Mahal ko … Mahal mo?

Forbidden (Photo Credit: Dearoldheart.blogspot)
Forbidden (Photo Credit: Dearoldheart.blogspot)
Forbidden  (Photo Credit:    Dearoldheart.blogspot)
Forbidden (Photo Credit: Dearoldheart.blogspot)

Masaya kaba sa relasyon n’yo na patago?…

Yung nagkakasya ka lang sa pa chat-chat, palitan ng emails at messages…

Panakaw na tawagan dahil wala kayong laya na magkita at magkasama…

Bakit? Dahil alam mong may masasaktan…

Alam mong may masasagasaan…

Dahil ang ang sinasabi mong mahal mo ay committed na…
Committed na sa akin…

Ang masakit, sa bigla niyang pagbabago ilang ulit ko na siyang tinanong…
May iba na ba?
Natural itinanggi…

Pero may paraan ako para malaman ang totoo…
Hindi lang makailang beses akong hinanapan ng dahilan para hiwalayan…
At sa bawat panlalamig ng pakitungo nya sa akin at sakit na idinudulot ng panloloko n’yo sa akin…
Lalong pilit kong inilalaban…
Pilit akong kumakapit…

Bakit, ‘di pa ba obvious?
Mahal ko ang lalaking inaagaw mo…
May kunsensya ka ba sa ginagawa mo ngayon?
Hindi naman ako ganun katanga para hindi makaramdam…

Hindi ako ganun kabait para palampasin ang lahat ng panloloko nyo…
Sorry na lang sa iyo…
Hindi kase ganun lang na kadaling bibitiw ang ako para pagbigyan ang gusto mo…
Pasensya na lang sa ‘yo dahil hindi ko basta isusuko ang lalaking pinakamamahal ko…

Maghintay ka hangga’t gusto mo o kaya mo…
Kung sa tingin mo pag naghiwalay kami magiging kayo na?
I beg to dis-agree!!!

Hindi pa din kayo puwedeng magpakita in public dahil magiging kahiyahiya ang image niya?
Maghintay ka muna daw ng 3 months…
Atleast 3 months para sabihing nakamove on na siya kuno…

Kung napanood mo si Popoy at si Basya, dapat maintindihan mo yang 3 buwan na yan…

Pagkatapos ng 3 buwan kung gugustohin ka pa niya babalikan ka nya…
Ei pano kung sa 3 buwan na yun marealize nya na hindi niya pala ako kayang tuluyang iwanan at ipagpalit….
Nganga ka na lang dyan…
Pasensya ka na lang ha?…

Matuto ka kasing magmahal sa isang tao na hindi pag-aari ng kahit kanino…
Yung matatawag mo sanang iyong iyo…
Yung hindi ka sana itinatago…
Hindi yung maninira ka relasyon ng may relasyon…
Hindi yung mang aagaw ka para mapagbigyan lang ang gusto mo…
Kung kaya mong manloko at mang-agaw…
Sa tingin mo seseryosohin ka ng kahit sinong lalaki diyan sa tabi tabi…
I don’t think so…
Mahal ko ang lalaking sinasabi mong mahal mo…
At ito ay para sa iyo…
Kung hindi ka pa matauhan…
Asahan mo may part 2 pa ito… :p

author:  iloveme

p.e./mj

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!