Mamang Tsuper

Kapag nakakakita tayo ng larawan ng Jeepney, tumatatak agad sa ating isipan ang pagkaPinoy natin. Bukod tangi sa buong mundo ang ‘Public Utility Vehicle’ na jeepney na gawang Pinoy. Halos karamihan nga ay gawa lang sa mga ‘backyard shop’ ng mga malikhaing Pinoy na Latero welder, mekaniko atbp na ‘skilled workers natin. Pasadya ito sa gawang surplus na makina, kailangang matibay ang pang-ilalim na ‘chassis kung kaya’t kapansin-pansin lalo sa mga probinsiya maski ‘overloaded ito hanggang ‘topload at may halos sampu pa na nakasabit sa likuran minsan pati narin sa harapan ay umaarangkada ito. Binansagan na King of the Road’ !

Pagbabago?

Sa ayaw at sa gusto natin darating ang panahon ng pagbabago. Marami na ang nabago. Maski ngayon kamakailan lang nauso na ang mga Utility Vans na pampasada maski sa mga liblib na probinsiya kagaya sa mga Toyota Hi-ace, Nissan Urvan atbp.

Subalit itong programang pag-phase out ng mga Jeepneys kapalit ng mga E-jeepneys ay makabubuti nga ba at para sa kapakanan nga ba ng bansa? Na kung saan ang teknolohiya at makinarya ay aangkatin din sa ibang bansa na kung saan ay malamang plantsado na at tapos na nga ang kontrata kung kaya’t pilit na isinusubo sa mga nasa ‘Transport na kabuhayan at paggawa.

Sino ba ang ayaw ng modernisasyon?

Nasa ‘computer internet ‘age na tayo. Ngunit ang mahalagang katanungan ganun pa rin. Ang Pinoylandia ba may sarili nang teknolohiya’t makinarya, sopistikado kagamitan na sariling gawa o Pinoy ‘branded na mga produkto? Ilang beses ko nang naisulat at naikuwento ito mula pa sa aking blogsite na walang nagbabasa at nagkaka-interes (http://pilosopongpinoy.blogspot.com/2009/06/buhay-pinoy-at-kahirapan.html?m=1) ilang taon na rin ang nakalilipas.

Ang pagbabago o modernisasyon ay hindi ganap na maisasakatuparan kung ang teknolohiya ay halos lahat manggagaling sa ibang bansa. Ang makabuluhang industriya ng pagbabago ay hindi basta magaganap makukuha yan sa biglaan at karakaraka lamang na programa.

Ang China, halimbawa, nag-umpisa ‘yan magplano at isakatuparan ang industriyalisasyon noong 1950’s, at halos taong 1980’s lamang unti unti nila naramdaman at nagsimulang umani sa itinanim nila na mga programang pagbabago tungo sa pagiging tunay na independente,  industriyalisado  at maunlad na bansa.

Mangyayari o maisasakutaparan lamang ito sa masusing pag-aaral at pangmatagalan na plano (long term blueprint).
Obserbahan na lamang ang nangyayari dito sa LRT/MRT natin maliban pa sa palpak na pakikipagnegosasyon at kurapsyon sa mga suppliers nito ay halos nagtatapon ang pamahalaan ng trilyones na pondo para dito. Eh kung may sarili tayong teknolohiya at industriya nito hindi sana nagkawindang-windang na ganito.

Kaya’t ang kasalukuyang usapin sa ‘transport modernization, hindi ba dapat mag-upgrade lang muna ang may kakayahang mag-upgrade habang pinag-aaralang maige ang mga makabuluhang hakbangin tungo sa modernisasyon?

Makatotohanan maka-Pilipino na INDUSTRIYALISASYON ang dapat tinutumbok ng Bayang Magiliw.

About awtomatik

An ordinary OFW struggling to write trying to share the thoughts that keeps boggling the mind seeking freedom from its cage. http://pilosopongpinoy.blogspot.com/ hakaco.blogspot.com
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!