Mother of Dragons

mother
(Photo Credit: dreamstime)

Hindi po si Khaleesi or Daenaery’s Targarean ng Game of Thrones ang tinutukoy kong “Mother of Dragons”. Kundi ang Mommy ko.

Sa totoo lang, kinakabahan akong isulat ang article na ito, kasi baka kapag nabasa niya ito eh umusok na naman ang ilong pati bibig niya na parang dragon. LOL. Iyon kasi ang latest na tawag namin ni Daddy sa kanya tuwing na HHB siya sa amin. Naidamay na kita rito, Daddy, hindi naman puwedeng ako na lang ang may pakana ng lahat, dahil mas takot ako kay Mommy kaysa sa iyo. Haha! Peace!

Si Mommy iyong tipikal na Nanay na parang armalite ang bibig simula umaga hanggang gabi kapag hindi ka umayos sa harapan niya.

At ang sumusunod na mababasa ninyo ang ilan sa eksena namin ni Mommy nuong bata pa ako.

Eksena 1: Alarm clock

Mommy: Keeeeennnnnetttt!!! Bumangon kana riyan! Alas-sais na! Para kang walang pasok!
Me: Saglit lang meh…ansakit ata ng katawan ko..hindi ako makabangon….
Mommy: Ay Kinet! tigilan mo ako ng kaartihan mong iyan! Gusto mong pasukin kita riyan sa kwarto at ako mismo magbangon sa iyo?!
Me: Eto na po,,nagliligpit lang ng pinaghigaan,,palabas napo ng kwarto.

Eto yung eksena namin araw-araw nuong grade school pa ako. Ni hindi ko na nga kailangan pa ng alarm clock para magising tuwing umaga pagpasok. Hehe..Actually, puno ng pangaral ang natatandaan ko nuong bata pa ako sa tuwing hindi ko sinusunod si Mommy. Napagtanto ko rin na ang mga Nanay ay magaling sa salawikain na talaga namang sila lang ang kayang gumawa nito.

Eksena 2: Pinya

Me: Meh,,,,,asan ba rito iyong damit ko na kulay blue? Hindi ko mahanap eh…(habang hinahalungkay ang buong aparador)
Mommy: Andyan lang yan,, hanapin mong mabuti.
Me: Wala po talaga eh,,hindi ko makita..
Mommy: (Lumapit at biglang may hinablot sa damitan ko) Oh eto,,,puro bibig kasi ang inihahanap mo hindi mata…
Me: (tameme…unti-unting humahakbang papalayo sa may aparador)

Eksena 3: Kuto can fly

Me: Meh! maglalaro ako sa labas haneh!
Mommy: Huwag na huwag kang lalabas, Kinet! Napapakainet! Kukutuhin ka na naman! Gusto mo bang ilipad ka ng mga kuto?!
Me: (nga-nga…hindi na lumabas…takot ko lang liparin ng mga kuto…)

Eksena 4: Hang in there

Mommy: Kinet pakikuha mo nga iyong mga sinampay sa labas at baka biglang umulan. Makulimlim na sa labas.
Me: Maya na, meh, tatapusin ko muna itong pinapanood ko na kartuns.
Mommy: Gusto mo bang mag flying saucer sa iyo itong mga hanger?! Susunod ka ba oh hinde?!
Me: Opo…kukunin ko na po ang sinampay..(gusamot ang mukha…She-ra pa naman ang palabas sa tv…magtatransform na siya eeeee..nakakainis!)

At marami pang iba, iyan lang ang mga sikat na katagang lagi kong naririnig sa kanya nuon.Hehe..Pero kahit ganyan si Mommy, ibang klase yan mag-alaga sa aming magkakapatid. Pasok sa banga yung tinatawag na “Tender Loving Care”.

Palibhasa kasi simula pa bata ako eh nag-abroad na ang Daddy kaya si Mommy na ang hands on sa pag-aalaga sa amin. Hanggang ngayon kahit malaki na ako eh hinahanap ko pa rin iyong pag-aalalaga sa akin ni Mommy. Lalo na sa tuwing magkakasakit ako. Iyong tipong kapag ang sakit mo ay pang isang linggo ay kayang makuha ng tatlong araw dahil sa pag-aalaga niya. Galing ano? Parang may magic! Hihi..

Minsan naman hindi mo rin maiiwasan na magkatampuhan kayo. Meron kaming “love and hate relationship” na tinatawag. Minsan may panahon na gustung-gusto ko siyang layasan. Pero siyempre hindi ko naman gagawin iyon, LOL.

Isang gabi pag-uwi ko sa bahay pagdiretso ko sa kwarto ko nandun lahat ang sinampay na damit. Wala ka nang magalawan sa loob ng kuwarto. Sumigaw ako. “Anu ba naman yan?! Talagang sa kwarto ko pa n’yo inilagay ang sinampay?! Puwede naman sa sala ilagay! Pagod na pagod ako sa trabaho tapos ito pa aabutan ko?!”

Nilapitan ako ni Mommy at sinabi. “Abah, Kinet..kabuong gabi iyan…edi ilabas mo ang mga sinampay! Kung ikaw pagod sa trabaho mo sa opisina, papaano pa kaya ako?! Pagliligpit lang rito sa bahay pati pag-aalaga sa kapatid mo, pagod na pagod na rin ako! Tapos uuwi ka, ganyan ka pa?!”

Tumahimik ako..pumasok na sa kwarto..natulog kasama ang mga sinampay. Hindi na rin ako kumain.

Kinabukasan paggising ko wala kaming pansinan, hanggang pagbalik ko ulit ng bahay sa gabi. Matigas si Mommy. Talagang hindi ako kinikibo, ni ayaw akong tingnan. Hindi na ako nakatiis at lumapit ako.

“Meh…sorry na po..hindi na mauulit…”

Tumingin lang siya sa akin. Walang sinabi.

Kinabukasan paggising ko, dumiretso na ako sa kusina para kumain ng agahan.

Aba, himala. May naka-prepare na lunchbox. Baon ko, paniyak ito. Tuwang-tuwa ako. Bago ako umalis ng bahay papasok ng opisina ay nagpaalam ako kay Mommy na nagwawalis sa labas ng bahay.

Sinabi ko “Meh, salamat sa baon, haneh…bati na tayo? Papasok na po ako! Bye! Love you, meh!”

Tumingin lang sa akin. But somehow, alam ko na napatawad na niya ako.

The more I hate her, the more I love her..hehe..

Isa pa sa mga katangian ng ating mga Nanay eh kayang pagsabay-sabayin ang kanilang ginagawa.

Nagluluto, nagwawalis, nag-aalaga ng bata at nanonood ng tv. Multi-tasking! ‘Yan ang isa sa talent ng mga Nanay! LOL. Kaya I salute not only my Mom but to all Mother’s out there. Ganyan lang sila, bungangera. Pero sila ay mapagmahal, matiisin, maaruga at mapagkawang gawa.

Nowadays alam ko medyo stress si Mommy sa mga kaganapan sa buhay namin sa Pinas. At alam ko rin na pagod na siya sa sitwasyon na magkalayo sila ni Daddy. Simula pa bata, pinapanalangin ko na, sana dumating na iyong araw na magkakasama na sila ni Daddy. Nararamdaman ko malapit na iyon. Kaya Mommy, kapit lang. We love you no matter what, to infinity and beyond. Nothing can replace you being our Mom.

P.S.

Meh…baka naman ipa print mo na naman ito ng malalaking letra gaya ng ginawa kong article para kay Daddy…LOL
Happy Happy Birthday Meh! I love you and I miss you always! Muwaaaah!
Lovelots,
Ate Kinet

Busy mother doing simultaneously many tasks cooking cleaning reading working and talking on the phone
Busy mother doing simultaneously many tasks cooking cleaning reading working and talking on the phone

Alay sa mga Ilaw ng Tahanan…Nanay….

About ARKinet

i'm an arhitect working in a construction company abroad. i love to read books, traveling and of course eating! And now I'm starting to learn how to write to share some thoughts and experiences in life.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!