Malanding Political Fantard Problem: FO na!

04/21/2016 10:25:23 AM

Ito ang panahon ng eleksyon. Panahon para makialam ka sa lipunan kahit minsan lamang sa mahabang panahon. Panahon para magkaroon ka ng paninindigan. Panahon para alamin, tuklaisin, kilatisin, busisiin ang nararapat na maihalal bilang representante ng ating lipunan.

At maaring panahon ito ng pagkakaroon ng hidwaan sa paniniwala o perspektibo pero hindi ibig sabihin nito na panahon rin ito para awayin mo ang hindi sumasang-ayon sa iyo.

Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas eh. Ang daming matatalino pero marami ring nagpapanggap na self-righteous na tanga. Na akala ay sa kanya lang umiikot ang mundo—gayun din ang dikta ng pamumuno sa bansang Pilipinas. Na akala ay siya lang ang sinugo ng Diyos para isalba ang bansa mula sa kumunoy ng katiwalin at oligarkiya. Na akala ay siya lang ang nakakaalam sa susi ng kayamanan para sa isang masaganang Pilipinas.

As in parang siya lang ang tama. (Baka may tama, oo.)

Aba’y mas malala pa pala kayo sa mga pulitiko kung ganun, ano po? Aawayin mo ang katrabaho o kaklase mo? Makikipagespadahan ka (ng dila sa dila, tutal pareho naman kayong matatalim ang ganyan) ng iyong kapamilya, kabarkada, kapatid, kapuso, kapedersasyon, kapareha mo dahil hindi niya iboboto sa Mayo ang kanidadtong gusto mo?

www.gmanetwork.com

Aba’y mga gago pala kayo eh.

Maaring nagkakaroon nga ng clash of ideas and beliefs rito sa kasalukuyan, pero patunay lamang yan kung anong klase tayong bansa: isang archipelago. Isang malayang archipelago na obvious naman sa promasyon ng ating mga rehiyon at isla. May rehiyonal na mentalidad, bagay na since time immemorial ay nage-exist na sa ating kamalayan (at isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit isang malaking kapalpakan ring maituturing ang mga himagsikan noon).

Alam ko, kailangan natin ng pagkakaisa. Hindi makakailang masarap sa pakiramdam ang ganun. Pero sa tingin mo ba, kailangang magkaroon ng digmaang salita sa puntong ito? Kailangan ba nating umastang keyboard warrior o gangster para magkaroon ng isang diskurso sa pamumulitika? Siguro, dahil na rin sa mga ipinakitang mainitang pagtatalo sa mga eksena ng Heneral Luna, pati na rin sa ibang pelikula na may halong pulitika ang tema.

Click here to continue reading.

Source :

The SlickMaster's Files

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!