Love Me More or Love Me a Little Less?

(Photo Credit: mylovelubna.wordpress)
(Photo Credit:  mylovelubna.wordpress)
(Photo Credit: mylovelubna.wordpress)

Loving you is definitely a suicide..coz from the very start I knew I would never win this love. Everytime I see you it feels like I’m dying, I’m not stupid and insensitive.  I can feel it, now you’re not touching me like before, you’re not trying to make me smile or laugh, I cant hold you ’cause you’re so far.

Ang sakit sakit ng mga salitang binibitawan mo sa akin lagi.  Alam mo ‘yung pakiramdam na hindi ka makahinga kasi parang hinahati ‘yung katawan mo. Nararamdaman ko na ‘yung unti-unti mong paglayo..natatakot na ako nang sobra; hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng lakas ng loob kasi wala akong makausapa para sabihan lahat ng nararamdaman ko.

Ngayon ko lang naramdaman ‘yung ganitong takot..takot na malapit mo na akong iwan.  Nasabi mo na sa akin na napaghandaan mo na kung sakaling mawala ako..ang daya mo nga kasi ‘di ko alam naghahanda ka na pala samantalang ako, hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa para magkaroon ng lakas ng loob para makayanan ko lahat nang ito..Hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko, kung saan ako pupunta, kung sinong lalapitan ko kasi gusto ko na siyang iiyak lahat, pero sobrang mahal na mahal kita…

Hindi ko alam kung saan ko kukunin yung lakas ko kasi sinusubukan ko namang sanayin ang sarili ko kung ano lang ‘yung pinapakita mo sa akin ngayon, ‘yun lang, pero ‘di ko maiwasang maskatan o umiyak kasi alam kong ang laki ng nagbago.  Sabi mo nga kasi ako ‘yung humulma kung anong bf ka ngayon..pero sobra ‘yung pagmamahal na binibigay ko sa ‘yo..siguro nga sobrang nasasakal na kita kaya nangyari din lahat ng ito.

Walang kahit sinong makapag-e-explain kung ano’ng nararamdaman ko ngayon kasi kahit ako mismo hindi ko kayang sabihin dahil sobrang natatakot na ako. ‘ung lungkot sa mata ko kahit anong tago ang  gawin ko ay hindi ko kaya, kahit anong pag ngiti at tawa hindi kayang matabunan lahat ng luha na ginagawa ko sa mga gabi.  Lahat ng tao ay napapansin kung gaano kalungkot yung mata ko, pero ikaw, kailan mo mapapansin na sobrang lungkot ko, na sobrang sakit na, na sobrang iyak na iyak na ako, na mamamatay na ako sa nararamdaman ko..sobrang mahal na mahal kita, pero nasaan ka?  Bakit hindi mo makita?

Takot na takot na ako ngayon..iniiwasan ko na ngayong mag-away tayo kasi mukhang isang away lang ay guguho ang lahat..isang away lang ay magtatapos na ang lahat…Naisip ko na din pag natapos na lahat..mas pipiliin ko na lumayo at umalis kaysa makita mo kung paano ako unti-unti madurog ng lahat..

Hilingin ko man na sana mabalik natin ang lahat katulad ng dati, alam kong malabo na.  Hindi mo alam na kaya kong gawin ang lahat para sa ‘yo.  SORRY …minahal kita nang sobra.

About mutable fire

i love to read books..nagsusulat para ipahayag lahat ng saloobin,mahilig mangarap ng gising..tamad walang ginagawa kundi mahiga..:)
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!