My Life (An OFW Story)

my lifeIsang kuwentong padala ng isa nating kababayan.

Ako si Ann….as of now ay working in Abu Dhabi, UAE. Ito ang tunay na kuwento ng aking buhay ..

Isang araw, nang ikuwento ni Mama kung saan kami nagsimula…

May dating asawa ang aking ama at nagkaroon sila ng tatlong anak na babae.  Ngunit sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nagkahiwalay ang mga ito. Kumbaga ay nag-divorce.. until  nagkakilala si Mama at Papa Si Mama ay isang dalaga noon at nag-aaral pa.

Sa ‘di inaasahang pangyayari, sila ay nagkaibigan at hanggang sa humantong sa pagsasama at nabuo ang unang sanggol na walang iba kundi ang aking kuya Junjun. Si Mama na rin ang nagtaguyod o nag-alaga sa aking mga half sisters. Masaya naman ang mga pagkakataong iyon hanggang sa nasundan ng dalawa pang babae ang anak nila Mama at Papa, sina Inday at Jonie. Masipag si Papa sa trabaho..farm at pagnenegosyo ng isda ang pangkabuhayan nito.  May sariling sasakyang pandagat at si Mama naman ay may sariling sari-sari store na napundar nila. Minsan ay busy si inay at kahit pagod si itay ay siyang nagluluto ng pgkain para sa lahat..Ganoon kamahal ni Papa si Mama..hanggang sa nabuo nila ako at ako’y isinilang..

Subalit sadyang napakasama ng pagkakataong iyon..ako’y napatanong sa aking sarili kung ako nga ba ang malas sa kanilang buhay..

Year 1988…ito ang taon ng aking baptism..upang ako’y maging isang ganap na kristyano..Disyembre nuoon at araw ng aking binyag..isang karumal-dumal na pangyayari ang hindi inaasahang naganap…

Isang gabi nang sinundo ni Papa ang aking kapatid na si Mona sa bahay ng nagpaparty kung saan nandoon at nagtitipon ang aking kalahi dahil ito’y umiiyak at kaming mgkakapatid ay nasa bhay.ksama si Mama,  Nasa duyan ako noon habang pinapatulog ni Mama.nang may narinig kaming sunod-sunod na putok ng baril sa ‘di kalayuan ng aming tirahan…ang akala ni Mama ay isang putok ‘yun kung saan bilang pagsasalubong sa selebrasyung iyun sa party na ginanap.  Naging kalmado si Mama…subalit ang kaganapang iyun ay parang isang balang umalingawngaw sa tainga ng aking Mama nung ibalita na nakahandusay ang aking ama at puno ang sarili ng dugo at wasak ang ulo nito..na animo’y isang case ng bala ng machine gun ang pinakawalan..

Habang karga niya sa kanyang balikat si Mona na noo’y 4 yrs. old pa lamang..Masuwerte ito dahil ito’y hindi tinamaan at siya’y dinapaan ng aking ama upang hindi masaktan.

Matapos ang barilan ay pasimpleng gumapang ang aking kapatid patungong kalsada na balot ng dugo ang katawan at sa takot ay naging blangko ang isipan..tulala at habang si Mama ay ‘di mawari kung saan at paano magsimula o paano tatanggapin ang mga pangyayaring iyon.

Kami ay maliliit pa lamang…hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa kanyang sarili..animo’y ‘di na kilala ang lahat at pati ako’y karga-karga at itinatakbo sa kawalan. Sa tulong ng aking mga kaanak at tiyahin, ako’y kanilang itinago sa loob ng lagayan ng mais sa mumunting bahay kubo upang hindi makita ni Mama, at sa takot nila na baka ako’y ihampas sa bato..

Sa tuwing ako’y nagugutom ang aking tiyahin ang nagpapasuso sa akin habang nakatali si Mama..at hinihintay na gumaling.  Natikman ko ang sari-saring gatas na nagmumula sa suso ng iba’t ibang ina upang ako’y mabuhay lamang dahil ako’y isang taon pa laman noon..

Makalipas ang ilang buwan, sa awa ng Diyos ay bumalik na sa dati si Mama at bumalik na ang dati niyang alaala at naka-move on na rin sa wakas..ngunit sa sobrang hirap na dinanas ay binenta nito ang sadsakyang pandagat ni Papa at tuluyan nang naglaho ang tindahan ni Mama.

Maliit pa lang ako nang nilisan namin ang lugar na iyon at padalaw-dalaw na lang kami sa puntod ni Papa upang magsindi ng kandila sa tuwing araw ng mga patay.

Malayo ang bago naming tahanan na gawa ng kahoy. Dalawang oras pa ang lalakbayin na gamit ang mga paa lamang dahil wala pang sasakyan ang nakadadaan sa lubak-lubak na kalsada. Bago makarating ng San pPablo kung saan inilibing si Papa at doon siya pinatay.  Tanging alaala ng masasakit na nakaraan ang laging nasa aking isipan na kailan man ay hindi namin ito malilimutan.

to be continued.

About Mommyjoyce

Isang simpleng nanay na adik magbasa, adik magsulat at adik sa anak! Idol ko si Mother Theresa, kaboses ako dati ni Ate Shawie Cuneta (joke); maawain sa mga madudungis, siga sa mga taong nang-aapi, at lifecoach sa mga kabataan at mga magulang na walang ibang makausap, Ang simpleng motto ko in life: Cherish everyday (not just because it could be my last); kundi kasi, bukas iba na naman ang flavor ng buhay! Kaya namnaming maigi!
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!