Mas masakit ang “Ako Ay May Lobo” kesa sa “Leron, Leron, Sinta”

Sa tingin ko mas masakit ang kantang ”Ako ay may Lobo’ kesa sa ”Leron, leron sinta”.

Bakit? Kasi sa Leron, leron sinta, may nagtanong,  “Ano ang pinakasakit? at ang binigay na pagpipilian ay “mabali ang sanga” “mahulog sa puno” at “humanap ng iba”.

Kung kakantahin mo ang Leron, leron sinta, ang nabanggit na puno doon ay papaya. At wala namang nabanggit na nahulog sa puno. Pero sige, ipilit na lang natin na may nahulog nga sa puno kunwari para lang may brutal tayo na pagpipilian pero hindi rin e, kasi ang puno ng papaya ay hindi naman inaakyat.

‘Yung papaya ay pinipitas lang kaya imposibleng mahulog ka sa puno nun. Bakit naman aakyat ka pa kung kaya mo namang sungkitin na lang ang papaya.

Doon naman sa “humanap ng iba”,  syempre hindi masakit ‘yun. Masakit ba ‘yung humahanap ka na nga ng iba kumbaga, rebound? Meaning lang ng humanap ng iba ay naka-move on ka na. ‘Di ba kaya ka nga hahanap ng iba kasi naka-move on ka na?

Siguro magiging maasakit lang iyon doon sa taong iniwanan; na ngayon ay humahanap na nga ng iba. Kaya ang mga naibigay na pagpipilian para sa tanong na “Ano ang pinakamasakit?” ay walang mga katuturan lalo na ang “nabali ang sanga”.

Doon naman sa kantang ‘Ako ay may Lobo. Tingin ko, mas masakit o may kirot pa ‘to sa puso lalo na sa tiyan. Kasi ba naman gutom ka na nga, mas pinili mo pa ang layaw mo. Parang wants vs needs lang ‘yan, ‘di ba?

Ang lobo ay ang ‘want’ at ang pagkain ang ‘need’. ‘Yung binili mong lobo nasayang lang kasi lumipad sa langit, ibig sabihin lang nito, nabitawan mo ‘to. Maaaring nabitiwan mo kasi gutom ka na nga. Wala ka nang lakas para hawakan ito nang maayos.

Tapos nung mabitiwan mo, hindi mo na kaagad nakita. Tignan mo ah, nung mabitiwan mo at lumipad sa langit ‘yung lobo, ‘di mo na kaagad nakita, wow ah! Hmmm! Tanda lang ‘yan na nanlalabo na mata mo sa gutom. Tapos bigla ka ng babanat na nakita mo ‘yung lobo na pumutok na pala.

Well! sasabihin ko sa ‘yo na ilusyon mo na lang ‘yun na alam mong pumutok na ang lobo, alam mong pumutok ‘yung lobo, kasi nga gutom ka na, gutom na gutom. ‘Di ba nga sabi mo, ‘di mo na nakita tapos bigla mong sasabihing pumutok na pala? Palusot mo na lang ‘yun, palusot.

Tapos ‘yun na nga, ang pinakamasakit na parte sa “Ako ay may lobo” ang masayang ang pera mo, mawala ang lobo at ang paghihinayang mo na dapat ay nakakain ka. Nawala na nga ang lahat sa ‘yo, gutom ka pa.

About peter pun

Bakit laging lumilipad si Peter Pan? Kasi NEVERLANDS.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!