Money For Nothing

(Photo Credit: philippinestodayus)
(Photo Credit:  philippinestodayus)
(Photo Credit: philippinestodayus)

PERA– Maraming tao sa mundong ito ang naghahangad magkaroon nito. – At isa ako sa mga taong iyon.

Natural na sa kaisipan ng tao na kapag marami kang pera o salapi, mabibili mo ang lahat. Sa realidad ng buhay natin, kapag wala ka ngang taglay na pera, paano mo mapapag-aral ang mga anak mo? Pambayad sa upa ng bahay? In short, paano mo maitataguyod ang pamilya mo kung wala ka nito.

Ngunit sa kabilang banda, napakasakit isipin na marami sa atin ang handang isakripisyo ang sariling kaligayahan, ang sariling pamilya, at maging ang mismong kalusugan, makuha lang ang hinahangad nito.

Ang karamihang iyon sa atin ay madaling mabiktima ng mga ‘advertisement’ – Laging isinisiksik sa isipan natin na dapat magkaroon tayo ng mas malalaking bahay, mas magaganda at mamahaling kotse, at mga branded na damit. Wala kang pera? Pwes, hindi problema yan! Gumamit ka ng CREDIT CARD. Ang resulta? Mukhang mayaman kahit baon na sa utang at walang laman ang tiyan. Tsk.

Mayroon akong nabasang artikulo tungkol sa pera kaya nagkaroon ako ng ideya kung hanggang saan ang kayang abutin at mabili ng salapi. Sabi nga ng The Beatles’ “Money Can’t Buy Me Love.”

 You can buy a house, but not a home.

 Masakit, pero iyon ang totoo. Mabibili mo ng mala-palasyong bahay ang pamilya mo, ngunit nabili mo ba ang kakulangan nito?

 Ang magandang samahan ng pamilya ang hindi kayang mabili ng salapi. Mangyayari lamang iyan kung bibigyan mo ng sapat na panahon, atensyon, at pagmamahal ang iyong pamilya.

May iba din na isinasakripisyo ang sarili, makuha lang ang ‘Financial Security.’

 Here’s one of the classic example:

 ‘Dapat magkaroon ako ng asawa na sobrang yaman.’ O ang magulang mismo ang nagdidikta sa anak niya. ‘ Maghanap ka ng mayamang lalaki na magiging asawa mo para mabili mo ang lahat ng gusto mo, at hihiga ka na lang sa pera.’

 Pero may nakakalimutan ata tayo. Bakit hindi natin subukan magtanong sa Bible kung ano ang isasagot niya? Heto malamang ang sagot niya sa atin. ‘Lay not up your treasures upon earth, where moth and rust doth corrupt, and where thieves breakthrough and steal.’ ( Matthew 6 v18 KJV)

Sa madaling salita, ang kayamanan sa mundong ito, kasama na ang pera ay nananakaw, nawawala, at hindi nito kayang bilhin ang kalusugan at mapigilan ang kamatayan.

 At ito ang panghuli ngunit masasabi kong napakahalaga. – Ang pagiging kontento.

 Bakit maraming mataas sa lipunan at may mga sinasabi ang madalas nating mabalitaan sa radio at tv na nagpapakamatay? O di kaya’y miserable ang buhay? Samantalang masasabi natin na nasa kanila na ang lahat ng gusto nila sa buhay, diba?  Ang sagot? – walang kakontentohan sa buhay.

 Nagpapatunay lang na ang pera sa mundo ay nagsisilbing palamuti, napakahalaga ng pera sa buhay ng tao, ngunit dapat nating isaisip na hindi lahat ng bagay ay kayang tumbasan nito.

 ‘And having food and raiment let us be therewith contentment.’ ( I Tim.6 v8 KJV)

Hindi masamang magkaroon ng maraming pera, ngunit ang masamang epekto ng pagkakaroon nito ay ang pagkakaroon ng pagsamba at pag-ibig sa salapi. – (I Tim.6v10 KJV)

 

 

About mangHulyan

hmm .. pano ba simulan 'to?? .. ang alam ko ako si William.Mahilig sa lovesong .. mahilig kumanta pero yung kanta walang hilig sakin . Hindi ko alam kung paano magpakilala dito eh .. basta bahala na, kung may magtyagang magbasa ng mga post ko dito .. salamat .. hehehe ..