May papel ka naman sa buhay niya (Scratch paper nga lang)

Image via Twitter

Ano ka lang ba sa buhay niya?

Isang kaibigan kapag kailangan ka lang?

Gamit na puwedeng gamitin at kapag tapos na’y iiwan ka na lang?

Ano? Thank you na lang ‘yun?

Andiyan ka kasi mahal mo. Bakit, mahal ka ba?

Asa ka!!

 

‘Yan tayo eh, kahit masakit nasa tabi ka pa rin niya …

para saktan ka.

Maraming puwedeng mahalin at mahalin ka.

‘Di lang siya ang puwede mong bigyang-pansin ng iyong pagmamahal.

Huwag mong sanayin ang sarili mo na sinasaktan ka niya.

 

Ang tanong alam ba niya na mahal mo siya?

Isang malaking HAHAHAHA! 

Kung ganun huwag kang magtiyaga dahil kahit kailan

‘di masusuklian ang pagmamahal mo sa kanya.

Kahit pagsilbihan mo pa siya.

Alagaan at ingatan.

Mababasag at mababasag ‘yan dahil kahit anong ingat mo,

balewala ka lang.

 

Iba ang mahal niya.

At iba ang papel na iniingatan niya.

Oo, may papel ka naman sa buhay niya…

scratch nga lang.

Ipagpapatuloy mo pa ba ito?

Hanggang kailan?

Pag walang-wala ka na?

Paano kapag iniwasan ka na at nilayuan,

makakaya mo pa ba ang lahat ng sakit dulot nito?

Siguro naman titigil ka na?

O baka umasa ka pa rin?

 

Tama na, na minsa’y nagkaroon ka ng papel sa buhay niya.

Tama na. Gising na.

Dahil pag lumayo ka at handa ka nang iwanan siya,

makikita mo na balang araw ay may darating sa buhay mo

at ‘di na scratch paper ang magiging papel mo.

 

 

 

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!