Love and Respect

crazy-cycle“Honestly, break talaga kami ngayon”, sabi ni Janine Tugonon sa isang interview sa kanya nang minsang mainterview sa isang TV show.

“Controlling kasi siya”, tukoy naman ni Angelica Panganiban sa kanyang ex bf na si Derek Ramsay nang tanungin kung bakit natapos ang kanilang 6years relationship.

Ilan o karamihan sa atin, tumaas ang kilay. “Hanuvah, wala man lang respeto sa kanilang mga ex jowa. Kung makapagsalita, akala mo, wala silang pinagsamahan”.

May ilan naman na nagsabi, “Buhay nila iyan. Wala tayong pakialam. Kung tutuusin, kahit hindi artista, gawain ang ganyan. Marami na ang walang respeto sa kanilang asawa o kasintahan”.

“I love you mahal. Wala na akong mamahalin habang buhay kundi ikaw lang!”, sabi naman sa isang status sa facebook. Ang mag-boyfriend, may perfect relationship. Super sa ka-sweet-an! Hindi mapaglalayo ng kahit na sino. Kung saan ang isa, naroroon din ang isa. Parang walang katapusang kaligayahan ang kanilang nararamdaman sa tuwing sila’y magkasama.

Ngunit ika nga, bawat relasyon ay dumadaan sa mga pagsubok. Dito kasi napapatunayan kung kaya nilang haraping magkasama ang kanilang problema.

Mayroong bumibigay dahil sa lalim ng sugat. Mayroon namang nakokontrol ang kanilang emosyon at naaayos nang tahimik at walang ibang nakakaalam o nakikisawsaw.

“Sh*t, mahal na mahal pa naman kita! G*go ka, manloloko ka pala! Mamatay ka na sana”, kagulat-gulat na post ng dating girlfriend na ngayo’y galit na galit sa kanyang boyfriend.

“Babe, sorry na. Promise, magbabago ako. Bigyan mo pa ako ng chance!”, panunuyo naman ng boyfriend. Bulgaran lang sa FB status para makita ng marami na siya’y sincere. 🙂

“Anong gagawin ko? Gagawa-gawa ka ng kalokohan tapos ngayon, susuyuin mo ako! Palagay mo sa akin, mabobola mo? Kapal ng mukha!’, sunud-sunod pang post na isa lang ibig sabihin – sobrang nasaktan siya sa nangyari sa kanilang relasyon.

Dahil nga mahal nila ang isa’t isa, pagkatapos ng kaunting pag-uusap ay okay na ulit sila. Mababasa mo na naman ang kanilang sweet messages.

Sa isip-isip ng mga nakababasa, “tingnan mo ito si babae. Mukhang tanga lang. Makapagsalita sa boyfriend, wagas pero magbabalikan din pala”.

May ibang lalaki naman na nagkaproblema lang sa girlfriend, todo paninira na agad. Mayroon pa nga, bubuksan ang FB profile ng babae at magpo-post ng sexy pictures nito upang bastusin ng iba.

Minsan, kailangan pang ipaalala ang salitang RESPETO sa mga magkasintahan at mag-asawa. Iyong kahit na nagkalabuan o nagkahiwalay, mananatili pa rin ang paggalang sa isa’t isa. Iyong walang maririnig na masama laban sa kasintahan o asawa.

Katulad na lamang ni Angelica at Janine. Sila ang lumalabas na masama sa paningin ng nakararami kasi sila rin ang naglalabas ng kanilang baho. Sila ang nahuhusgahan dahil sa kanilang mga bibig nanggaling kung bakit sila naghiwalay ng kanilang boyfriends.

Pasalamat ka kung ang karelasyon mo ay may respeto sa iyong pagkatao at hindi siya magsasalita laban sa iyo. Paano pala kung katulad ng Barretos na kanya-kanyang labas ng baho?

At kung may anak kayo ng taong kinaiinisan mo, huwag gayahin ang mga artistang may mga anak na alam ng buong mundo kung gaano kasama “kuno” ang kanyang ama. Baka makaapekto sa paglaki ng bata, hindi ba?

Ang mga tao sa paligid natin/ninyo ay walang alam sa totoong buhay ninyong magkasintahan o mag-asawa. Ang mga ganyang bagay ay dapat na inaayos ninyong dalawa lamang. Ika nga, kung gusto ninyong maayos ang inyong relasyon, lahat ay nadadaan sa maboteng/mabuting usapan. Kung hindi na maaayos, aba, move on and proceed to the next one. Huwag magpakabitter dahil lalo lang sasakit ang iyong kalooban lalo na kung may mga nakikisawsaw na akala mo, talagang nakikisimpatiya pero nakikichismis pala 🙂

Noon nagtataka ako, may mga dating magkarelasyon na nagiging magkaibigan? Akala ko, imposible. Posible pala! Dahil kapag nirespeto mo ang taong minahal mo, kahit wala na ang nararamdaman ninyo at hindi na kayo magkarelasyon, maaari pala kayong maging magkaibigan at maging masaya para sa bawat isa.

Matutong magpatawad at tanggaping hindi kayo para sa isa’t isa dahil may nakalaan para sa iyo. Taong mas higit pa kaysa dati mong minahal.

About Racz Kelly

29years old OFW based in Canada. An award winning author of 2 books about OFW, An owner of the award winning OFW blogsite, a former teacher, a caregiver, an inspirational speaker, a community volunteer, a sister and a daughter. Books: Tiis, Sipag at Tiyaga (OFW Stories) Sindi ng Lampara Blogs: www.ofwstories.com FB: Racz Kelly email address: [email protected] http://www.amazon.com/Sipag-Tiyaga-Racquel-Delfin-Padilla/dp/1475207484/ref=lh_ni_t I was featured by GMA News here: http://www.gmanetwork.com/news/story/270315/pinoyabroad/pinoyachievers/pinay-caregiver-in-canada-writes-book-about-lives-of-ofws
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!