“Naaalala Mo Dati, Sa McDo?”

Naging tayo. Dati.

Kahit may kanya-kanya na tayong sariling buhay, naging mailap ka pa rin sa ’kin. Pero ‘yung mga tingin mo laging agaw-pansin. O papansin? Pero mas mainam na ‘di na pansinin. Mahirap ‘yung “assuming”. Walang katibayan. Unfair para sa taong nagmamahal sa atin nang totoo. ‘Yung taong tayo palagi ang inaalala. Inuuna. Pinatatawa. Pinasasaya. ‘Yung tipong wala ka nang mahihiling pa. K’se lahat ng pinapangarap at inaasam mo sa isang relasyon, nandiyan na. Nasa kanya na ang lahat maliban na lang sa ’yo? K’se sa kabila ng mga kaya niyang ibigay sa ’yo, kulang pa rin? Hindi pa rin sapat?

Nagmamahal ka nga bang talaga? O, gusto mo lang mahalin ka?

 

Ganun pa man, bigyan ng chance.

Sabi nila ang pagmamahal natututunan. Pero, pa’no kung pabalikin ka sa Grade 1 k’se hindi mo maintindihan? ‘Yung lahat na ng mga mabubuting payo narinig mo – na mali ang pakawalan siya? Pero ano nga ba ang tama? Dahil sa totoo lang para namang walang pana na tumama sa puso mo galing kay Kupido. Hindi dahil kinilig at kinabahan ka sa inyong muling pagkikita eh “pagmamahal” na agad ‘yun? ‘Di ba pwedeng na-excite ka lang bigla at ngayon ay natauhan na?

 

Natauhan? Ibig sabihin, kahapon, namamalikmata ka lang? Natangay ka lang sa iyong emosyon? O gusto mo lang ding maging katulad niya, masaya sa piling ng iba?

Nakalilitong matuliro sa sariling tibok ng puso.

“Bukas, walang luluhod na mga tala. Pero may papatak na mga luha.

Gusto kitang mahalin nang hindi nasasaktan. Munting kahilingan, p’wede bang pagbigyan?

Gusto ko lang maging masaya. ‘Yung sayang walang halong bola.

‘Yung tunay, totoo. ‘Yung sayang nakikita ko pag kasama mo ako –

“Dati, sa McDo, naaalala mo?”

Doon tayo pinagtagpo. Hindi dahil sa walang bakanteng mauupuan. O tayong dalawa’y nagkabanggaan. Wala lang. Nagkatinginan lang. Ngitian. At nagka-developan. 

Sayang nga lang, ‘di pa uso ang celfon nun. Wala pang “selfie”. (Pero selfish, marami. Haha!)

Ayaw ko talaga nito, ‘yung naaalala ka…?

Pero mahirap tanggihan ang nakaraan, lalo’t kaharap ka ngayon…?

Parang McDo lang tayo ‘noh?

Gustuhin man natin o hindi, lagi nating babalik-balikan.

 

(Photo Credit: McDo Philippines)

 

About Nomatterwhat143

Analyst ang aking propesyon. Pag bagot, walang magawa, nagsusulat. Dati nung maliit pa ako, pinapalo. Ngayon pina-follow (hehe!) Kung hindi ako nagsusulat, nakikinig ng musik. Minsan naman wala lang imik. Tahimik. Mata'y ipipikit. Matutulog. Pag gising, magkakape. Pag walang kape, okay lang basta tayo'y mug-KAPEling hehe! Corny? Yun ako. 🙂 Page owner/Admin din ako ng https://www.facebook.com/iloveannemurray/; https://www.facebook.com/nomatterwhat143/.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!