Nabuksang Liham

(Photo Credit: shenglambing.blogspot.com)
(Photo Credit:  shenglambing.blogspot.com)
(Photo Credit: shenglambing.blogspot.com)

Dear Bez,

Mula nung araw na maramdaman ko at malaman ko nakaalis ka na ulit, walang sandali na lumipas na hindi kita inisip. Oo hanggang ngayon naaalala pa rin kita. Hindi pa rin nagbago ang paghahanap ko sayo, ganun ko pa rin inaasam na makita at makausap ka katulad ng dati; ang makakwentuhan ka tungkol sa mga buhay naten; yung noon na kasama lang kita kahit wala akong sabihin naiintindihan mo na ang sakit na nararamdaman ko; yung mga panahon na kahit saan tayo nakakarating kahit wala tayong planong puntahan, yung kahit tambay lang tayo sa bahay nagtatawanan, nagkukwentuhan, yung katulad ng dati.

Naalala ko pa nakarating tayo ng TreseMartires Cavite kahit dis oras ng gabi para lang puntahan yung isa kong kaibigan, pati yung time na naaksidente tayo at sa prisinto tayo nadala sa halip na mamiesta, at yung balikan tayong pumunta ng Bulacan to Makati para lang sa isang business na pinasok natin. Nung magtrabaho ako sa Lipa every weekend umuuwi ako at dumadaan ako sa inyo para lang magkita tayo, minsan inaabutan na ako ng gabi kaya hindi na ako nakakaalis at sa inyo na ako natutulog. Nung magtrabaho ka sa Makati every friday sa dorm nyo ako umuuwi kase wala ka kasama dahil umuuwi lahat ng boardmate mo, iniintay mo pa ako lage noon para sabay tayo kakain at kapag papasok ako ng Monday palagi mo ako inihahatid sa bus stop.

Nung maospital ang mommy mo, ako ang una mo tinawagan para sabihin ang nangyari, pinuntahan kita agad sa hospital nung weekend para samahan ka. Nung college tayo na nagpapagawa kami ng bookbinding para sa thesis namin at malelate na kami ng submission kase hindi natapos nung manggagawa, nakipagsagutan ka sa tindera at kahit nilait lait ka hindi mo ako iniwan. Nung mawala ng isa mong groupmate yung thesis na hiniram nyo lang, ikaw ang pinagalitan at pinahiya ni Archie, and I was there when we decided to move out the house, i never saw you cry but i knew that time you were deeply hurted. At nung awarding ng honor student at wala ka kase kelangan mo settle yung problema sa nawalang thesis, ako ang umakyat sa stage para kumuha ng medal mo. Nung mabroken heart ka kase may iba ng mahal ang first love mo, i was there helping you move on. At kapag may gusto tayong sabihin sa isat isa, sumusuat lang tayo sa glimpses. Hindi ko makakalimutan yung isang gabi na tumawag ako sayo na umiiyak, nagalala ka kaya kinabukasan pinuntahan mo agad ako. Pati yung time na kelangan naming ulitin ang thesis namin, sinamahan mo ako.

Marami na tayong pinagdaanan at nalampasan kaya hindi madaling kalimutan lang ang lahat. Siguro kaya kapag nalulungkot ako ikaw ang una ko naiisip na sana kausap ko kase noon tayo lang magkakampi. Pero ang dami ng nagbago mula ng umalis ako at mag abroad. Napalitan na lahat ng alaala ko kasama ka. Mas marami ng magagandang bagay na nangyari sa buhay mo na wala ako. Malayo na rin narating mo na hindi ako kasama. Nakalimutan mo na ako bez, kinalimutan mo na ako kase lahat ng alaalang yun sinunog mo na at bawat sandali nakasama mo ako at ginawa mo para saken, isinumbat mo pa.

Gustung gusto kong balikan lahat ng nangyari at itama lahat ng nagawa ko mali, pero hindi na pwede. Lagi kong hinihiling sa Dios na makausap ka pero hindi na ata pwede. Kapag nakakakita ako ng magkaibigan naaalala kita, sana kahit hindi na tayo magkasama, hindi nawala pagiging magkaibigan natin. Pero nagbago na lahat. Sabi mo nga mahirap mag establish ng friendship ng walang time, communication at interest; everything that happened in the past were just a mistake. Ganun na ako sa paningin mo ngayon, isa na lang akong pagkakamali na nangyari sa buhay mo. I should have taken it as a challenge, a pain that i should prove you wrong. But i still feel the pain, after all that i have done, i was just a mistake in your life. Masakit yun bez, sobra.

Pero kahit anong pilit ko kalimutan ka, there’s this hope that someday maiintindihan mo ulit ako, na pakikinggan mo ulit ako, na kakausapin mo ulit ako, na kakaibiganin mo ulit ako dahil ganun kita nakilala, ganun kita gustong maalala, bilang isang kaibigan. Alam mo ba, ang dami ko ng nasulat na letter para sayo, yung iba pinadala ko noon sayo thru mail hindi ko alam kung natanggap mo kase wala ako nakuha reply, ang iba email, pero karamihan hindi ko nasend, meron nga half ng notebook, but nasunog ko na kase i thought it was necessary to do that. And there are those that i put in a website i created, there are those in my phone and diary application, and some are here in iPad but most of all are just here within me. There are lot i wrote for you, few were published in one blog hoping that one day you will be able to read it all when it is not too late, i just hope.

Meron pa akong mga kwento na kathang isip ko lang about us of someday meeting in a place. Minsan paulit ulit ko binabalikan yun, and nirerewind sa isip ko ang bawat eksena. i miss you bez, sana nararamdaman mo yun, hinahanap pa rin kita. I chose not to bother you anymore, i thought it is better that way so you will be able to easily go on with your life. I deprived myself of seeing you and messaging you of talking to you, of doing ways to be with you again, i just stop, so you would think i am ok so you will not think of words to insult me or hurt me just to push me away, para hindi mo na ulit ako ipahiya sa social networking site.

But I am not ok, yet I have to be. Bez, sana one day sa paglalakbay ko, makita kita at sana that time gustuhin mo ring makausap at makasama ako. Bez, sana one day maisip mong tawagan ako or imessage or itext, sana, Bez, one day maalaala mo may isa kang kaibigan dito. Sana bez kahit masaya ka na ngayon, maisip mo rin ako, kase hindi kita nakakalimutan. At sana bez pag pwede na yun, sana nandito pa rin ako, sana hindi pa huli ang lahat.

About ava bila onante

Im not a writer but I love sharing anything about my life.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!