Nagmahal ako ng Matandang Foreigner

older-man-younger-woman-dating
Photo credit: http://www.askheartbeat.com/ahb2010/the-love-of-my-life-is-30-years-older-than-me/

Magkahawak-kamay kami habang naglalakad sa kalye. Alam kong maraming mga matang mapanghusga ang nakatutok sa amin. Alam kong sa isipan nila, pera lang ang habol ko sa kanya. May iba pa riyan na mas matatalas ang dila. Hindi nila maiwasang magsalita ng “Walang delikadesa, tinitiis ang amoy lupa at nakikipagtalik sa kulubot upang magkapera at magka-green card lang!”

Alam kong sa pinasok kong relasyon, marami ang puwedeng manghusga sa akin. Walang pakialam ang ibang tao kahit siguro ipagsigawan kong ako’y residente na sa bansang kinaroroonan namin ng BF ko bago ko pa siya nakilala. Hindi rin siguro ako paniniwalaan kahit na sabihin kong naitaguyod ko ang pamilya ko sa sarili kong pagsisikap noong nangibang bansa ako.

Oo, nagmahal ako ng lalaking bente-singko anyos ang tanda sa akin. Pero bakit kung husgahan ako ng lipunan, parang alam nila ang pagkatao ko? Bakit marami ang mga taong kung tingnan ako mula ulo hanggang paa, parang isa akong kriminal at salot sa lipunan?

Naging manhid ako sa panghuhusga sa akin. O mas magandang sabihin na umiwas ako sa mga taong makikitid ang utak. Nakilala ko ang mga taong totoo sa akin lalo na iyong nirespeto ang relasyong mayroon ako.

Minahal ko siya hindi dahil sa pera niya. Sa katunayan, nalaman ko na lamang na may apat siyang negosyo noong mag-iisang taon na kami. Hindi ko rin siya minahal upang maging citizen ng bansa niya. Minahal ko siya dahil nakita ko kung gaano siya magpahalaga sa pamilya niya at sa mga tao sa paligid niya. Minahal ko siya dahil sa respeto niyang ipinakita sa akin. Minahal ko siya dahil sa pagkatao niya, hindi sa kung anong mayroon siya.

Hindi lahat ng nagmamahal sa foreigners, bata man ito o matanda, ay pera o citizenship ang habol. Kapag ang puso ang tumibok, hindi ito pumipili ng edad o nasyonalidad kaya walang karapatan ang sinuman na husgahan ang isang tulad ko na nagmahal nang totoo.

About Racz Kelly

29years old OFW based in Canada. An award winning author of 2 books about OFW, An owner of the award winning OFW blogsite, a former teacher, a caregiver, an inspirational speaker, a community volunteer, a sister and a daughter. Books: Tiis, Sipag at Tiyaga (OFW Stories) Sindi ng Lampara Blogs: www.ofwstories.com FB: Racz Kelly email address: [email protected] http://www.amazon.com/Sipag-Tiyaga-Racquel-Delfin-Padilla/dp/1475207484/ref=lh_ni_t I was featured by GMA News here: http://www.gmanetwork.com/news/story/270315/pinoyabroad/pinoyachievers/pinay-caregiver-in-canada-writes-book-about-lives-of-ofws
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!