May Boyfriend Ka Na?

Last time I posted a question for single gentlemen, “May Girlfriend Ka Na?”  and to make it fair for the single ladies, I made this blog post. 🙂 Simple lang naman ang gusto kong sabihin. Para sa mga NBSB (pag di niyo alam ang meaning nito, better ask some of your friends!), para sa mga kagagaling lang sa break up, para sa matagal nang naghahanap, para sa mga nasa tamang edad na, you might want to consider the following “taglines of companies” before ka magboyfriend. 🙂

1

  1. Kung magkaka-boyfriend ka, dapat yung may vision! Vision para sa sarili niya, para sa inyong dalawa, at para sa magiging future ninyo. Uulitin ko… vision! Hindi bisyo.lol! 🙂

2

  1. Dapat he thinks and dreams big. Mangangarap na nga lang siya, eh di lakihan na niya ang pangarap! Kung nangangarap siya na itreat ka ng ice cream sana hindi lang hanggang dirty ice cream. Try nya din mag-magnum!lol! I hope you get the analogy. 🙂

3

  1. Hindi naman siguro maganda na maging secretive ang magiging boyfriend mu. He should share his life’s moments din naman. Kamusta ang naging araw niya. Naging maayos ba ang project presentation nila sa work. Gumaling na ba yung parent niya na nagkasakit. And vice versa. 🙂

4

  1. Hindi naman perpekto yang magiging boyfriend mo and for sure madami pa siyang dapat iimprove at baguhin. I hope he is willing to change for the better.

5

  1. Medyo practical naman ito. Siyempre hindi naman maganda na yung boyfriend mo pa yung sobrang gastos (gadget, pananamit, luho, atbp.). Baka naman sayo pa siya mangungutang ng pang-kain kasi kakabili lang niya ng iphone 6! Aba sabihin mu sa kanya mag i-pon bago mag i-phone! 🙂

6

  1. Dapat he finds ways. Sabi nga maging maparaan. Kung on trip siya sa work sa mismong birthday mo, pwede naman magcelebrate ng early. Or makisuyo siya sa common friend ninyo para maipabigay yung gift niya sayo. It’s either he will find ways or he will find excuses.

7

  1. This is a plus! Pero siyempre how he thinks must complement how you understand. Baka naman sa sobrang kakaiba niya mag-isip eh hindi mo na siya maintindihan. Sabihin mo basahin niya ang short biography ni Steve Jobs. Or panuorin ninyo yung movie na “Jobs.”

9

  1. Alam kong gusto mo na mapunta ka sa mabuting kamay. I mean yung lalaking may mabuting puso at intensyon sayo. Huwag magmadali, kilatisin mabuti ang magiging boyfriend mo. The best way to know his character and attitude is by observing how he treats his family.

10(2)

  1. Madaming lalaki na puro salita lang at walang gawa. Promise ng promise ng kung ano anu pero di naman tinutupad. Kaya kung pipili ka ng boyfriend, piliin mo yung mas madaming gawa kaysa sa salita.

8

  1. I think hindi ko na kelangang ipaliwanag pa ito. Kung magboboyfriend ka yung pangmatagalan na! Yung husband material na. 🙂

11

  1. Huwag kang papayag na kung sino na lamang ang magiging boyfriend mo na parang basta magkaboyfriend na lang. Sana worth it siya ng pagmamahal mo. (lalim!lol!)

12

  1. Dapat naniniwala siya na nothing is impossible. Sabi nga ni Jesus “Nothing is impossible for him who believes” (Mark 9:23). Darating kayo minsan sa problemang kinakailangan ng matinding faith. Maaring financial problem o di kaya’y health problem. Sana siya yung mangunguna na iencourage ka at sasabihin “Babe, kaya natin to! Tiwala lang kay God.” (Bakit ba “Babe” ang naisip ko?haha Pwede din “Honey” or “Mahal” or “Love” or “Sweetie.” Problema niyo na yong tawagan niyo!)

Dr. Eamer

Photo Credits (here)

 

About Doctor Eamer

Joseph is a simple man with big dreams. He is a dreamer and is willing to pursue his dreams at all cost. He knows that those dreams are from God and are worth pursuing. Check his personal blog at http://iamdoctoreamer.wordpress.com/ or facebook page at https://www.facebook.com/iamdoctoreamer