“May Batas ba ang Social Life sa Pinas?” Part 2: A Valentines Adventure

social climber 2First time kong kakain sa Sambokojin. May ka-date kasi. Bukod sa araw ng mga puso, birthday din ni ka-date. Siya na ang nagplano na dun kami kumain dahil bukod sa siya ang magbabayad (libre kasi yung may birthday), ma-experience ko naman daw dahil okey at mae-enjoy ko naman daw ang nasabing kainan. Pero may advance warning na siya na baka mag-antay kami sa pila sa dami ng kumakain. Okey lang, tutal treat naman niya. Menos-gastos. Ayoko naman talaga kasi balita ko mahal kumain dun. Pero dahil nga sa treat niya, hindi na ko nagpakipot.

 

(Hindi po ito advertising o promotion)

Sa isang mall sa Las Pinas kami nagpunta. Gaya ng inaasahan, trapik ang mga kakalsadahan (asa pa!). Valentines Day + araw ng sahod + araw ng sabado = parusa. Mahigit isang oras ang biyahe. Para ka na ring nakatapos ng pelikula. Gutom na ko, puyat at amoy-bituka ang hininga. Nakakahiya tuloy mag-side comment sa mga kinukwento ni ka-date. Sa mga oras na yun, puro pagkain na ang nasa utak ko.

Pareho naming hindi alam ang eksaktong puwesto ng kainan kaya nagpalakad-lakad muna kami pagkadating sa mall. Madaming tao. I mean, mas maraming tao ngayon kumpara sa mga normal na araw sa mall. Panigurado akong 70% ng nasa mall ay magkaka-love team o may ka-date. Yung natitirang porsyento e nakiuso lang kahit single. Yung iba e wala lang magawa sa buhay. Bawat kainang makita namin e parang pila sa NBI. Tiyagaan at tiisan sa ngalan ng araw ng pambansang date. Masuwerte ka na kung hindi ka makakabangga ng balikat sa paglalakad sa dami ng tao.

Hindi rin naman nagtagal (mga 10 minutes), natagpuan na din namin ang kainan.  Maganda at malaki ang puwesto—pero may bagong parusa. Full house ang kainan, at kabilaan ang pila. Lalo akong nanlambot. Parang mas gusto ko ng kumain sa mga fast food. Mura na…yun na yun.

“Mga one hour and thirty minutes pa daw, okey lang sa’yo?” tanong ni ka-date.

Wow! Isa’t kalahating oras? Baka makatapos pa kami ng isang pelikula ulit niyan? May welga na sa bituka ko, at ayaw daw nila ng paasa! Pero ano bang magagawa kong buraot?

“Sige lang, nakaplano na to e.”

“Ite-text na lang daw tayo pag next in line na.” matutuwa ba ko dapat dahil sa libreng sms promo nila?

Matapos ibigay ang contact number ni ka-date kay ateng sumabog ata ang foundation sa mukha, lumakad na kami para maghanap ng pantawid-gutom pansamantala. Dahil pareho kaming gutom, napagdesisyunan muna naming pumapak ng nachos sa food court. Ganun din ang sistema, maraming tao. Find the missing blank ang mesa, talo ang mabagal at malabo ang mata.

Ito minsan ang dahilan kung bakit ayaw kong nakikipagsabayan sa uso. Parang may disaster. Ang hirap kumilos, masabi lang na nakiuso. Lahat napapraning kung paano gagastusin ang pera, habang sumasaya naman ang ekonomiya ng mga negosyante. May mga pagkakataon na ayos lang naman tumambay sa mall (kung may pera), pero kung may okasyon ( sabayan pa ng araw ng sahod at “sale”), nevermind. Maraming pagkakataon para i-celebrate ang valentines day, pero hindi ko pinangarap makipagsabayan para lang maging ‘in’ at makiuso. Kita mo, lahat ng produktong may kinalaman kay kupido e nagtataasan ang presyo. Magmula sa chocolate, bulaklak hanggang sa tatlong oras na “cable tv, aircon room with free wi-fi for only P300.00 every weekdays”. Pero dahil uso, walang pake ang may mga pera. Paligsahan ng mga maluluho at gustong maging pinaka-romantic sa araw na yun. Wala namang contest.

Halos magi-isang oras din ang lumipas bago kami nakapasok sa pangarap na kainan. Nabawasan na ng bahagya ang appetite ko at parang nalalasahan ko pa ang cheese sa dila ko kaya medyo hindi na rin ganun ka-exciting ang entrance.

Out of curiosity lang naman kaya napapayag na rin akong kumain dito. Eat all you can ang sistema. At ang interesanteng parte e yung ikaw mismo ang magluluto ng kakainin mo, gamit ang…

(Click here to continue reading…)

 

(Click here to read “May Batas ba ang Social Life sa Pinas?” Part 1)

About Juan Mandaraya

Dating gitarista ng iba-ibang banda. Nagdo-drawing kapag bagot sa trabaho at walang internet. Nagbabasa ng libro para antukin at para masabing nagbabasa din. Sabik sa tulog, adik sa kape at fried chicken. Nagsusulat dahil...hindi niya rin alam. Triip lang.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!