My open letter to President Duterte

Dear Mr President,  [SANA PO AY MAKARATING ITO SA INYONG KAALAMAN]

Nagtatalo talo ang mga tao kung ililibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani o hindi.

Hindi matatapos ang kaguluhan hangga’t hindi nailalagay si Marcos sa dapat paglagyan at dapat matapos na iyan dahil madami pang problemang dapat asikasuhin sa bansa.

30 yrs. nang pinagbabangayan ang isyu na iyan,
30 yrs. nang nagsasayang ng oras ang lahat ng Media sa pagbabalita niyan.
30 yrs. nang nagagamit iyan ng mga politikong may pansariling interes.

Nagiging dahilan ‘yan ng pagkakabuklod-buklod ng mga mamamayan na siyang hindi dapat na nangyayari.

Kapag inilibing sa Libingan ng mga Bayani ay aalsa ang Anti-Marcos, gulo yan.
Kapag hindi naman inilibing ay mga Pro-Marcos naman ang hindi titigil sa pagsigaw, gulo din.

Nagkakagulo tayo nang wala namang kaaway o umaaway sa ating Bayan?

Bilang Ama ngayon ng lahat ng mga Pilipino ay dapat na maging pantay ang iyong pagtingin sa lahat.

Dapat ay walang anak mo na magdaramdam.

Loyalist ako!

At ikatutuwa ko ang mailibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani dahil iyon ang gusto ng mga Marcos.

Pero hindi ako magiging masaya kung malulungkot naman ang mga Anti-Marcos dahil sila ay mga kapatid kong Pilipino.

Suhestiyon ko lang po ay magpagawa na lang ng ‘Libingan ng mga Pangulo ng Pilipinas.’

Sa libingang iyan o sementeryo ay gawan ng maganda at malaking Musoleo ang bawat Pangulo.

Sa loob ng Musoleo na ‘yan, bukod sa kanilang nitso ay naka-display ang ilan nilang gamit gaya ng Barong tagalog na kanilang isinuot noon, mga Ballpen na ginamit sa paglagda, mga larawan at marami pa.

Dapat ay iisa lang po ang sukat, laki at disenyo ng Musuleo at walang maiiba. Baka naman Musuleo na lang, eh, magkadayaan pa! Dapat pare pareho.

Sa labas naman ay iba’t ibang hardin ng mga bulaklak upang magbigay ng sariwang hangin at madama ang kapayapaan sa lugar.

Lagyan din ng mga Monument ng bawat Pangulo at isang maganda at simpleng Catholic Chapel at Muslim Mosque.

At gawan ng Batas na yan ay public at hindi private dahil baka gawin na namang negosyo ng mga buwaya in the future.

Siguradong magiging isang malaking Tourists Attraction ‘yan sa ating Bayan bukod sa maaaring gawin puntahan ‘yan ng mga estudyante para sa kanilang educational tour.

Siyempre dapat may naka-aasign na Tourist Guide na siyang magkukuwento sa kasaysayan ng bawat Pangulo.

Hindi ko po ipinagyayabang na Bachelor in Tourism ako sa PUP po ha.
Hindi po, Baka kunin n’yo ako eh. ^_^

Lahat ng mga Presidente ay pagsama-samahin sa ‘Libingan ng mga Pangulo ng Pilipinas’ na iyan.

Wala nang dahilan pa ang sinuman na kumontra kung isasama si Marcos.
Libingan nga ng mga Presidente, eh!

Hindi nila puwedeng sabihing ‘huwag’ dahil sa Martial law issue.

Eh, kung bawat Pangulo na may nagawang mali, eh, aalisin ang titulong ‘Presidente’ aba, eh, walang malilibing na Pangulo diyan after Marcos!

Bale ba wala na lang sa tamang pag-iisip ang sasalungat na ilagay si Marcos diyan.

Para sa akin patas na patas na sa lahat kung ganyan ang gagawin.

Ang magtayo ng: ‘Libingan ng mga Pangulo ng Pilipinas.’

Mas maganda ‘yang may ginawang aksiyon, ‘di po ba?
Kaysa naman sa mga nagdaang mga Pangulo na puro Nga Nga!
Pag-isipan po ninyong mabuti sana. Baka sakaling may puntopo ang aking suhestiyon.

Love,
Edmond

P.s.

Kapag nagawa po ninyo iyan ay siguradong maraming taong magpupunta at mamamasyal diyan araw-araw.
Sa maraming tao na iyan ay tiyak na may mauuhaw at magugutom.
Hiling ko lang po sana ay bigyan ninyo ako ng isang maliit na puwesto lang.
Kahit po upahan ko ay okey lang po.
Alam ko mababawi ko ‘yun at kikita pa ako dahil nga maraming tao.
Plano ko pong magtinda ng Softdrinks, gulaman o sago at ang Specialty ay Lugaw.

Ahehehehe!  Nagpapangiti lang po dahil masyado pong mainit ang mga isyu ngayon. Para sa kapwa natin Pilipino, Be Happy lang tayo. May future pa ang Pinas!  ^_^

About mr clown

Hindi po ako writer. Trying hard lang po. Naglilibang lang at baka sakaling sa paglilibang ko ay malibang din kayo. Oh, e di everybody happy. Hek! Hek! ~ mr clown c")