“Lagi Na Lang IKAW”

#kapeling

Isang araw, tinanong mo ako, kung ano ang nasa isip ko? Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit mo pa itinatanong ang mga bagay na alam mo  ang sagot? Pero para sa ikakapanatag ng loob mo, sasabihin ko sa ’yo…- ”Ikaw…” 

#youmeandmycoffee

 

Nakakatawa ba? Nakakatawa bang isipin ka? K’se ako, ni  minsan, kahit aksidente lang, hindi ako sumagi sa isipan mo? Pero ‘yun ang totoo, hindi dahil sinasaniban ako ng masamang ispiritu, o, wala, trip lang?

Puwede nga bang i-trip ko lang ang isang katulad mo? Nag-iisang nagmamay-ari ng puso ko? At masaya akong iniisip ka. Minsan k’se hindi natin dapat ipinagdadamot sa ating mga sarili ang mga bagay na nakapagpapasaya sa atin. Ayaw mo nun? May isang ikaw na nagpapasaya sa buhay ko.

“Ikaw. Ikaw. Ikaw…Lagi na lang ikaw. Sabi ng puso ko, paano naman ako?” Haha.

Corny na kung corny, ganun talaga, pag napapahigop ka ng isang tasa ng mainit na kape. Napapaisip ka. ‘Yung umagang-umaga, napapaisip ka? Sa kanya? K’se ‘yung klase ng pagmamahal mo sa kanya parang isang tasa ng mainit na kape, swabe. Hindi masyadong matamis. Hindi rin maalat. Saktong timpla lang. Timpla na magpapangiti sa iyong umaga.

#goodmorninglove

 

Kaya kahit ulit-ulitin mo ang tanong mo, uulit-ulitin ko rin ang sagot ko.

Ikaw. Ikaw lang.” Hindi rin naman k’se masaya pag ‘iba’ ang iisipin ko. Para ko lang nilagyan niyan ng isang kutsarang asin ang kape ko. Hindi ko masisikmura.

Iba pa rin sa pakiramdam kung tapat tayo sa nararamdaman natin. Yung kahit kanino, taas-noo tayo, dahil ipinagmamalaki mo sa buong mundo na nagmamahal ka, kahit walang kapalit. Dahil ‘di mo pinipilit. Yung wala kang paki kung saan ka nakalugar sa puso niya, dahil mas may paki ka na sa puso mo, siya at tanging siya lang ang umuukopa nito.

“Unconditional love ba tawag dun?” Tama. Dahil mas pinapahalagahan natin ang “happiness” ng isang tao kahit alam natin na hindi tayo ang dahilan kaya masaya siya. ‘Yung sapat nang nagmamahal tayo sa paraang alam natin na hanggang doon na lang?

Gaya ng isang tasang kape na lumamig na pala, k’se kung ano-ano ang iniisip mo? Hindi na daw masarap inumin? Mali.

Dahil hindi naman kung ano-ano lang ang iniisip ko – “IKAW kaya…”

 Ipagpapalit ba kita sa isang tasa ng kape?

#ikaw

 

……

 

Siya: “Huwag kang titig nang titig…Yang kape mo lumalamig…”

Ako: “Kape lang ang lumalamig. Hindi ang aking pag-ibig…Haha!”

Siya: “Kalimutan mo na ang pag-ibig na ‘yan!”

Ako: “You mean, kalimutan na kita?”

Siya: “Ako na naman? Lagi na lang ako???”

Ako: “Yun na nga eh! Lagi na lang ikaw!”

 

……at doon nagsimula ‘tong kuwento! 😀

 

(Photo credit: Pinterest/ForeverFriends/Rilakkuma)

About Nomatterwhat143

Analyst ang aking propesyon. Pag bagot, walang magawa, nagsusulat. Dati nung maliit pa ako, pinapalo. Ngayon pina-follow (hehe!) Kung hindi ako nagsusulat, nakikinig ng musik. Minsan naman wala lang imik. Tahimik. Mata'y ipipikit. Matutulog. Pag gising, magkakape. Pag walang kape, okay lang basta tayo'y mug-KAPEling hehe! Corny? Yun ako. 🙂 Page owner/Admin din ako ng https://www.facebook.com/iloveannemurray/; https://www.facebook.com/nomatterwhat143/.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!