“Kung Hindi Rin Lang Ikaw”

Kung gagawa ako ng kuwento ‘yun na lang na hindi haka-haka, o kuro-kuro. Bagkus, ‘yung totoo, walang halong biro. Yung kuwento ko.
Photo Credit: Favim and Pinterest
Pero paano ko naman masasabing kuwento ko, kung ang lahat sa akin ay tungkol sa ’yo? Nakakainis nga ‘yung minsan, pag may makasalubong ako na common friend natin, mas nauuna ka pang itinatanong at kinukumusta. ‘Yung ako na nga ang nasa harapan nila, ikaw pa rin ang kanilang nakikita.
Bakit? Masyado ba tayong close? Ikaw, sa ’kin. Ako, sa ’yo? Pero hindi naman tayo magkasama. Lagi nga tayong magkalayo, ‘di ba? Pero hindi rin eh. Paano ko naman masasabing “magkalayo” kung lagi ka naman sa aking puso? Ni hindi ko nga maalaala na nawala ka sa bawat pagtibok nito.
Marami nang nangyari sa mga buhay natin. Kung saan-saan na ako nakarating. Nagtampisaw sa agos ng buhay. Gumawa ng mga alaalang makukulay. Nagmahal, pero walang nakapantay sa pagmamahal na meron ako para sa ’yo. Alam mo kung ano sa pakiramdam? Yung nasa dulo ka na, masaya na sana, pero tatalikuran mo ang lahat, dahil pag hindi mo ‘yun ginawa, hindi ka magiging tapat sa mundo, sa sarili mo, at higit lahat sa kanya?
Mas maigi pang hindi na magmahal, kung hindi rin lang ikaw?
Photo Credit: Favim and Pinterest
Dahil ikaw ang dahilan kung bakit sa dinami-rami ng mga problema, nakukuha ko pa ring tumawa. At sa kabila ng walang humpay na pagbuhos ng mga luha at pagdama ng pighati, nagagawa ko pang pahirin ‘to at ngumiti. Dahil nandiyan ka lagi – Nakikinig. Nakakausap. Umiintindi sa lahat ng emosyon at mga drama ko.
Hulog na hulog na ang puso ko sa ’yo? Pero hindi mo pa sinasalo?
Bakit nga ba wala pa ring tayo? Dahil ba wala ako sa tabi mo? O, wala ka dito? Hanggang ngayon hindi pa rin tayo muling pinagtatagpo? Ng panahon? O, ng tadhana? O, tayo mismong dalawa?
Ganun pa man, gusto kong malaman mo…
Hindi ka man maabot ng aking kamay, karugtong ka naman ng aking buhay.”
Photo Credit: Favim and Pinterest
At walang mahaba o maikling kuwento, dahil pagdating sa ’yo, wala akong tutuldukan. Walang hihindian, aayawan, o  iiwanan. Pag ginawa ko ‘yun, mawawala lahat ng meron ako.
“Meron akong ikaw. At ikaw sa akin ang lahat, lahat.”
Kung hindi rin lang ikaw, tingin mo magmamahal pa ako?
(Photo Credit: Favim and Pinterest)

About Nomatterwhat143

Analyst ang aking propesyon. Pag bagot, walang magawa, nagsusulat. Dati nung maliit pa ako, pinapalo. Ngayon pina-follow (hehe!) Kung hindi ako nagsusulat, nakikinig ng musik. Minsan naman wala lang imik. Tahimik. Mata'y ipipikit. Matutulog. Pag gising, magkakape. Pag walang kape, okay lang basta tayo'y mug-KAPEling hehe! Corny? Yun ako. 🙂 Page owner/Admin din ako ng https://www.facebook.com/iloveannemurray/; https://www.facebook.com/nomatterwhat143/.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!