Lover’s Moon Chapter 3

“Hey, hey, hey!” imbis na tumigil sa paglalakad ay lalong binilisan ni Marielle ang paglalakad. Alam niyang si Dane ang tumatawag sa kanya. Ayaw niyang pakiharapan ang lalaki. Oo, pumayag siya na maka-trabaho ito para kay ELJ, pero it doesn’t mean they need to be friends.

“Bata! I want to talk to you.” hatak nito sa kanyang braso nang maabutan siya. Naiinis na pumiglas ang dalaga sa pagkakawak na yun ng lalaki.

“What’s your problem? And please stop calling me Bata.” naiiritang hinarap ni Marielle ang binata. She suddenly want to regret it, because suddenly, she is just an inch away from Dane. Their eyes met! Pero si Marielle ang unang nag-iwas ng tingin. She took few steps away para mapalayo sa binata. Hindi niya gusto kahit mapalapit dito.

“The problem is you. Bakit gusto mo akong alisin sa project na ‘to? Just who do you think you are?” sarcastic na tanong ni Dane sa dalaga. Nakita niyang saglit na natigilan ang babae. Tama ba ang nakita niya? A certain sadness cross her eyes? Pero when he look at her again, her face is then again cold and unemotional. Blanko ang experssion, wala kang mababasa.

“I am Marielle Rivera, just so you know! Saka ano bang problema mo? Di ka naman inalis ha! Don’t worry, you get the role and I am sure you will get awards for this. Yan ang gusto mo, di ba?” patuya nitong nginitian ang binata.

“Oh, of course! You are Marielle Rivera, the best actress. Oo nga naman, you have all the right to just pull out actors kasi gusto mo lang! Gees! Look what fame have done to you? You became a monster! And—“

Isang sampal ang nagpatigil sa ano pa mang sasabihin ni Dane. He was shocked! In an instant, he reached Marielle and ravishly kiss her. Punishing kiss! Mariin, galit, may pag-aangkin. Pilit na tinutulak ni Marielle palayo ang binata. Buong lakas niyang tinulak si Dane, at pagkatapos ay muling sinampal.

“Ang kapal ng mukha mo! You don’t have any idea what I’ve been through. Wala kang karapatan pagsalitaan ako ng ganyan. Get lost!” at pagkatapos ay nagmamadaling sumakay sa kanyang Hummer van. Naiwan namang natutulala si Dane. Masakit ang sampal na yun ng dalaga, pero mas masakit ang nakita niyang sakit na gumuhit sa mga mata ng babae. Siyam na taon na ang lumipas, pero tila yata ay di pa din nakakalimot si Marielle.

————————————————————————————————————————————-

MARIELLE:

She is crying inside her van. Ang kanyang P.A at driver ay nakakaunawa naman na nanahimik na lamang at hinayaan siya. Sa mga ganitong pagkakataon, nagpapasalamat siya sa pagkakaroon ng mga kasamang katulad nang mga ito. They are like a family to her. Ang P.A niyang si May ay nasa kanya na 16 yrs. old pa lamang siya. Kahit nga nung mga panahon na madalang ang kanyang mga projects, hindi siya iniwan ng babae kahit pa sabihin niya na ayos lang sa kanya kung maghahanap ito ng ibang mapapasukang amo. May mga pagkakataon kasi na delay ang bayad niya dito, pero never siya iniwan ni May.

Ang driver naman niyang si Mang Arnel ay dumating talagang hindi niya driver nung una. Driver ito ng madalas niyang rentahan na taxi pag may mga show siya sa malayong lugar. Napakabait ng matandang lalaki sa kanya, maging ang maybahay nito. Lagi na nakakaintindi ito sa maraming pagkakataon na installment ang kanyang bayad dahil kailangan pa niyang hantayin ang pay check sa mga bit role na ginanapan. Minsan pa nga ay ang matanda ang nagbabayad sa toll gate tuwing wala talaga siyang pera. Kaya naman ng makabili siya ng una niyang sasakyan, ang matanda ang kanyang agad na kinuha. And the rest, like they said, is history! Kung may pinagpapasalamat man siya yun ay ang pagkakaroon ng mga tao na tunay na nagmamahal sa kanya.

She heard her driver turn on the radio. Inihilig ng dalaga ang kanyang ulo at pumikit. A John Legend’s classic is playing.

“Cause all of me
Loves all of you
Love your curves and all your edges
All your perfect imperfections
Give your all to me
I’ll give my all to you
You’re my end and my beginning
Even when I lose I’m winning
‘Cause I give you all of me
And you give me all of you, ohoh”

Di gusto ni Marielle ang mga alaala na dumadalaw sa kanyang isipan. But the song is really too powerful. Di namamalayan ng dalaga na hinahatak siya nito pabalik sa isang bahagi ng kanyang nakaraan.

*9 years ago*

Malungkot na nilapag ni Marielle ang diyaryo pagkatapos basahin ang latest showbiz news. Ang sabi ng writer dun, napaka-ambisyosa daw niya to even think na magkakagusto sa kanya si Dane Marasigan. Tinawag pa siya nitong “starlet” at “user”. Parang gusto maiyak ni Marielle sa sunod-sunod na negative publicity patungkol sa kanya. Maging sa mga social networking sites ay panay ang pangba-bash sa kanya ng mga tao. If not for Dane assuring her that he will always stand by her side, malamang hindi na kaya kinaya ang magulong mundo ng showbiz.

Nagkasama kasi sila ng binata sa pinakasikat na reality show sa bansa. They lived in a house for 4 months. Pumasok siya bilang teen housemate, while Dane entered as a celebrity housemate. Sikat na itong modelo noon pa man. Lumalabas na din sa ilang programa. Kaya naman halos hindi makapaniwala ang dalaga na naging magkaibigan sila. He is 9 years her senior, bukod sa talagang alam niya na sikat ito sa labas at pantasya ng maraming kababaihan. Marielle was happy to get to know someone like him, and moreover be friends with him. Akalain ba niya na magkakaron siya ng kaibigang celebrity? She is just a simple girl from Davao. Kakatapos niya lang ng high school, when she heard about the audition sa reality show na yun. Kahit pa tigas ang pagtanggi nang kanyang magulang, talagang nagpumiliti si Marielle na ituloy ang pag-o-audition. At swerte naman na natanggap siya.

Bago sa dalaga ang lahat, lalo pa nga’t all her life, sheltered siya ng mga magulang. Galing siya sa nakakariwasang pamilya sa Davao. Her parents has a gold trading business. Pero Marielle wanted to go out to her comfort zone and dare her self. Kaya nga sumali siya sa reality show na yun. Nung una akala niya, mga isa o dalawang linggo lamang ang kanyang itatagal, but she even made it to the Big 2 and finish second. Si Dane ang naging Big Winner.

At nang lumabas siya sa bahay na yun, nagulat siya sa dami ng suporta ng mga tao. And was surprised to see lots of love team na idinidikit sa kanyang pangalan, isa na dun si Dane. Sinabi sa kanya na espesyal siya para sa binata. Di miminsan nagpahayag ito ng pagmamahal sa kanya miski nung nasa loob pa sila ng bahay na yun, na lagi na ay tinuturing niyang isa lamang sa mga biro nito.

But in her hearts, she knows that what they shared were special. Bago inannounce ang Big Winner, Dane whisper to her ears that he love her, and that he’ll always be around. Kahit di sumagot si Marielle, pinanghawakan niya yun sa kanyang batang puso.

Ringing of her phone made Marielle get back to reality. She look at the screen, it’s Dane.

“Hello, Tanda?” mabilis niyang sinagot ang kanyang telepono. Tanda and Bata is their endearment to each other. She is Bata, Dane is Tanda.

“Bata, I’m sorry about the write-up! Nabasa mo na, di ba?” nahimigan ng dalaga ang pag-aalala sa tinig ng lalaki. She knew he would call to check on her. He didn’t fail her!

“Uhmm, oo!” para naman ay biglang gustong umiyak ni Marielle. Dane has always been her pillar of strength. He is her happiness. Her Superman. Her saving grace.

“Bata, don’t mind them! Alam nating ang totoo. Just don’t listen to them. Showbiz is really ruthless. It won’t excuse anyone, not even you.” his voice just make her wants to cry more. Ewan ba niya, pero tuwing maririnig niya ang mga assurance na yun ng binata, parang dumadali ang lahat.

“Ayus lang, Tanda! Totoo naman na “starlet” ako e. I’m a nobody!” at tuluyan na nga siyang umiyak.

“Hush, Bata! You are just starting, pero may tiwala ako na you will make it to the top. You are so talented and genuinely kind. Just don’t take everything they said to your heart.” muling pang-aalo sa kanya ng lalaki sa kabilang linya. Pero patuloy lang ang pag-iyak ng dalagita.

“Oh, I will sing a song for you! Forgive me it’s out of tune ha!” Dane added. She heard him clear his throat and then starts singing….

“What would I do without your smart mouth?
Drawing me in, and you kicking me out
You’ve got my head spinning, no kidding, I can’t pin you down
What’s going on in that beautiful mind
I’m on your magical mystery ride
And I’m so dizzy, don’t know what hit me, but I’ll be alright

My head’s under water
But I’m breathing fine
You’re crazy and I’m out of my mind

‘Cause all of me
Loves all of you
Love your curves and all your edges
All your perfect imperfections
Give your all to me
I’ll give my all to you
You’re my end and my beginning
Even when I lose I’m winning
‘Cause I give you all of me
And you give me all of you, ohoh….

Napangiti si Marielle. Yes, he may be out of tune, pero para sa kanya, Dane’s version of this song is the most beautiful! Paborito itong awitin sa kanya ng binata lalo tuwing inaatake siya ng insecurities niya. Biglang nag-choppy ang linya.

“Tanda? Tanda? Andiyan ka pa?” tanong ng dalaga sa kabilang linya. Maya-maya pa ay biglang nawala. Naisip niyang marahil ay nawalan ito ng signal. Nilapag niya ang telepono sa side table.

Di niya namamalayan na muli siyang napaiyak. Malayo talaga ang agwat nila ng binata, he is already a star, while she is just a nobody. Sinubsob ng dalaga ang mukha sa palad. Ang sakit pala makita ang kanilang pagitan. Buti pa nung nasa loob sila ng Bahay, pakiramdam niya ay magkapantay lamang sila. Nasa ganon siyang kalagayan ng marinig ang mahihinang pagkatok sa pinto ng condo na kanilang tinutuluyan. Di na nag-abalang punasan ng dalaga ang luha, sigurado siyang ang PA o ang ate niya yun. Tumayo siya upang buksan ang pinto.

ITUTULOY……

About Mrs. Purin

pangarap kong tumira sa bikini bottom at palitan si Patrick bilang BFF ni spongebob. mahilig ako sa kape, magulo ako kausap, minsan may sense, madalas wala. well, u can always send me a message here! kaibigan, usap tayo.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!