Must Die Or Must Exist?: Trending Words – Part 1


livebigdieempty.blogspot.com
7/31/2013 10:42:46 AM
Ang mga tampok na salita na nailahad sa blog post na ito ay ang mga salita na naging uso sa kamalayan ng mga tao – sa personal man na approach o sa birtwal na mundo lang ng internet. Karamihan ay may kanya-kanyang panahon ng pagsibol. Tinatayang mula 2009 hanggang sa kasalukuyang taon ang itinampok rito.

Karamihan sa mga salitang nauuso ay maituturing na kabilang na kolokyal na lengwahe. Pero ang tanong ay may kabuluhan ba ang mga ito?

Jejemon – Must die. So ang feeling ng mga ‘to, porket ganyan ang lengwahe nila ay gangster na sila? Mas naiintindihan ko pa ang mga gawa ng graffiti kesa sa mga pinagsasabi nila e. Ang tunay na gangster, naglalahad sa matinong pamamaraan. Hindi na ako magtataka kung bakit naglipatan sa Facebook ang karamihan sa mga nasa Friendster nun. Isa ito sa mga pinupuna nila e.

Bekimon – Must exist. Kung may jejemon ang mga wannabe, may bekimon naman ang mga bakla’t bading. Buti pa ‘to kahit papaano e, naiintindihan. Salamat sa mga tropa kong beki. Kahit wala akong diksyunaryo ng wikang ito, nagegets ko pa rin kahit papaano. At walang kinalaman sila Crazymix at Basilyo dito.

AMALAYER – Must die. Nauso ang salitang ‘to sa social media, dahil sa alburoto ng isang babae na papasok pa lang sa LRT Santolan. O tapos, ano naman ngayon? Natuwa ka naman sa mga katagan” so you’re telling me amalayer?” ay, I’m a lier pala? Muntik ko nanag masabing “I’m a layer” dahil as AMALAYER na yan. Buti na lang kahti papaano gising ang sentido kumon ko. Kaya sa salitang yan nauso rin ang iba’t ibang salita na nagsisimula sa mga letrang AMA, parang… “AmaDove girl ang I love it.”

Selfie – Must die. Pausong termino para sa mga mga sariling litrato (tapos ang anggulo ay sa taas pa, na kung  bababe pa ang nakapose ay kulang na lang ay hubarin ang kanyang pang-itaas dahil sa tila mas ineexpose pa niya ang boobs niya kesas a sariling pagmumukha). Ang sinumang adik sa “selfie” na ito ay mapapagkamalan sa depinisyon na ito: gawian ng mga selfish. Parang mas okay pa ‘to kesa sa term na “selfie.” Mas matino lang basahin yun.

Punyatera – Must die. Magmumura ka na nga lang, Sobrang exaggerated pa? Yung totoo, hindi ka naman sadista niyan no? Leche, kung magmumura ka na nga lang, gawin naman ito ng matiwasay.

Tengene – Must die. Asus, parang “punyatera” lang din to e. Nauna nga lang ito nauso. Parehong supot lang.

Click here to read the entire article.
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!