My Prof, My Fiance. [Own True Story]

 

Hi. Ako nga pala si Maxine.

Pagka-graduate ko ng high school sa Pampanga, nag-enroll ako sa ibang school for college. I took up IT.  1st year to 2nd year ay naging classmate ko ang pinsan ko with her bestfriend at  naging close friend ko siya na itago na lang natin sa pangalang ‘Mimi’. Kami ang magkasama at magkakatabi sa school.

Si Mimi ang tipo na gustuhin pero ewan bakit e puno naman ng make up (bitter?). Siya din ‘yung naghahanap ng guwapo , mayaman at may wheels, mga ganun kahit kasi hindi sabihin, parang ganun ang qualifications niya sa isang guy halos lahat ng mga nameet niya ganun gusto at hinahatid palagi sa bahay.

So to make the long story short…  May new Prof kame sa programming. I remember Monday afternoon nabanggit sa akin ni Mimi na may new prof nga daw kami, pero hindi ko pinansin. Tinignan ko lang at sinabing ah ok.  Ito namang si Mimi kaagad nakipag-investigate ang loka; kesyo may GF si prof that time at may nanliligaw kay Mimi at siyempre, may BF kami ng pinsan ko that time.

Nasa classroom na kami at nagle-lesson, si Mimi ayun pa-cute ky prof, ako naman at pinsan ko dedma lang. Tinawag ako for recitation, tumayo ako at napahiya sa sagot ko so pinarusahan ako na tumayo sa harap ng classroom kasama ng mga ibang hindi nakasagot.

Unti-unting  nakilala ni Mimi si prof hanggang sa dumating ang time na naging close sila pati na rin kami at ibang classmates namin at ayun nga, nagustuhan ni Mimi si prof.  After a week badtrip si prof, nag-break sila ng GF niya so s’yempre nalaman kaagad ni Mimi at naikuwento sa amin, (umaasa siguro na liligawan siyani prof). hehe

Hanggang sa nagpalitan na sila ng number ni Mimi, lumalabas na sila nang palihim at eto nga pumunta si Mimi sa bahay ni prof at late nang sinabi sa amin ng pinsan ko. At ang matindi pa dun hinatid ng prof ko si Mimi sa sakayan ng jeep at hinalikan ni Mimi si proof sa lips at s’yempre nabigla ang proof namin. Todo paramdam na kasi si Mimi na may gusto siya kay prof.

After a week  nagkukulitan na rin kami ni prof sa text eh sa akin wala naman iyon kasi nga prof namin siya at alam kong may gusto si Mimi dito, hanggang sa asaran, kulitan at inimbitahan din ako kasama si Mimi sa bahay ng prof namin dahil death anniversary yata ng lola niya. Kumain at nagkuwentuhan lang ang naganap. Hanggang sa una na akong hinatid ni prof sa kanto at nagpaiwan si Mimi. Grabe ano? Haha

Two days after that night lumabas kami at nag hangout AFTER SCHOOL so kasama namin si proof , si mimi at yung friend ni prof na nakilala na din ni Mimi. Naglabas ng sama ng loob si Prof dahil nga heart broken siya, ako naman ang tipong nakikinig habang kumakain ng dinner (hndi kase ako umiinom at yosi). Habang nagkukuwento ang Prof bigla na lang umalis si Mimi at umiyak sa gilid. Siyempre ako namang si tanga susundan siya at ayun nga CONFIRMED na gusto niya si Prof at nagseselos daw bakit daw ba kasi kinukuwento pa niya ganun.  Ako naman siyempre todo payo sa kanya para lang hindi umiyak.

Ilang besis din kaming lumabas nun para mag-hang out, hanggang sa nagiging close na rin kami ni Prof at eto nga si Mimi naman ang nagselos sa ‘kin. Sabi ko may bf ako at sa kanyang sa kanya na si prof. So another weeks passed hanggang sa dumating ang event sa school hanggang sa niyaya na ako kumain sa labas nang kaming dalawa lang. Siyempre, nkakapagtataka. Feeling ko that time crush ko na rin siya pero alam kong hindi puwede kasi may bf na ako at magtatatlong taon na kami. Pero isang masalimuot na araw ang dumating sa amin ng bf ko.

My Prof My Fiance

After  School event nag-break kami ng bf ko. Masakit mang isipin na sa tatlong taon na pagsasama namin ay nagawa niya akong ipagpalit sa isang babaeng marunong sa kama. Oo, tama, nakipagtalik siya sa ibang babae dahil daw hindi ko maibigay sa kanya ang kanyang gusto!

So moving on hindi ko napansin na unti-unti na palang nahuhulog ang loob namin ni prof sa isa’t isa dahil sa madalas kaming magkasama pauwi dahil dinadaanan niya muna ang lugar namin bago sa kanila kaya sinasabay na niya ako sa kanyang motor. Ilang araw akong ‘di nagparamdam sa kanya dahil akala ko nilalaro lang niya ako hanggang sa muli na naman kaming nag-usap at biglang nagtanong.

“Ano nga ba talaga tayo”?

Napaisip ako at sinabing hindi ko alam,  hanggang sa tinanong ako kung mahal ko ba at biglang nasabing oo! Kasabay nun sinabing mahal din niya ako parang may pagkakaintindihan na rin kami that time, so ayun naging kami na nga. Ako ang namili ng araw at siya ang namili ng buwan para sa aming monthsary.

Dito na magsisimula ang aming kuwento ni Prof. Naging kami nga, official na ‘yun at nakakahalata na rin sila sa school. But before pa mangyari ‘yun , una munang kinausap ni Prof si Mimi para sa aming relasyon. Nagkita sila kasama ang isang matalik na kaibigan at ipinahayag kay Mimi na kami na nga at dun nagsimula ang lamat sa aming pagkakaibigan ni Mimi dahil hindi niya matanggap na naging kami ni Prof.

Itutuloy..

 

About MissK

Inlove.. Wants to write but scared. Patiently waiting for the right time to create my own blog site.. Currently working here in the Gulf Country..