MMFF is a Business

 

Metro Manila Film Festival Official Logo
Metro Manila Film Festival Official Logo (Photo credit: Wikipedia)

“It’s all for business.”

 

Yan ang pinakadahilan kung bakit nasisira ang kalidad ng mga pelikula sa Pilipinas, lalo na kung ang usapan ay ang mga kalahok sa Metro Manila Film festival.

Kung ayaw mong maniwala, pannorin mo ang ulat na ito ni Jove Francisco na umere sa palabas na Reaksyon ng TV5. (see original post, or also go to News 5 Everywhere)

Sa totoo lang, kahit wala pa ang segment na ito ay solido na ang pahayag ni Direk Joey Reyes ukol sa Metro Manila Film Festival. Naalala ko pa rin ang solidong “direk statement” sa kanyang segment sa palabas na Showbiz Police.

Let’s face it. Iba na ang panahon noon sa panahon ngayon, kabilang na riyan ang pangkalahatang panlasa ng tao sa mga bagay-bagay, tulad na lamang ng choice ng pelikula. Kalimutan mo na ang kawalan ng partisipasyon ng Shake, Rattle and Roll horror series sa puntong ito.

Bagamat mas napapansin ngayon na may mga action movie sa nakalipas na tatlong taon. May historical na rin. May variety ba ang dating. Pero ang problema, dala ng katamaarang mag-eksperimento ng iba, hindi ganun ka-epektibo ang mga resulta. Masusugal talaga ang halaga.

Pero mas okay naman ‘to kesa sa jeskeng romantic drama no? Samahan mo pa ng temang “infidelity.” MAS WALANG SUBSTANSYA YUN. Walang kwenta.

Maaring nasa timing din ang dahilan. Siyempre, Pasko. Kaya mas gusto ng nakararami ay mga bagay na nakapagpapasaya sa atin. Kahit naman siguro noong bata tayo. Tama, ika nga ng isang tropa ko na isa ring miyembro ng hip-hop group, ang bata ngayon ang nagdidikta ng panlasa ng lipunan. Mapapansin mo na lang yan sa mga boses nila sa mga novelty radio stations hanggang sa kung paano ginagawa ang musika hanggang sa pagkahumaling sa mga mala-fairy tale na love story.

At oo nga naman. Nandito kami at tumatangkilik ng mga pelikula sa sinehan para malibang, hindi para mag-isip. At yan ang problema – kaya nagiging idiot box na talaga sa mata ng mga taga-academia ang telebisyon. La kwents eh. Sa panahon ngayon, mas okay pa yatang magpakabobo ang marami kesa sa hasain ang utak kahit papaano.

Enhanced by Zemanta
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!