Magkano ba yan?

bayad sa penitensiya

“Gaano ba kamahal ang Mahal na araw? Mabili nga!”

Aba magaling! kabataan nga naman, kahit anong bagay na mapansin ginagawang biro makapag-update post lang sa facebook sarap iunfriend. Pero, oo nga naman bakit ba kasi Mahal na Araw? Tapos sa english Holy Week, diba dapat banal na linggo. Kaso dyan tayo nasanay at parehas lang din namang ginugunita ang pagkamatay at sakripisyo niya dahil sa mga kasalanan, kamalian at kabobohan ng mga tao. Pasensya sa pagkaplayingsafe ko, nakasaad kasi sa mga utos na: “Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Dios sa walang kabuluhan; …” kaya na papaNIYA na lang ako.

Eh Ikaw? nagagawa mo din ba ang sampong utos ng diyos? Ako hindi, pagsinabi kong OO madadagdagan lang kasalanan ko. Kasi dun pala sa igalang mo ang magulang mo, maraming beses ko ng hindi yan nagawa. Mahirap din kasing isabuhay ang sampung utos ng diyos lalo na kung pilipino ka tapos nanunuod ka ng afternoon at primetime drama show sa TV. Halos lahat kasi ng palabas may hiwalayan, landian, two-timer, miski sa komersyal ng MTRCB nabanggit ang salitang KABIT! Sabi pa naman sa research ang MEDIA tulad ng TV kasama sa nakakaimpluwensiya sa tao. Pero kung alam mo sa sarili mo na nagagawa mo lahat ng nabanggit sa sampung utos ng diyos, bibigyan kita ng kamay sarap mong palakpakan (clap,clap).

Maiba tayo, anong balak nyo sa mahal na araw, mag-aalay lakad ba kayo, magbibisita inglesia, mag-aayuno, mag-papasyon, magbabasa ng bibliya, magpepenitensya; magpapapako sa krus, o manunuod lang ng passion of the christ. Edi wow kung ganon, pero kung ginagawa mo to dahil may gusto kang hilingin, kasi trip ng barkada, new experience, o dahil gusto mong gumala kasama ng syota mo bibigyan din kita ng kamay pasampal na lang.

Ganyan tayong mga pinoy eh, nagpepenitensya kasi may sakit, maraming kasalanan pero pagkatapos ng mahal na araw gagawa ulit ng kasalanan, magbibisita inglesia o mag-aalay lakad kasi trip ng barkada at kasama yung crush o gf/bf mo. Mag-aayuno tapos sasabihin nag-sasakripisyo pero ang totoo nagdiedieta lang. Ganito tayong mga pinoy lahat ng ginagawa natin dapat may kapalit gusto natin ng bayad. Kung nagtapos lang siya sa kursong Accounting baka kada ginagawa nating sakripisyo tuwing mahal na araw, inuunahan niya na tayong tanungin kung: “Magkano naman yan? kasi hindi tayo gagawa ng bagay na walang kapalit o hindi patungkol sa atin.

Sa totoo lang ang mahal na araw hindi naman talaga tungkol sa kung paano mo mapagsisisihan ang mga kasalanan nagawa mo at kung paano ka makakabawi sakanya, kundi tungkol ito sa nagawa niya para sa lahat ng kasalanan natin at kung paano siya nasasaktan sa patuloy na paggawa natin ng mali. Oo nga’t nakabawi ka dahil sa pagpepenitensya sa mga nakalipas mong kasalanan pero paano naman ang mga susunod pang kasalanan magsasakripisyo ka ulit sa susunod na mahal na araw? Kaya hindi natatapos ang banal na linggo kasi patuloy tayong nagkakamali. Hindi natatapos ang pagpapahirap sakanya kasi may nagagawa tayong kasalanan.

Holy Week, ito ang mga araw kung san siya mahina, kaya nga holy weak tapos maniningil ka pa. Wala pa siyang pambayad nanghihingi ka pa ng interest. Sa susunod na magsasakripisyo ka gawin mo para sakanya, hindi para sayo. Nagbabawas ka nga ng kasalanan pero sa mga darating na araw dodoble naman.

Oh siya, aalis nako, para na kasi akong paring naninermon sa misa. Napadaan lang naman ako yayayain lang sana kitang magpasyon, libre kape gusto mo? balita ko may kasamang noodles at tinapay. Tara makikain tayo!!

About Torio

Geh!