Menor de Edad (Rated SPG)

(Photo Credit: 500px.com)
(Photo Credit:  500px.com)
(Photo Credit: 500px.com)

“KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN!”

Ito ang sentro ng topic namin sa loob ng klase kanina sa Pilipino. Pero kahit anong dada ng aming guro sa harap ng buong klase, ay hindi roon nakatuon ang isip ko. Naglalakbay kasi ang aking isip at mas interesante ang nilalaman niyon. Kaysa sa dini-discuss ni Ma’am Ellen.

Sa dalawang bundok na kanina lamang ay masusi kong pinagmamasdan mula sa aking katabi na si Trina nakatuon ang isip ko. At may kung anong biglang sumikdo sa aking harapan.

Ako si Paulo. Disi-sais anyos at isang fourth-year high school student. Isa sa mga tinutukoy ng aming guro kanina na pag-asa ng bayan. Pero sa panahon ngayon, may mga aasahan pa ba ang ating bayan sa mga kabataan? O gaya sa ating bulok na sistema sa gobyerno ay naging utak-demonyo na rin ang kaisipan ng mga makabagong henerasyon?

Muling sumagi sa isip ko si Trina. Ang maaliwalas nitong mukha, ang makinis at maputing balat. At higit sa lahat, ang maumbok nitong hinaharap na sa edad na disi-sais ay malaking bulas itong maituturing. Makailang beses ko na nga ba siyang pinaglaruan sa isip ko? Na sa tuwing makakatabi ko siya sa upuan ay panay ang panakaw ko ng sulyap rito. Lalo na ang nakadedemonyong hinaharap nito na bakat na bakat sa suot na puting uniporme. Bigla muling nag-init ang pakiramdam ko.

“Paulo! Sama ka ba sa ‘min? Shot daw tayo nina Cedrick. Total, ‘ala naman pasok bukas, e!” Untag sa’kin ng kaklase at tropa ko na si Albert. Katatapos lang ng last subject namin na Pilipino.

Ito ba ang pag-asa ng bayan? Ang unang sumagi sa isip ko pagkarinig sa sinabing iyon ni Albert.

Nailing ako. Pero sa huli, sumang-ayon din ako. “Tara! Sarap tumagay ngayon. Teka, may mga tsiks ba tayong kasama?” Pilyong tanong ko.

“Oo naman, ‘tol! Mawawala ba naman ‘yan sa inuman. Alam mo naman si Cedrick, maraming dalang bala.”

“Good!”

Nag-apiran kami ni Albert.

Una akong natutong uminom at manigarilyo noong second high school pa lang ako sa impluwensiya na rin nina Cedrick, Albert at iba pa naming katropa. At dahil mas nakakariwasa sa buhay si Cedrick, ito ang madalas mag-aya ng inuman at sumagot sa alak na iinumin namin. At kapag ganoong araw ng biyernes, siguradong may SESSION na naman ang tropang CARMAKA-G pagkatapos ng klase. At hindi lang basta inuman ang mangyayari dahil mayroon na naman kaming makikilalang mga nanggagandahang babae.

Muling naglaro sa balintataw ko ang imahe ni Trina na may kasamang ngiting nakaloloko.

“Virgin na virgin!” Pabulong kong sabi sa sarili.

NAKARATING kami sa tagong lugar na iyon na madalas naming gawing tambayan at kung saan kami madalas mag-inuman. At gaya nang inaasahan, nakalatag na sa pabilog na mesa ang mga inumin at pulutan. Naroon na rin sina Cedrick at iba pa naming tropa. At lalo akong ginanahan nang makita ko ang apat na kababaihan na makakasama namin sa inuman. Gaya ng dati, walang itulak-kabigin sa apat. Pawang magaganda at menor de edad din na gaya namin.

Mayamaya lamang ay inumpisahan na naming uminom. Kanya-kanyang kuwentuhan, samu’t saring ingay ang maririnig sa tagong lugar na iyon. Isa iyong bakanteng lote na pagmamay-ari ng pamilya ni Cedrick na malayo sa kabahayan at napalilibutan ng talahiban. Pero sa lugar na kinaroroonan namin, may sementadong gusali na hindi pa gumuguho ng tuluyan. Balak patayuan ng negosyanteng ama ni Cedrick ng paupahang bahay ang lugar na iyon.

Ilang minuto pa, pasarap na nang pasarap ang kuwentuhan ng lahat. Tawanan, asaran, at may mga nagkakantahan din sa grupo habang may hawak na gitara. Kung paanong tumatalab na ang espirito ng alak sa bawat isa sa amin, nagiging mapusok at mapangahas din ang kilos ng bawat isa. At di-nagtagal, tinabihan ako ni Quenie, isa sa mga babaeng kainuman namin. 4th-year rin ito na nag-aaral sa ibang eskuwelahan sa kabilang bayan. Medyo lasing na ito.

“Paulo, right?” sabi nito.

Tumango ako, sabay tagay sa Empe lights na nasa shot glass.

“May girlfriend ka na?” tanong ni Quenie.

“Wala pa.”

“Talaga? Sa guwapo mong ‘yan?”

Natawa ako. “Alam mo, lasing ka na. Hindi mo na kasi alam ang sinasabi mo, e.”

“Ako lasing? Hindi, ah. Saka ‘di ako basta basta nalalasing. At totoo ‘yung sinabi ko. Guwapo ka.”

“Sige, para maniwala ako sa sinabi mo. Pa-kiss nga,” pilyong saad ko.

Kung nagulat man ako sa sinabi ni Quenie, mas nagulat ako nang walang pagtutol itong nagpaubaya nang halikan ko siya sa labi. Katunayan, game pa itong nakipagpalitan ng mapangahas na halik sa akin. Dala na rin siguro sa impluwensiya ng alak kaya malakas pareho ang loob namin.

Ilang minuto rin kaming naghalikan ni Quenie. Habang wala namang pakialam ang mga kasamahan namin na nag-iinuman. Kanya-kanya na kasi sila ng ginagawa. At wala na ring pakialamanan nang mga oras na iyon. Pare-pareho na kasi kaming tamado ng alak lahat.

“Alam mo, gusto kita,” pagdaka’y prangka ni Quenie.

“Talaga? Ako o ang halik ko?” biro ko.

“Pareho. Pero siyempre, mas gusto kita. Iyong ikaw mismo at hindi lang ang halik mo.”

“Gusto rin kita. Pero baka magalit ang boyfriend mo,” seryoso kong sabi.

“Wala akong boyfriend. I’m single.”

Muli kong sinilaban ng makapugtong-hiningang halik sa mga labi si Quenie pagkarinig ko sa sinabi nito. Lalo akong naging mapangahas. Wala na kaming pakialam pareho sa paligid namin. Dalang-dala na kami ng aming emosyon na sinabayan pa ng espirito ng alak. Maya-maya lamang, pasimple kong iginiya palabas si Quenie. Hindi naman ito tumutol at kusa itong sumama sa akin.

Ilang minuto lamang, pareho na kaming nasa isang kuwarto ni Quenie. Hindi ko namalayan na doon ko siya dinala mismo sa aking kuwarto. Tiyempong wala ang mga magulang ko nang oras na iyon. Kaya malakas ang loob kong dalhin roon si Quenie.

Walang sali-salitang inumpisahan kong hubarin ang suot na uniporme ni Quenie. Wala pa rin itong tutol. Nang tumambad sa akin ang kahubdan nito ay doon na ako lalong hindi nakapagpigil.

KINABUKASAN, tahimik ako sa buong klase. At napansin iyon ni Albert.

“Tol, tahimik natin ah? Hindi ka pa rin ba makaget-over sa nangyari kahapon?” tila may ideya na si Albert sa nangyari sa amin ni Quenie kahit wala pa akong binabanggit rito. Hindi na ako magtataka dahil sabay kaming nawala ni Quenie habang nasa kasagsagan ng inuman na wala man lang pasabi.

“Ulol! Walang nangyari. Hinatid ko lang siya kasi gusto na raw niyang umuwi,” pagsisinungaling ko. Hindi pa ako handang magkuwento sa aking unang naging karanasan. Isa pa, tila binabagabag ako ng aking kunsensya.

“Ok, sabi mo e. Pero maganda siya, ‘di ba? Ligawan mo na, tol.”

Ngumiti ako. “Malabo, ‘tol. Alam mo naman na si Trina lang ang babaeng gusto ko, ‘di ba?”

“Naku. Alam ko namang iba ang habol mo kay Trina. Ang kanyang dalawang bundok!”

“Ulol!” Tinapik ko si Albert, sabay hagikhik.

MAKALIPAS ang mahigit isang buwan, nagulat ako nang biglang tumambad sa harap ko si Quenie. Ngayon ko lang ito nakita ulit pagkatapos ng gabing may nangyari sa aming dalawa. Palabas na ako ng campus noon.

“O ikaw pala. Ano’ng ginagawa mo rito?” tila ibig kong takasan si Quenie. Pero nagpakalalaki ako. Hinarap ko siya.

“G-Gusto sana kitang makausap, Paulo….”

Kinabahan ako sa tono ng pananalita ni Quenie. “Tungkol saan?”

“P-Paulo, buntis ako!”

Para akong pinukpok ng martilyo sa narinig ko. Hindi ko alam ang sasabihin at para akong natuklaw ng ahas na natulala lang mula sa kinatatayuan ko.

“Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kapag nalaman ng parents ko ito, siguradong magagalit sila. Baka nga mapalayas pa nila ako, e. Saka, napakabata ko pa para magkaanak. Ano’ng gagawin natin, Paulo?” Halos maghisetirikal na si Quenie. Noon lang din ako tila nahimasmasan.

“S-Sigurado ka bang buntis ka at ako…ang dapat managot?” Iyon ang tangi kong nasabi. Naguguluhan na rin ako sa pinagtapat ni Quenie.

“O-Oo. At ikaw lang naman ang nakadale sa akin.”

Lalo akong natulala. Ibig kong kumaripas ng takbo at iwan si Quenie. Pero pati mga tuhod ko ay tila namanhid na. Ano nga ba ang dapat gawin sa problemang ito? Pareho pa kaming menor de edad ni Quenie. Parehong estudyante pa lamang at wala pang sapat na kakayahan para maging isang magulang. At paano ang kinabukasan namin pareho?

“Ipalaglag mo. ‘Yan ang solusyon…” Alam kong masama, pero iyon lang ang naisip kong solusyon sa problemang ito.

ILANG araw na akong hindi mapakali at hindi makatulog nang maayos. Binabagabag ako ng aking kunsensya. Naisakatuparan kasi ang pagpapalaglag ni Quenie sa bata na nasa sinapupunan nito ilang araw na ang nakalilipas. Ako ang nagpumilit sa kanya na gawin iyon. Nagtungo kami sa isang aborsyonista at matagumpay nitong naalis ang bunga ng aming kapusukan. Pero imbes na matapos ang aming problema, ano’t tila binabagabag ako ng aking konsensya. Alam kong huli na ang lahat. At hindi na namin puwedeng ibalik ang bata sa sinapupunan ni Quenie.

May mga desisyon na sa bandang huli ay pagsisisihan natin. Desisyon na inakala nating makabubuti, pero magdadala pala ng mas matinding problema sa atin. Kung patuloy man akong binabangungot at hindi pinatatahimik sa kasalanang nagawa namin ni Quenie, handa akong pagbayaran ito. At tanging langit na lamang ang makapagbibigay sa aming dalawa ni Quenie ng kapatawaran.

Kaya sa mga menor de edad na gaya ko, huwag tayong maging mapusok. Lagi nating pakaisipin ang ating kinabukasan at umiwas sa mga bisyo na magpapahamak sa atin. Dahil totoo ang kasabihang laging nasa huli ang pagsisisi!

W A K A S

Sinulat ni: ORLIE FERRER JACOB ng DFBI Family

About Orlie Jacob

Isang simpleng "Tea Boy" sa Gitnang Silangan na nagbabakasakali na sa bansang Arabo matagpuan ang suwerte. Tatlong taon nang OFW at tanging pagsusulat ang libangan at talentong p'wedeng ipagmalaki. Sa pagsusulat, nagkakaroon ako ng sarili kong mundo kasama ang aking mga "IMAGINARY FRIENDS". Dati na rin akong nakapagsulat sa "LIWAYWAY MAGAZINE" at bukod sa pagba-blog, nagsusulat din ako ng Nobela sa Wattpad. Kung bibigyan ng pagkakataon, nais kong buhayin ang LITERATURANG PILIPINO sa pamamagitan ng aking mga akda na maiikling kuwento. Idolo ko sina Ginoong Efren Abueg, Ginang Lualhati Bautista, Bob Ong, at iba pang batikang manunulat sa ating bansa. Nawa'y maibigan n'yo rin ang bawat akda ko rito sa Definitely Filipino!
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!