”

“WALANG PERPEKTONG TAO SA MUNDO.”

HAY,NAKU nakakasawa na ang ganyang linya. Sana alalahanin nyo na ang kausap nyo ay tao hindi garapata.
Mga tao na umaasa sa mga salita na kayo mismo ang may gawa.

Paasahin n’yo tapos ano? Ganun na lang ba yon basta na lang mawawala ang mga ipinangako n’yo?

Hindi lahat ng tao sanay magpasok ng salita sa kabilang tenga at ilabas sa kabila. Dahil may mga tao na ipinapasok sa kukuti ang lahat ng mga salitang nabitiawan n’yo mga PAASA!!

Paano kung hindi makayanan ng taong pinaasa n’yo ang sakit at hinagpis.

Paano kung nagbigti yong tao?

Uminom ng lason,tumalon sa tulay o di kaya nasiraan ng ulo.
Tapos makikita n’yo ayon nanghuhuli ng langaw sabay subo ginawang chewing gum.

Hindi ba kayo makukunsensya?

This is not a joke dahil maraming tao na pinaasa at umasa na nawala sa sarili.
May mga na depressed at hindi makausap ng matino. Dahil dinamdam nila at namuhunan sila ng emosyon kaya sila tuloyang nasiraan ng bait.

May nakilala akong matandang dalaga tapos tinanong ko bakit hindi ka nag-asawa sinagot ako” Kasi niloko ako ng dati kong kasintahan pinaasa niya ako.Umaasa ako na babalikan niya.Nabalitaan ko na lang nagpakasal pala siya sa iba.”

Yung isa naman na minsan kong nakausap.Madungis at nangangariton ang sarap niyang kausap napansin ko napaka intelehente niya may sense kausap madunong. Nalaman ko dati pala siyang estudyante at ang kurso niya ay BS ED major in English. Sabi ko bakit hindi mo tinapos?
Ang sabi niya nabuntis kasi ako umaasa ako na paninindigan ng boyfriend ko ang pinagbubuntis ko. Pero iniwan niya kami itinakwil ako sa amin kaya nangalakal na lang ako.

Sabi ko, sayang sana tinapos mo ang pag-aaral mo. Sabi niya nawalan na ako ng gana dahil sa kahihiyan na dinulot ko sa pamilya ko. Tapos namatay pa yong anak ko sa infection. Magpapakatay na rin sana ako eh.

Nalungkot ako sa mga kuwento nila kaya galit ako sa mga taong paasa. Sana huwag naman kayo magpaasa sa wala.

Kaya sa mga taong paasa diyan, mahiya naman kayo sa balat n’yo!

About mjsweetiecarreon

My writings are filled with angst. Deep emotions and a wild imagination are a source of creativity. It is powerful and consuming. I like to entertain people through my stories. Life is one colorful rollercoaster ride . http://www.facebook.com/maryjoy.carreon.9
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!