Lakasan ang Tunog!

flickr.com/slickmaster
07/29/2015 12:13:53 PM

Ngayon ay ang linggo ng OPM. Naging mandato na ito ayon sa isang batas na pinasa ilang taon na ang nakalilipas.

At sa panahon na maraming nagsasabing “OPM is dead,” at mga walang pakundangang pag-diss sa mga feelingero’t feelingerang singer, natural lang na biyang pagkakaton na bigyang pagkakataon ng mga tao ang OPM na nakagisnan natin. Oo, Original Pilipino Music.

Noong nakaraang Sabado ay ang Grand Finals ng 2015 PhilPOP. Ano ito? Programang pam-patimpalak para sa mga aspiring songwriters na magbigay ng ambag sa pamamagitan ng paglikha ng awit na magbibigay-sigla sa teribleng estado ng eksena sa mainstream; bagay na kailangang-kailangan mula pa noong panahon ng pag-talkid ng mga tao para tangkilikin ang banyaga, at sa pag-usbong ng mag lip-syncero at mga artista na ginawang mang-aawit kahit hindi hasa.

At sa mga samu’t saring mga estabisyamento—mall, bar, at ultimong mga kalye, ay may kanya-kanyang mga palabas na nagso-showcase ng gawa ng OPM sa pamamagitan ng pagperform ng mga musikero ng kanilang gawa na talaga namang ‘sariling atin.’

flickr.com/slickmaster

Sinasabi ng hashtag na #PalakasinAngBosesNGOPM at walang masama dito. Dahil totoo nga naman—sa mundo na nakikita natin sa pamamagitan ng telebisyon at pakikinig sa radyo ay hindi na yun ang OPM na napapakinggan o napapanood natin before.

Tama lang na sabihin na palakasin ang boses ng OPM kesa naman sa sasabihing OPM is dead. Hindi dahil negatibo ang obvious na dahilan, pero dahil sa katotohanan na hindi lahat ng mga musikero ay nabibigyan ng break o pagkakataon na magperform sa mas malawak na audience; bagay na ang mga gahaman na producer na ang may dahilan.

Ay, kasalanan din ba ng audience? Kasi bakya sila, o jologs, o baduy, o masa? Maari. Pero sino ba ang nagpapalamon ng basura? Sila ba?

Click here to continue reading

Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!