My Problem with Ketchup

IMG_20151101_153018No amount of words can describe why I hate Ketchup.

Wala siyang ginagawa sa akin pero kumukulo ang dugo ko sa kanya. And please don’t get me wrong. Hindi ito ang typical “the more you hate, the more you love story”..

This is just my irrational feeling of abhorrence towards Ketchup.

Ayokong masaktan niya ako kaya never ko siyang pinapasok sa buhay ko.

Alam ko kasing di kami mag ki-click na dalawa. Ayoko ding paasahin ang sarili ko na someday, magugustuhan ko din siya..

No.Can.Do.

Alam kong never ko siyang magugustuhan.

Di magwowork ang ganitong relationship.

Kilala siya halos ng lahat na tao. Even my family knew him well…

To the point na pag andyan na siya, na iitsa puwera na ako.

They like Ketchup so much. And I know gusto rin niyang magustuhan ko siya. But I can’t. There’s something in him that I couldn’t quite put my finger on.

No one, not even my family knew when my antipathy for Ketchup started. He’s like an illness for me. Like an epidemic disease na nakamamatay just by the mere thoughts of him.

I hate the way he smells. Yung tipong maaamoy ko pa lang siya, it makes my stomach turn upside down and puke! Then chokes on my spat afterwards!

I hate the way he makes food taste special. Weird. I know. Hindi siya cook. But I do hate it. I just can’t digest images of people eating their food together with him! Hindi siya pulubi or taong grasa olrayt? But! Eeww pa din..

I don’t really know the reason behind my abnormal dislike and abhorrence for Ketchup.

Basta, one day, I just found myself loathing every single thoughts of him.

Gahd! I even hate the way he stands near the refrigerator. Like the mere existence of him pisses me off. Big time! Lagi kasing nasa bahay namin natambay. Palibhasa kilala nila!

Ku! Kung ako lang talaga ibaban ko siya. Never siyang makakapasok sa bahay ko.

It makes no sense but it makes too much sense to me. Sa pagiging basher ko nga sa kanya, nahahawaan ko na rin pati mga kaibigan ko! LOL.

May mga times pa nga na pag kumakain ako sa mga fast food, naiirita ako pag nandyan siya.

Popular much kasi siya. Kahit sino na lang hinahanap siya!

Kahit mga kaklase ko, “I won’t last a day without you” ang peg nila pag di nakasama si Ketchup lalo na pag kakain na.

Hello? Ako! I can last a day or year without you! duh!

” Dan, Kakain ka na? Si Ketchup?”

“Aba! Ewan? Hindi ko siya kailangan. Hindi niya nabibigyang kulay ang buhay ko..”

“Grabe ka. Karmahin ka niyan..”

“Sana nga mawala na siya.”

I’d rather eat my food even in gloom at wag na siyang magpakita.

One time, I was eating siopao nang bigla ko siyang makita. Na irita na lang ako bigla. Na tu-turn off talaga ako at nawawalan ng gana sa kahit anong pagkain pag nariyan siya.

Nagkatinginan kami na para bang nagtatanong siya sa akin na “Oh, ba’t ka tumigil?”

I grimaced.

Kahit gaano ko yan kapaborito pag nakita ko siya agad akong nawawalan ng gana. Kahit nga sa Jollibee or McDo never ko nang ginustong kumain eh!

Everytime kasi na kumakain ako ng fried chicken ang unang-unang pumapasok sa utak ko, dapat nandito siya. Paborito niya ang fried chicken. So everytime, tinitignan ko ang mga friends ko, I grimaced, naaalala ko kasi si Ketchup.

Even my friend would say, “Uy! Alam ko na ang ireregalo sa’yo sa birthday mo! Si Ketchup!”

Sasabihin ko naman sa kanya na, “Wow! Napaka grateful ko na agad sa regalo mo sa akin. Sa sobrang pag appreciate ko sa kanya, I’ll just let him stand in my cupboard for the next generation! Never ko siyang gagalawin due to speciality!”

Until now, di ko pa rin ma pinpoint yung kinaaayawan ko sa kanya.

Oh, well. Lahat naman tayo may iba’t ibang gusto at kinaaayawan.

We all have that one thing na never nating nagustuhan diba?

Mapa-tao man yan, hayop, lugar o pagkain.

As for me, Yep. It’s that

gooey-claiming-banana-taste-like-red-liquid that I hate. And that’s him. Ketchup.

 

About Kaye Medino

Christian | bibliophile | gypsy writer | wattpadder | WordPress blogger |
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!