May Pokemon Go Na Sa Pinas! Eh Ano Ngayon?!

08/12/2016 08:09:51 PM

Sa wakas. Matapos ang ilang linggong alburoto sa Twitter at Facebook ng ilang mga Pinoy, ang Pokemon Go ay nasa Pilipinas na! Oo, matapos ma-bad trip at pasimpleng download (na obviously ay APK) ng ilang hindi makapagpigil ay meron nang Pokemon Go na available sa ating bansa. (Well, maliban sa mga gumagamit yata ng Windows Phone.)

So ano na? Ano naman ngayon kung may Pokemon Go fever na sa Pilipinas, na sakto pa sa tag-ulan at mga nagbobombahang mga isyu sa bansa?

Malamang, maraming magbabalik sa mga alaala nito. Kung isa kang bata noong dekada ’90, alam mo na kada Biyernes ng Gabi sa GMA-7 ay umeere ang isang anime series na ukol sa mga pocket monster. Oo, in short, PokeMon. Sakto sa kasikatan nga niyan ay nag-ere din ang kabilang channel nun ng DIGIMON, o dili naman kaya’y Digital Monsters.

At dahil nga mahihilig tayo mag-throwback kahit hindi naman Thursday, nanalaytay na sa dugo natin ang Pokemon. Kaya ganun na lamang siguro ang isa sa mga pinakadahilan kung bakit patok sa atin ang Pokemon Go.

Kasi nga naman, lahat tayo ay nangangarap gaya nila Ash, Misty, Brock, at ultimo ang Team Rocket: maging Pokemon trainer; at higit sa lahat, maging Pokemon master.

Pero kids, time to wake up and face the reality. You can never be one, literally. Pero puwede ka pa rin maging master sa ilang mga bagay sa buhay ngayon, na kung susumamuin ay kahalintulad ng isa sa mga pangarap mo noong bata ka pa.

Photo credits: Coconuts Manila

Well, wala namang masama sa paglalaro ng Pokemon Go. Lalo na sa panahon na halos stressed na ang tao sa mundo ng pulitika at terorismo, isa na lamang ang larong ito sa magsisilbing escapsim nila, kahit pansamantala lang. At sa panahon na nauso ang mga laro sa smartphones, gaya ng Angry Birdsm Candy Crush, Flappy Bird, Minion Rush, Clash of Clans, at kung anu-ano pa, panahon na rin naman para may umusbong sa industriya, no.

Yun nga lang kasi, ang hirap sa ilang mga Pinoy, abusado na. Yung iilan dyan. Magpo-Pokemon Go habang nagtatrabaho. Habang yung iba, maglalakad-lakad habang naglalaro n’yan, nanghahassle pa ng iba pang tao. Kaya ang ending, maraming naiirita sa kanila sa kalsada. Baka nga mero pa dyan na nababangga na, nasasagasaan, o dili naman kaya’y nahulog sa kanal o alinmang lagusan. Lugar-lugar din. Baka mamaya niyan, pag may nakahandusay na wala nang malay sa kalsada, may maglalagay ng karatula dyan na ang ang sabi ay “AKO AY ISANG ADIK SA POKEMON GO. HUWAG TULARAN. (BAGO KASI MAGLARO, MATUTO MUNANG TUMINGIN SA DAAN)”

Click here to continue reading