Lover’s Moon Chapter 2

“This is bullshit!” halos maiyak na si Marielle sa inis ng umagang yun. She’s not the type to curse, pero she find her management’s decision to be so absurd. Pinulot ng kanyang PA ang mga papel na tinapon niya. Parang namang biglang gustong maawa ng dalaga sa nakikitang itsura ng tauhan, she’s so scared. Hindi naman talaga siya magagalitin. She’s not perfect but she really isn’t the type to yell around. Dangan lamang ay talagang galit na galit siya. Her manager sighs bago inokupa ang upuan na nasa tapat niya. Nasa sala sila ngayon nang bahay na nabili ni Marielle 2 years ago. The house cost 20 million and she paid it in cash.

“Marie, listen! Alam mo naman na if I have my way, di ko tatanggapin ang project na ito. I know that you don’t want to work with Dane. Pero management decision ‘to. And ito ang biggest movie of this year.” mahinahon na paliwanag sa kanya ni Karen, ang kanyang manager. She knows everything na nangyari, kaya naman sa mahabang panahon, nauunawaan ng babae na ayaw makatrabaho ng alaga ang gwapong aktor. Not even on a soap opera, not even on a commercial.

But the people are now seeing the strong chemistry between the two. Lumalakas ang ugong na gusto silang pagsamahin sa isang proyekto. And just few days after nila dumating from New York, nilatag sa kanya ang proyekto. Sinulat ng isang premyadong manunulat. Ang direktor ay bigatin. Ang produksyon ay talagang pag-gagastusan. The biggest film of this year. And it is believe to be the game changer.

Any actresses and actors would kill to get the roles, kaya naman isang karangalan na mapili ang kanyang alaga. If only hindi si Dane ang leading man……

“Ate Ka naman! Alam mo naman gagawin ko ang lahat. Sige, patalunin nyo na ako sa helicopter na walang double. Kumain na ako ng apoy, pero please naman, wag lang maka-partner si….” Marielle stops. Miski ang pangalan ng lalaki ay ayaw niyang banggitin. He was a nightmare na ayaw na niyang balikan.

“I know, Marie! Pero nahihiya akong tumanggi, baka sabihin na ay nagmamataas na tayo. I don’t want them to have an impression na lumalaki na ang ulo mo. We don’t like that, do we?” napatingin si Marielle sa manager. Somehow, naiintindihan niya ang babae. Sa kabila ng kasikatan, maipagmamalaki din niya sa lahat ang kanyang professionalism. Never siya nagbigay ng sakit ng ulo sa kahit na sino, from the crew to the directors to the producer. Ayaw niyang mabahiran ang kanyang pangalan. She made her own name, at di siya makakapayag na masira yun ng ganun ganun lang.

“Wala na ba talagang magagawa para hindi na lang yung lalaking yun ang leading man?” pagkuway tanong niya sa manager. Tumayo ito at tinungo ang mini-bar. She need a drink! Mahaba-habang pangungumbinsi ito. Something that she understands. Di birong sakit ang naramdaman ng alaga nang dahil kay Dane. At kahit pa na sabihin ng dalaga na wala na sa kanya yun, alam ni Karen na hanggang ngayon, nakakasakit pa din yun kay Marielle.

“Sinulat kasi ang script para sa inyo. Kayong dalawa ang first and only choice. And besides, kung di mo ‘to tatanggapin ang project na ‘to, baka isipin din ni Dane na apektado ka pa din. It’s been 9 years, Marielle!” Karen tries her best na wag nang balikan ang nakaraan ng alaga. Pero naniniwala siya na in point, kailangan din ng dalaga na harapin ang lalaki. She can’t run and hide forever.

“Hmmm, let me think about it, Ate Ka! Please set up a meeting for me and our management. Gusto ko lang magtanong ng ilang mga bagay before deciding. Oks lang ba yun, Ate Ka” she smiles! Agad din naman yung nagpangiti kay Karen. Yan ang tunay niyang alaga, hindi yung dalagang galit na galit kani-kanina. Her Marielle is sweet, warm, compassionate, bubbly and loving. Sa kabila ng mga narating nito, she remain humble. Pero dahil sa mga nangyari 9 yrs. ago, nagkaron ng lungkot sa mga mata ng alaga at kaibigan. Nabawasan ang malulutong na halakhak. Sinubsob ng dalaga ang ulo sa trabaho.

The past 9 yrs. were all about work, work, work. Di tumigil ang dalaga hanggat di naabot kung ano man ang naabot niya ngayon. She work hard to make it big, to prove to everyone who doubted her that she’s ain’t NOBODY. At ngayon nga ay matagumpay na si Marielle. But still, those eyes are still sad. Karen look at Marielle. She’s very lovely! Pero iilan lamang sila na alam ang mga nakatagong sakit at lungkot sa aktres.

“Actually, Marie, may meeting ka sa kanila later this afternoon. Pwedeng doon mo itaning lahat ng questions mo sa kanila. I’ll phone them now na?” maya maya ay ani ni Karen sa dalaga.

“Okay, sige, Te Ka! Thank you, Te Ka!” she gave her a thumbs up and a wink. Nangingiti na lamang si Karen as she gives the management a call to confirm.

———————————————————————————————————————————

Marielle:

Napaaga siya ng 30 minutes sa loob ng conference room na yun sa loob ng building ng kanilang mother network. Saglit na pinagmasdan ng Marielle ang kabuuan ng silid na yun. Napapaligiran iyon ng naglalakihang larawan ng mga artista ng kanilang network. And her picture is the largest, and in the center. Her smile is bittersweet. 9 yrs. ago, miski 1×1 picture niya, di mo makikita sa loob ng silid na ‘to. She was a nobody to this network. Natatandaan niya na minsan niya na na ipinangako sa sarili na isang araw– her picture would be there and would be the biggest, at wala nang makaka-api sa kanya. She paid sweat, tears, paind and blood to be where she is right now.

She is about to sit nang sunod-sunod na pumasok ang iba pang kasali sa meeting na yun. Tumayo ang dalaga upang batiin ang mga dumating. She is so genuinely happy to see everyone of them.

“Thank you for coming, Marielle! Congratulations for winning again sa New York Festival. You make us all proud!” pagbati sa kanya ng kanilang big boss nang makaupo ang lahat.

“Salamat po, Sir ELJ! I owe everything to you.” she sincerely thank the old man. Isa ‘to sa mga naniwala sa kanya when everybody said she wasn’t anything.

“No, Ija! You worked hard for it. Pero bago pa tayo magka-iyakan, let’s start the meeting now. Kumpleto na ba tayo?” binalingan nito ang sekretarya na agad naman tumayo at inisa-isa nang tingin ang lahat ng nandun.

“Sir, wala pa si Dane.” narinig na sabi ng sekretarya na nagpa-angat ng tingin kay Marielle. That guy will be here? Di niya gusto ang tarantang naramdaman. Akala niya siya lamang ang nasa meeting na ‘to, pero bakit andito ang lalaking yun? Parang nagsisirko ang paghinga ng dalaga. Her breathing became unstable, and so her heartbeat.

“Okay, let’s wait for Dane for awhile! Tess, ask what they like while waiting, coffee, juice, tea, anything.” uto ng big boss sa sekretarya na agad naman tumalima.

Labing limang minuto ang lumipas bago dumating si Dane. Hangos itong pumasok sa conference room. His hair is still wet, halatang galing pa lamang sa shower. He kissed everyone. Bigla itong natigilan ng makita si Marielle. Ang dalaga naman ay blanko lang na tiningnan ang lalaki.

“Sorry, I’m late!” he whisper to her ears. Marielle feels some chills as she feel Dane’s breath on her ears. She gave him a quick look, tila nagbabanta. Nakita niya na ngumisi lamang ito na parang tatawa tawa pa na naupo sa tapat niya. He is wearing white shirt, khaki pants and white sneakers. At 34, isa pa din ito sa pinaka-gwapong aktor ng bansa. And he is still every inch of a hunk.

Marielle tries to calm her self. Di dapat makita ng mga tao ang poot na nararamdaman sa lalaking katapat, it’s unfair to them na i-drag niya ang mga ito sa issue nila na walang silang kinalaman. She just pretend to be busy reading some documents na nasa harap niya, kahit naman wala siyang naiintindihan sa mga ito.

ELJ starts the meeting. He discuss the plans, and introduced the writer, the director, and everyone who would be part of the biggest movie of the year.

“So, any question, Dane? Marielle?” the Big Boss ask Dane and Marielle after the presentation. Umiling si Dane, so they’ll know na wala siyang tanong. But, Marielle raise her right hand.

“Yes, Marielle?” the big boss ask. Lahat ay nabaling sa dalaga ang tingin. Lumunok sandali si Marielle. Parang bigla siyang kinabahan. Pero ilang sandali ay napagpasyahan niya na itanong ang nasa isip. She will do everything para di makatrabaho ang lalaking nakaupo sa kanyang tapat.

“Hmm, why don’t we get an actor around my age, say Marcus Pinto? Di ba medyo may edad na si Dane to be my leading man? And beside, may love team siya, di ba? Di kaya masira yun if ipe-pair nyo siya sa akin?” tuloy tuloy na wika ni Marielle na kay ELJ lang nakatingin. She is refusing to meet his eyes.

“Good question, Marielle! I really expect you to throw those questions, and you never fail me. Pero di ba may tiwala ka sa akin, Marie?” ELJ smiles at her as he called her on her pet name. Ilang tao lamang ang nakakaalam ng nickname niyang yun, at ang mga taong yun ang talaga namang malapit sa kanyang puso.

“Of course, Sir! Miski buhay ko kaya kong ipagkatiwala po sa inyo.” di maiwasang pumiyok ng dalaga while uttering those words. ELJ is not just a boss for her, but a second father.

“Thank you, Ija! You know that you are so precious to me. And I won’t do something na ikakasira mo. I already saw you and Dane’s chemistry long time ago, way back when you were just 16. Di ko alam bakit hindi ko nagawang na-materialized ang naiisip ko. Pero lahat talaga ng bagay ay may tamang panahon. And I’m glad na hindi ko pinilit dati na pagsamahin kayo, dahil ngayon ang tamang panahon para sa inyong dalawa.” makahulugang pahayag ng matandang lalaki.

Napayuko si Marielle. ELJ’s words struck her heart. May nasalig ito sa kanyang puso. Tamang panahon? Pumikit ng mariin si Marielle. She won’t allow her tears to flow— again! Tama na ang mga luhang iniyak niya.

ITUTULOY……

About Mrs. Purin

pangarap kong tumira sa bikini bottom at palitan si Patrick bilang BFF ni spongebob. mahilig ako sa kape, magulo ako kausap, minsan may sense, madalas wala. well, u can always send me a message here! kaibigan, usap tayo.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!