Lost and Found Love [Part 1]

Photo credit: google

1 Friend request ….

“Sino na naman kaya ito?”  bulong ni Kylie sa kanyang sarili.

Alexander Rednaxela sent you a friend request.

Kylie confirmed his friend request.

At doon nagsimula ang lahat, year 2013…

“Hi!”

Hello”

“TFTA nga pala, friend ko si Vince magkasama kami sa work.”

“You’re welcome, oo na browse ko nga sa account mo at natanong ko na rin si Vince. Harmless ka naman daw kaya ok lang maging friend ka.”

“Loko ‘yun ah.” Anyway, Alexander nga pala bahala ka na anong itatawag mo sa akin; pwede ring love o baby available pa naman ako.”

“Maxado ka naman mahangin, tinanong mo ba kung ako available?”

“Tama nga si Vince suplada ka, sorry, joke ko lang naman ‘yun. I’m trying to be friendly here.”

“Hahaha! You we’re intimidated?”

“Wow English! Wala ako masyadong baon niyan, at iwas nose bleed ako.” Tagalog na lang, please.”

“Humble si kuya.”

“Alex na lang or Xander, mas matanda ka pa sa akin eh kung maka kuya ka naman.”

“Kylie nga pala, 26, OFW.” 🙂

“Hahaha! May OFW talaga?”

“Para kompleto na, ‘di ba?”

“Sabagay, natanong ko naman na lahat ng tungkol sayo kay Vince,gusto na lang kita kilalanin mabuti. Pwede ko makuha number mo?”

“Benenta nanaman pala ni Vince ang buhay ko, huwag mo sabihin na playing cupid nanaman yang si Vince?”

“Number mo po, kahirap mag type eh.”

Unknown caller…..

“Yes?”

“Ahmm. Wala man lang hello? Alexander ‘to.”

“Alam ko naman na ikaw, Kylie nga pala.”

“O, huwag mo na idagdag ‘yung edad mo at OFW.” Hahaha

“Ikaw ilang taon ka na? So sa barko ka rin nag trabaho, hindi ba mahirap jan?”

“25 pa lang ako, oo mahirap din parang ganun lang din siguro sa pakiramdam ninyo, Dubai ka ‘di ba? Maganda ba mag work diyan.”

“Okay lang naman, kapag magaling ka maghawak ng pera mo may maiipon kapag hindi wala rin, uuwi kang luhaan.”

“Nakwento na ni Vince nang pahapyaw ang personal life mo, at hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa; gusto kita makilala mabuti.”

“Kaibigan ko si Vince since bata pa kami, kaya kung gusto mo ako makilala sa kanya mo tanungin lahat ng gusto mo malaman, at for sure 100% walang skip na kwento ‘yun.”

“Oo nga, nasabi na nga niya sa akin na heart broken ka raw, 3 years ka na nagmomove on.”

“Tsismoso rin pala kayong mga lalaki ano?” hahahaha

“Hindi lahat ng lalaki katulad ng ex mo, kaya kalimutan mo na siya.”

“At hindi rin lahat ng babae katulad ng ex mo, kaya kalimutan mo na rin siya.”

“Hahaha! At pati ako binenta ni Vince sa ’yo.”

“Akala mo ha? O pa’no medyo matagal na ‘tong tawag mo, hang up ko na. Chat na lang kapag hindi busy. Kamusta mo ko kay Vince, pakisabi huwag niya i-seen zoned ang message ko.”

“Sige, salamat sa oras, makakarating kay Vince, ingat ka palagi.”

“Sige, bye. Salamat din.”

[Itutuloy]

 

#DFBI    #DFBloggersIntl  

About kambal

Simple lang ako. At naniniwala sa kasabihang " Ang pagiging masaya ay hindi ang pagkakaroon ng mga bagay na gusto mo, kundi pagiging kuntento sa kung anong pinag kaloob sa iyo."