My Mirror

3066880899_e07968e23f

“Salamin Salamin ipakita sa akin ang kagandahang angkin” (Insert Scary Sound Effects)
Salamin?! Salamin?!
Ano nga ba ang gamit ng isang salamin para sa atin?

Maaring ito ay isang bagay na makatutulong upang mapadali ang paglagay ng mala-espasol na palamuti sa iyong mukha at nang makapag- embalsamo ka ng kada 30 minuto.

Isang bagay upang makita ang repleksyon at hubog ng katawan na iyong pinagmamalaki dahil sa laki nito. Be proud ika nga! (Para lang yan baskil, ipagmalaki mo dahil pinagpawisan mo iyan ng buong araw o di kaya be proud sa nagmumurang eyebags na taglay mo, dahil pinagpuyatan mo yan-masipag masyado!)

O di kaya, isang bagay na tutulungan ka upang hindi mapahiya sa iba dahil iyong matatanggal ang namumutadtad na muta sa iyong mapupungay na mata.

Isang bagay na tutulong sayo upang maiwasan ang pang-aasar mula sa mga kabarkada dahil sa mala-Mayon Volcano na tigyawat na tumubo sa iyong mukha.

Isang bagay na magpapaniwala sa iyo na ikaw ay may taglay na mala-Angelina Jolie na ganda at Brad Pitt na kagwapuhan kahit na ang naniniwala ay ang Nanay at Tatay mo lang.

Kahit ano pa man iyan may kanya-kanya tayong eksplenasyon kung ano nga ba ang isang salamin para sa atin. Simple man o mahirap. Mababaw man o malalim!

Para sa akin ang isang salamin ay maituturi kong “AKO MISMO”. Kung anung kinasasaya ko siyang kinasasaya niya, kung anong kinaiinis ko siyang kinaiinisan niya, kung anong kinakikiligan ko siyang kinakikiligan niya. At siya’y ganun din sa akin.

Hindi siya isang bagay o gamit bagkus isa siyang hmmmm tao??? (I guess). 😛

Siya ang salamin na nakasama ko sa mahabang panahon hanggang sa kasalukuyan, at sa tagal na namin na magkasama para na kaming kambal na lintang-tuko. Kung minsan sinasabi pa namin na magkadugtong ang bituka, abdo, hininga at utot namin kaya kilang-kilala na namin ang ugali ng isa’t-isa.

Siya ang salamin na hindi man pareho ang taglay namin na kulay ng kutis, hugis ng katawan, gandang di mo inakala at mga nunal sa katawan (specifically sa face), maging lapad ng noo at laki ng mata. Siya ang salamin na masasabi kong AKO mismo.

Sa dami-rami nga ng mga kaibigan na nakapaligid sa atin mula pagkabata hanggang sa pagtanda, meron at meron na iisang tao na matatawag nating malapit na kaibigan na sumasalamin sa pagkatao at ugali natin.
Minsan bigla mo na lang maiisip na, naka-bluetooth na ata ang mga utak niyo dahil magkakonekta na ito kung kaya iisa lang ang naiisip niyo. Gaya na lamang ng mga sitwasyon na ito:

B1 &B2– Yung tipong biglang tinginan niyo lang magkakainitindihan na agad kayo.

Fact or Bluff– Yung may iki-kwento ang isa sa inyo, hindi pa man nagsasalita natatawa na kayo dahil sa ekspresyon ng mukha nito habang pilit siyang nagsasalita pero nauuna ang tawa niya kesa sa kwento.

Waley na Havey– Hindi nakakatawa yung joke niya pero humalakhak ka kasi natawa ka sa tawa niya. Kasunod na nun sakit ng tiyan dahil sa laughtrip.

Face to Face– Pag nagyaya isa sa inyo na kumain dito ibig sabihin may something-problema.

MMK– I-memessage ng pagkahaba-haba ang tawagan ninyo na ang ibig sabihin tinatawag ka niya dahil may sasabihin siyang importante. Kahit na minsan kilig moment lang pala niya sasabihin niya, kailangan niya lang talaga ilabas.

Ipaglaban mo– Yung sasabihin mo sa kanya na G na G ka kay ganito at magiging G na G rin siya kung kaya minsan nababawasan inis mo kasi alam mong may suporta ka at kakampi kahit na ang totoo hanggang salita lang naman kayo. 😛

Nasaan ka Elisa?-Yung isang topic n’yo na napunta sa kung saan-saan na usapan kesyo may kabit si Aleng kapitbahay, lima na ang anak ng kaklase n’yo noon, hiwalay na si babaita at lalakita, pinabagsak na ang Bataan ni ganyan, may garapata yung aso ng tambay sa kabilang kanto, beki na ang maton na crush niyo dati, lagpas sampu na pala ang inaanak niyo kaya tataguan niyo muna ngayon pasko at kung anu-ano pang out of this world na usapan, kahit na ang totoo ang topic niyo lang naman ay kung ano ang kakainin niyo mamaya pag-uwi galing opisina.

Maaring ilan lamang iyan sa magpapatunay na sa mundong ito, wala man tayong identical twin na magpapakita ng pagkakapareho natin sa pisikal na anyo ,mayroong iisang tao na masasabi natin na TAYO mismo. Hindi man sa pisikal makikita, sa ugali at galaw ay tutulad naman.

Kung nakita mo na ang paired device ng utak mo hindi malayong nasabi mo ng She/He is My Mirror. 🙂

About kj47

Writing is not just a process of creation. It is also a process of self-discovery. - Cristina Istrati
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!