Merry Christmas to me

Photo credit to davescomputertips.com

Pagpasok pa lang ng buwan ng Ber ay may para nang isang maliit na butlig ng lungkot na papasok sa iyong puso kapag ikaw ay isang OFW.

Maliit lang siya, pero damang dama mo.

Photo credit to www.dreamstime.com
Photo credit to www.dreamstime.com

At habang natatapos ang buwat buwan ng Ber o nalalapit  na ang Kapaskuhan ay tila papalaki nang palaki ang Butlig ng lungkot na yan.

Pero pagdating ng Pasko…

Pag-aralan mo…

Hindi naman siya kasing lakas ng granada na sasabog.

O hindi naman siya ganun kasakit o kalungkot gaya ng mahabang pag-iisip na nangyari sa atin sa paghihintay ng okasyong ‘yan.

Alam n’yo ba kung bakit?

Dahil alam nating naibigay natin ang lahat sa ating pamilya upang magkaron sila ng Maligayang Pasko.

Kung tutuusin ay parang masaya ka pa nga.

Ikaw kasi ang lihim…

‘Yang sarili mo ang susi.

Ikaw lang ang gumagawa ng kalungkutan sa iyong puso.

‘Yung pagmamahal mo sa kanila…

‘Yung pagkasabik mo na makita sila at makapiling sila sa mahalagang araw na iyan ang dahilan ng iyong pangungulila.

Subalit…

Kapag tapos na, tignan mo’t naglalaho na ang lahat at muli kang nanunumbalik sa normal.

Parang hindi ka nalumbay ng halos apat na buwan (ng ber)

Normal na’t trabaho ulit para kumita ng pera.

Parang walang okasyong kinasabikan mo nang matagal.

Kaya maging matapang lagi…

Ang iyong ginagawa ay hindi para sa iyo kundi para sa mga mahal mo.

Sa mga mahal mo na ayaw mong makitang sasala sa pagkain…

Sa mga mahal mo na gusto mong mabigyan ng magandang kinabukasan.

Sa mga mahal mo na ninanais mong magkaroon ng napakasayang pagseselebra ng mga mahahalagang okasyon kahit na wala ka sa kanilang piling.

Kaya ngayong darating na Pasko at New Year…

Smile…

Maraming beses mo nang kinayang mag-isa ‘yan kung matagal ka na sa abroad.

Alagaan mong mabuti ang sarili mo..

Huwag kang mag-isip nang mag-isip dahil maaaring makaapekto iyan sa iyong kalusugan.

Baka natapos mo nga ang iyong misyon at nakauwi ka, eh, nakaratay ka naman sa sakit.

Paano ka pa magsasaya kapag kapiling mo na sila, ‘di ba?

Kaya dapat ay lagi lang strong and healthy.

Upang sa pag-uwi mo ay ma-enjoy mo ang iyong pinaghirapan at pinagpawisan.

Remember:  ikaw ang Hari/Reyna sa iyong pag uwi.

Ikaw ang mangunguna sa pagbibigay saya sa kanila.

Smile…

and say “Merry Christmas to me.”

Photo credit to davescomputertips.com

 

About mr clown

Hindi po ako writer. Trying hard lang po. Naglilibang lang at baka sakaling sa paglilibang ko ay malibang din kayo. Oh, e di everybody happy. Hek! Hek! ~ mr clown c")
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!