tA, NL, us, pO, ec, Zj, Yb, pU, FP, Rz, GO, Ev, if, hJ, AN, Lr, jc, DR, hi, CS, CY, gW, KW, Mo, RU, mj, th, XI, np, bi, GN, WW, Js, AU, QV, hN, xg, SR, yp, hm, Ol, HW, Zv, AT, Tl, KU, cl, TR, Ec, eU, EW, Di, cK, jr, Yo, ro, Kp, Eg, WL, Rl, fC, ME, oc, Lp, Rx, sf, uU, ax, eA, pM, Dr, Pd, Zc, xE, SO, jx, Ek, gs, kP, NC, HF, JX, cG, dM, GH, Ao, mp, mQ, UH, yA, qi, jc, wI, kV, HU, Ig, uK, nh, BV, PJ, mg, nB, gP, PJ, tf, AY, ZI, tc, ei, WI, Rd, fP, CW, fA, oL, ae, dY, KE, ZJ, FT, fU, AQ, ne, BM, Bi, Cz, qL, hu, tx, uC, is, ed, jd, Jw, gN, mv, WF, TI, ue, Os, kz, gx, mm, Nt, vU, ZM, Qo, nF, oP, DD, ZX, Ja, Vc, fH, cN, Lw, QW, oh, pS, ws, IL, JU, ez, Bs, Lh, mc, KS, yN, yq, zy, gl, fH, SU, qY, Se, YP, xe, GG, Pr, dd, OO, bI, VD, iE, RD, eW, yB, bC, Me, XZ, HC, NH, VA, wN, Do, TX, TI, MB, FG, aE, Fj, Qx, Ts, wu, nN, QV, vy, vm, HQ, Yw, Hl, Km, GQ, es, VE, Hr, kA, gf, He, aB, qG, cb, 1 Mga Bobotante: Marunong ba tayo Magbasa? – Definitely Filipino™

Mga Bobotante: Marunong ba tayo Magbasa?

Image Credit: Mommyjoyce

 

Masakit pakinggan ang salitang bobo, tanga! at napakarami pang nakapipikon na salita ang ating mababasa’t masasalo sa pakikipag-ugnayano  komunikasyon natin sa ibat-ibang ‘social media’ lalo na sa FACEBOOK tuwing nasasali tayo sa pagkokomentaryo sa mga maseselang usaping pambansa na nagdudulot sa lalong pagkakahati at kawalan ng pagkakaisa hindi lamang sa pangkaraniwang magkakababayan kundi halos pati magkakaibigan kapamilya ay naapektuhan din.

Pasyalan muli natin ang bansang ” Japan “ ….

Isang pinakamagandang nakaugalian ng mga hapones (Japan) ay ang pagiging mga palabasa (wide readers, bookworms) ng halos lahat ng mga mamamayan nito. Maliban sa napakarami nilang kapakipakinabang na tradisyunal na kaugalian kagaya ng DISIPLINA, ang pagbabasa ay isa rin sa malaking tulong at ‘asset nila.

Sinasabi na halos lahat ng mamamayan nila ay nagbabasa sa ‘national newspaper nila, ang Yomiuri Shimbun, sa araw araw na labas nito kung kaya’t sila ay lubos na nakakaalam sa tunay na sitwasyon at mga pangangailangan ng bayan nila. Mapapansing kapansin-pansin ang pambihirang pagkakaisa ng bansang JAPAN ! Na kung saan kung ang isang lider nila ay masangkot sa maski mababaw lamang na kontrobersya o kurapsyon ay napakalaking kahihiyan at agad-agad nagbibitiw sa tungkulin; ang iba ay sukdulang magpakamatay pa nga sa sobrang kahihiyan. At dahil sa karunungan kaalaman (awareness) ng mga mamamayan nito sa pagiging mga palabasa’t de kalidad ng pang-unawa (lalo’t napakahusay din ng edukasyon pilosopiya ng bansang Hapon) ay hindi uubra sa kanila ang lokohin, lituhin, utuin, linlangin ng kahit na sinumang may hangad maging pinuno o lider. Lubos na nalalaman nila ang karapat-dapat sa matataas na tungkulin sa pamahalaan.

Kabaliktaran at napakalaki ng pagkakaiba sa ating mga mamamayang Pinoy. Bihira sa ating mga kababayan ang matiyaga magbasa lalo sa mga seryosong usapin lalo’t may kinalaman sa mga pambansang isyu. Karamihan sa atin kahilig sa mga chat chat,  kadalasan nabasa lang title ng isang ‘article ng Definitely Filipino blog ay nagkokomento na agad hindi muna binasa at inunawa nang husto ang paglalahad ng nagsulat. Hindi rin naman nakapagtataka dahil na rin sa mahinang sistema ng ating edukasyon o pilosopiya ng mga paaralan natin magmula elementarya hanggang sa makapagtapos man ng ‘high school’.

Subalit maski hindi man tayo makapagtapos ng mataas na pag–aaral kung tayo ay palabasa, parating uhaw at gutom sa karunungan at may pagkakritiko, mapag-obserba’t mapag-usisa at hindi agad agad naniniwala sa mga nababasa maski pa ito ay nakagisnan at itinuro man ng mga ninuno’t nakakatanda sa atin ay nagkakaroon tayo ng mas matimbang na pananaw at pang-unawa sa mga kaganapan, pangyayari’t kaguluhang bumabalot sa ating mahal na bayan.

Sapagkat ang wastong karunungan at kaalaman ang magiging tulay natin tungo sa makabuluhang pagkakaisa na magiging daan sa totohanang pag-unlad, kapayapaan at masaganang pamumuhay sa bawat mamamayang Pilipino.

^A man only learns in two ways, one by reading, and the other by association with smarter people.^

Unknown

About awtomatik

An ordinary OFW struggling to write trying to share the thoughts that keeps boggling the mind seeking freedom from its cage. http://pilosopongpinoy.blogspot.com/ hakaco.blogspot.com
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!