Laguna Travel Guide: 10 Things to consider in choosing Private Hotspring Resort

Handa ka na ba? (Photo grabbed from LagunaResorts.com.ph

“Kung pipili ka ng isang venue para magcelebrate ng isang importanteng okasyon, dapat all-in-one, iyong lahat mag-eenjoy, I mean lahat, bata, kabataan at matanda. Iyong lugar na hindi pangkaraniwan pero world class ang dating. Ang isa pang mahalaga iyong sulit iyong ibabayad mo para naman hindi ka mapapakamot ng ulo sa bandang huli.“

Sa pagpili ng venue or resort para sa family bonding at wedding anniversary ng magulang ko, isang bagay ang ginawa ko na madalas sa ngayon ay hindi na nagagawa ng karamihan- ang “ocular visit”.  Kung kaya mo namang maglaan ng oras para sa prosesong ito, gawin mo na!

Ang ocular visit ay hindi lamang para makita kong maganda at malinis ang isang venue or resort. Ito ay isang paraan din para maiwasan ang mga naglipanang scammers sa internet. Ito rin ay isang importanteng proseso na kung saan matitiyak mo kung nag-eexist nga ba ang isang resort na ipino-promote ng isang tao o website. Sabi nga sa isang blog from Lagunaresort.com.ph: “Ang pinaka-madaling paraan para magpa-book ng resort ay through internet. Isang type at click mo lang sa Google, tapos ang problema. At dahil isa ito sa pinaka in demand, madaming scammers ang nagte-take advantage nito. Naranasan nyo na bang mag-book ng resort over the Internet, mag-do-downpayment ka, tapos biglang hindi mo na ma-contact ang kausap mo? Naku kapatid, na-i-scam ka!”

Allow me to describe the wonderful place na binisita ko kamakailan lamang. Ito ay ang Duplex Hotspring Villa na matatagpuan sa Brgy. Lalakay, Los Baños (Elbi), Laguna. Dahil napamahal na sa akin ang bayan ng Los Baños sa kadahilanang ito na ang aking naging pangalawang tahanan simula ng tumuntong ako sa Unibersidad ng Pilipinas na matatagpuan din sa bayang ito, tinangkilik ko na ang resort na matatagpuan dito.

Napuntahan ko na ang karamihan ng resort sa Elbi kabilang ang sikat na Splash Mountain, kung kaya’t pinagtuunan ko ng pansin sa blog na ito ang Duplex dahil ito ay isa sa mga undiscovered na resort sa Elbi. Ang resort na ito ay masasabi kong swak sa aking standard. Pero may mga qualities ba talagang dapat hanapin sa isang lugar na maaari mong isama sa ocular inspection checklist or criteria sa pagpili ng lugar?

Nagtanong ako sa aking mga kaibigan na malimit maglakbay sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas at base sa kanilang mga sagot, ang mga sumusunod ang aking naging batayan sa pagpili ng lugar. Common sense na ang karamihan dito pero heto ang mga pabaon ko sa inyo at I hope makatulong. Minsan kasi iyong mga basic ang ating nakakalimutan hindi ba?

Guides in choosing a place/Ocular inspection Cheklist:

  1. Ang isang resort or lugar ay dapat COOL in a sense na may kakaiba itong tagline or branding. Hindi ba kapag may tagline ang isang lugar, pakiramdam mo ay mayroon talaga itong ipinagmamalaki na hindi basta-basta? Gaya na lang sa Palawan, “Every island, an adventure” or sa Pilipinas “It’s more fun in the Philippines”. Sinubukan kong tanungin si Mr. Google kung ano ang tagline ng Duplex Villa, at ito ang ang aking nakita mula sa kanilang website na http://www.duplexhotspringresortgroup.com “PROBABLY THE “COOLEST” PRIVATE HOT SPRING RESORT IN LAGUNA”. Pero siyempre, gaya nga ng mga nasabi ko, hindi sapat na nabasa mo lang eh maniniwala ka na agad. To see is to believe dapat.
“PROBABLY THE "COOLEST" PRIVATE HOT SPRING RESORT IN LAGUNA”.
Print Screen: “PROBABLY THE “COOLEST” PRIVATE HOT SPRING RESORT IN LAGUNA”.
  1. Sa pagpili ng isang resort, tingnan mo muna kung anong feedback ng mga tao or client who previously stayed in the place. Sa pag-usbong ng teknolohiya, posible ka nang makahanap ng reviews. Nandiyan ang Facebook, Tripadvisor, at mga blogs na maaaring magpakita ng positive or negative reviews regarding an area. Kung napansin mong napakababa ng review, iyong mga tipong 1 out of 5, being 5 the highest, that is the time to think and decide. Baka may something sa lugar na hind kaiga-igaya. Kung ang page naman nila for example sa Facebook ay sobrang dami ng likes, at magandang reviews, malaki ang chance na maganda talaga ang lugar at sulit ang pag-stay ng mga tao dito. Sa aking pagsasaliksik sa Facebook page ng Duplex, isang review ang nakapukaw sa aking atensyon, ito ay ang “Di lang pampamilya, pang-sports pa.” Nang mabasa ko ito, naisip ko agad na tunay ngang may kakaibang ino-offer ang lugar na ito with regard to their amenities. At dahil diyan, ang pangatlo sa aking checklist ay ano bang amenities ang mayroon sila bukod sa swimming pool na typical na matatagpuan sa isang resort?

 

Print scree: Duplex Villa Facebook Page, likes and visits (Retrieved from Duplex Villa Facebook Page on May 11, 2015)
Print scree: Duplex Villa Facebook Page, likes and visits (Retrieved from Duplex Villa Facebook Page on May 11, 2015)
Print Screen: Resort review
Print Screen: Resort review “Di lang pampamilya, pang sports pa!” retrieved from Duplex Villa Facebook page on May 11, 2015

 

Print Screen: Resort review retrieved from Duplex Resort Villa Facebook Page
Print Screen: Resort reviews retrieved from Duplex Resort Villa Facebook Page on May 11, 2015
Print Screen: Resort Feedback retrieved from Duplex Villa Facebook Page
Print Screen: Resort Feedback retrieved from Duplex Villa Facebook Page on May 11, 2015
  1. Ang isang resort ay dapat may mga amenities. Mga amenities, na dapat ay babagay sa hilig ng bata, matanda, at mga kabataan. All-in-one kumbaga! Gustong-gusto ng mga batang magtampisaw sa pool, kaya dapat ang swimming pool ay nakaka-relax, malinis at hindi makati sa katawan. Kung may kasama kang may edad na or matanda, suitable sa kanila ang mga hotspring gaya ng resort na ito. Maraming resort ang matatagpuan sa Los Baños at pati na rin sa Calamba kaya marami kang puwedeng pagpilian.
Duplex Villa 5 Resort Swimming Pool (Photo grabbed from Duplex Villa Facebook Page on May 11, 2015)
Duplex Villa 5 Resort Swimming Pool
(Photo grabbed from Duplex Villa Facebook Page on May 11, 2015)

Ang mga amenities ay nararapat sumakto sa panlasa ng mga Pinoy. Hindi dapat mawawala ang videoke sa listahan ng amenities. Sa resort na ito, ibang klase ang videoke nila, at dahil nandoon na ako sa lugar, sinuri ko kung maganda ba talaga ang tunog at gumagana ang microphone. Mahalaga kasi na maganda ang tunog ng mikropono, iyong tipong hindi sabog ang tunog at walang bakas kang makikita na binalot ito ng masking tape para lang masabing functional.

Santy, the videoke and song book: Kantahan na! (Photo taken during the ocular visit on May 8, 2015)
Santy, the videoke and song book: Kantahan na!
(Photo taken during the ocular visit on May 8, 2015)

 

Para naman sa mahihilig manood ng movies, gaya ng mga kabataan, maganda na may TV na provided. Of course lahat naman ng resort merong TV pero sa lahat ng resort o hotel na aking napuntahan, dito lang ako nakakita ng Outdoor Widescreen. Masaya ito na habang nag-swimming ka pwede kang manood.

The Outdoor widescreen beside the pool (Photo grabbed from Duplex Villa Facebook Page on May 11, 2015)
The Outdoor widescreen beside the pool
(Photo grabbed from Duplex Villa Facebook Page on May 11, 2015)

 

 

Sa mga amenities, hindi rin dapat mawawala iyong for sports lover. I-check dapat kung may billiard table, or kahit anong amenities for sports. Piliin mo iyong lugar na may mga ganitong ini-offer para in case na ayaw mo o ng mga kasama mong magswimming, may iba pa kayong magagawa. Sa resort na ito, napansin ko na may basketball goal sila sa swimming pool. Unique and one of a kind. Isa pa pala, alamin kung may additional na bayad ang mga ganitong klase ng amenities or included na sa rent ng resort. May mga resort kasi na per hour ang bayad sa billiard table.

Billiard Table in Duplex Villa 5 (Photo grabbed from Duplex Villa Facebook Page on May 11, 2015)
Billiard Table in Duplex Villa 5 (Photo grabbed from Duplex Villa Facebook Page on May 11, 2015)

Bukod sa aking mga nabanggit, alamin din kung may charcoal griller. Tayong mga Pinoy mahilig tayong magluto at hindi mawawala sa anumang okasyon ang mga inihaw na pagkain. Tiyaking maayos ang lugar na pinag-iihawan. Ang dining area ay dapat ding suriing mabuti lalo na ang mga cabinet, faucet, at drainage. Sakaling may mga ipis na nakita sa oras ng ocular visit, sabihin agad ito sa management upang magawan ng paraan. Sakaling hindi rin gumagana ang mga faucet, pwede rin itong sabihin sa Caretaker ng resort habang maaga pa. Tandaan na dapat malinis ang lugar na kung saan inihahanda ang mga pagkain. Health should be the number one concern.

 

Ang charcoal griller, si Santy at ang Sliding door! (Photo taken during the ocular visit, May 8, 2015)
Ang charcoal griller, si Santy at ang Sliding door! Duplex Villa 2 (Photo taken during the ocular visit, May 8, 2015)
  1. Tinanong ko ang isa sa aking mga kaibigan, “Ano ba ang gusto mo sa isang lugar na kapag wala ay ma-didisappoint ka?” Ang sagot niya: “Ate, dapat ang CR ay malinis, kasi once na madumi ang comfort room, nagrereflect na iyon sa kabuuan at isa pa ate, dapat maraming CR sa isang private resort para hindi magkaka-agawan.” Kaya checklist number 4 ko ay: kailangan ang resort ay may malinis na comfort room at shower room. Suriin ang tiles at bowl ng CR kung malinis. Walang mga nakasingit na kulay itim sa tiles. Walang mabahong amoy na senyales ng karumihan. Gumagana rin dapat ang mga flush ng bowl at faucet or shower ng mga CR.

 

Si Santy at ang shower room (Photo taken during the ocular visit, May 8, 2015)
Si Santy at ang shower room (Photo taken during the ocular visit, May 8, 2015)

 

Selfie po sa shower room. (Photo taken on May 8, 2015 during the ocular visit in Duplex Villa 2)
Selfie po sa shower room. (Photo taken on May 8, 2015 during the ocular visit in Duplex Villa 2)

 

  1. Pagkatapos ng nakakapagod na pag-swimming or pakikipag-bonding with family or friends, ang pinakamasarap na gawin ay matulog sa isang malambot at malinis na kama. Malinis, meaning pinapalitan ang mga bedsheet at pillowcase; Mabango, hindi amoy ipis o umok; Malambot, hindi labas ang spring na tipong nakaka-tetano! Nang bisitahin ko ang resort, pangalawa kong tiningnan ang bedroom, at nang makita ko ito:

WP_20150508_18_56_35_Pro

WP_20150508_18_56_05_Pro
Nagtaka ako kung ano ang nakakulong sa salamin and find out na iyong part pala ng aircon, napaka innovative nila.:)

 

Teka may spring ba? Wala naman mabuti na lang.:)
Mahalaga na malinis at malambot ang kama

Hinipo ko ang bedsheet ng kama, sinalat at sinuri kung malinis at pinapalitan, at sa aking pagsusuri, nadama kong tunay na ito ay malinis at amoy bagong laba. Reminder ulit: “Watch out sa amoy umok na kama”

 

  1. Sa pagstay sa isang lugar, tiyakin din kung may malapit na bilihan ng pagkain in case of emergency. Sa resort na ito, may kalapit itong Restomart na affordable naman ang price ng mga bilihin. Kalapit din nito ang Duplex Tavern offering dishes from different corners of the world. You can also relax and enjoy the ambiance of the area. Their Duplex Tavern has these following amenities: 
Food... Drink... Music...
Food, drink and music (Photo grabbed from http://www.duplexhotspringresortgroup.com/duplex-tavern.html on May 11, 2015)
At Duplex Tavern (Photo taken during the ocular visit, May 8, 2015)
At Duplex Tavern
(Photo taken during the ocular visit, May 8, 2015)

7. Mahalaga rin sa isang resort ang attitude ng mga staff nito. Kung accommodating ang mga staff sa isang resort, isa na itong plus factor! Bago ako nagpunta sa lugar, I tried to contact the number in Duplex Villa website, sa text pa lang, sobrang galang na nila mas lalo na pala sa personal. Sa pagkakataong binisita ko ang Duplex Villa, sobrang accommodating ng mga staff doon pati ang mga waiters sa Duplex Tavern. Importante rin na alam nila kung ano talaga ang trabaho nila, hindi iyong kapag tinanong mo na “May free wifi ba dito?” ay hindi alam kung anong isasagot. At dahil iyon nga pala ang itinanong ko, ang last sa checklist ay “May wifi ba?”

8. Sa pagkalat ng mga selfie or groupie photos in social media, mahalaga na wifi zone ang isang area. Lalo na kung mahilig kang mag-post ng “At the moment or #atm” or kung gusto mo lang mag-post sa Facebook ng Status, mas maganda kung may internet connection ang isang resort. Bukod kasi sa mga “at the moment” photos, once na may internet connection ka, pwede kang mag-check ng emails or gumawa ng kahit na anong related sa work while on vacation trip at kung ikaw naman ay studyante, pwede ka ring gumawa ng report or paper during your siesta. Reminder: Ask for password and enjoy! Tanungin rin pala muna kung FREE ang access.

#atm Duplex Tavern Music
#atm
Duplex Tavern Music

9. Mahalaga rin na may Fire Exit ang isang resort at may mga fire extinguisher na available in case of emergency.

 

10. At ang pinaka-huli sa lahat ay DAPAT safe ang lugar, walang history ng nakawan sa resort or sa mismong area na kung saan located ang resort. Mahalaga na may mga security guards or Brgy. Hall na malapit sa area para in case of emergency ay pwede kang may malapitan. Mahalaga rin pala na may signal ng cellphone ang lugar for communication purposes.

 

All in all, iyan ang sampu (10) sa aking checklist na pwede ninyo ring pagbasehan sa pagpili ng isang resort sa Laguna. Sabi ko nga kung may oras ka, bisitahin mo ang lugar na napili mo at umiwas sa mga scammers! To see is to believe and siyempre hindi lang dapat makuntento sa nakita sa ocular visit mas magandang ma-experience mo talaga.

 

 

About santy03

Santy: Agriculturist by profession but now a full time scholar student; sometimes loner, adventure lover, frustrated photographer and writer but continuously seeking her passion in writing. Writing helps her to express emotions. She loves to travel and explore new things in different places. She loves nature and everything under the sun. She loves to be connected in the indigenous people and reach the marginalized countrymen. Follow my blogs and wait for my exciting adventures. It's more fun in the Philippines! follow me on twitter #isanggatang03 or my Facebook page: https://www.facebook.com/biyahenisanty03 You can also visit my blogs at: duantheexplorer.blogspot.com biyahenisanty03.blogspot.com
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!