Muling Tumawa with “Inday Luwag”

Muling tumawa ka-DF

Kailan ka huling tumawa? O, ngumiti man lang? Kahapon? Kagabi? Hindi mo masabi. Ikaw ay nalilito. Nagdadalawang-isip.

Kasi sa sobrang busy, ang “tumawa at ngumiti” ay palagi mong naisasantabi.

Siguro dahil marami pang mas importanteng bagay na dapat bigyan ng pansin kesa dito – maghanap ng trabaho para sa mga walang trabaho; kayod marino doon naman sa mga nagtatrabaho at sa mga suma-sideline o rumaraket kaliwa’t kanan – tiyak ang mga tatamad- tamad lang ang tulog sa magdamagan. Sa maikling salita – tayong mga Pinoy ay naghahanap buhay, para sa pamilya, sa sarili at pakikipag”kapwa-tao”, dahil para sa akin, walang silbi ang mabuhay sa mundong ‘to kung ni minsan sa buhay mo ay wala ka man lang natulungang tao. Yung tipong ang pagkaing isusubo mo na ay ibibigay mo pa kse mas kailangan nila.

Ang pagtulong galing sa puso ay may dalang “luwag” sa dibdib at sayang hindi kayang higitan ng anumang materyales na bagay. At pag masaya tayo, masaya rin ang pulso ni #indayluwag. Kaya huwag mabagabag, sa sarili ikaw ay mahabag, k’se kung lagi kang seryoso at nakasimangot, dadaigin mo pa ang matsing na nangungulangot.                                                   

So it’ s time not to spend too much time doing nothing. Reach out. Help – malaki o maliit man na bagay, iisa lang ang hatid na saya. At ang tayo ay sumaya kahit man lang sandali ay isang tulong na ating maibibigay sa ating mga sarili.

Kaya sa pangalawang pagkakataon, muling tumawa  with #indayluwag 20/20 kitang kita ko tumawa ka quotes – pantapat at pampawi sa lahat ng lungkot at pagod. Kse  talaga namang nakakapagod ang mapagod. Alam n’yo po yan!

Sana magustuhan niyo. 🙂

  • Aanhin ko ang “forever” kung ang buhay na ibibigay sa’yo “poor ever”. Hindi tayo makakahinga ng maluwag niyan.
  • On the news: “One time big time” drug operation in Bulacan. Pero walang “pating” na nahuli. “Bulinaw” only.
  • Unsaon ang kabit na “bilmoko” pag nagloko? “eprenda” ingon ni Misis! Unya unsaon pag “lukaton” pud ni Mister?
  • Akala ko “turtle” ang national animal ng Korea. Lagi kse silang naka-“turtleneck” sa K-drama. Haha.
  • Sa dyipni, sabi ng isang ale while talking to her phone – “No! I want twoo shee my Dentishh! I want two shee my Dentishhh twoooday!” Sa isip ko…Maybe what she needs is not a Dentishhh but a Speech Therapist!
  • Habang nakapila nag aantay ng taxi, sabi ng nauna sa’kin – “Ms. Mauna ka na, nag GRAB na ako.” Sa isip ko, “Buti pa ang sasakyan gina-GRAB, ako kaya kelan ega-GRAB? Haha. Pa’no daw ako ega-GRAB eh masyado daw akong UBER. Haha. Pahak!
  • Buti pa ang kanyang sakit ng ulo, binigyan lang ng pera, gumaling na. Ang tawag dun “peracetamol”, mabisang gamot galing sa bulsa.
  • Ang problema murag hinayhay. Kung anus-a padong na uga, nikalit bundak ang kusug na ulan!
  • Actually, I didn’t know about the BALANGIGA (bells), not until the SONA. What I know is that ang BALA NGIGA karong panahona.
  • Noon: “Si Felimon, si Felimon, nangawil sa kadagatan.”

Ngayon: “Si Felingon, si Felingon, nangawi sa kadagatan.”

  • When the JUSTICE system becomes “JUSTiis” system.
  • Sa grocery: “Unsay ganahan nimo na gatas?” “Dia-ay, Nido.” “Talaga? I Nido u, too…!” Haha.
  • Kanang ma-admit nindot daw pud ke makapahulay ug layo sa “stress”. Unya ma-STRESStcher man pud saon mana?
  • Today is not a funny day…it’s FUNNYngkamot day! Haha.
  • Sa jeep, naghuot. Sa dalan Colon, naghuot. Sa elevator, naghuot. Ato dughan, naghuot. Ang lu-ag na lang ani ang wala naghuot!
  • Kanang sakay ka sa bus na aircon unya katapad ka’g anghiton. Syagit na lang ta ani “hatom” sa hilom!
  • From fruity to vegi mobiles: Apple, Blackberry, Cherry…and now Upo!!! Hehe!
  • ‘Im a solid “KAPAMILYA”. At sa programang tanghali I’m a “SHOWTIMEr”. Kse wala ka na ngang ma-EAT BuBULAGAin ka pa?”
  • “Di kuno ko balaka ke daghang nagpangga ug nagmahal nako. Mao dyud. pati sakit gipangga ko pag ayu. Pirti MAHALa!”
  • Ngano kuno kay “Inday Luwag?” Ani man gud, ang duol sa “luwag” duol sa grasya. Paduol tas luwag (grasya), dili sa disgrasya.” Haha.

         Isang “maluwag” na ngiti naman diyan. Yung ngiting may dalang ginhawa. Yung pag may nakakita sa’yo, mapapangiti rin. Mahahawa.

Yung lahat “infected” na at ang tanging bakuna ay ang muling tumawa…! 🙂

About Nomatterwhat143

Analyst ang aking propesyon. Pag bagot, walang magawa, nagsusulat. Dati nung maliit pa ako, pinapalo. Ngayon pina-follow (hehe!) Kung hindi ako nagsusulat, nakikinig ng musik. Minsan naman wala lang imik. Tahimik. Mata'y ipipikit. Matutulog. Pag gising, magkakape. Pag walang kape, okay lang basta tayo'y mug-KAPEling hehe! Corny? Yun ako. 🙂 Page owner/Admin din ako ng https://www.facebook.com/iloveannemurray/; https://www.facebook.com/nomatterwhat143/.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!