Kaya Pa o Tama Na? (Advice # 1)

Image by jill111 via Pixabay

Note: Before writing a new blog for this day, I was thinking what am I going to write then I remember one person na nagbigay ng tanong na bakit for my Bakit List vs Dahil List but then instead of writing it there naisip kong gumawa nalang ng advice for her on my blog. 

Kaya Pa o Tama Na? (Advice # 1)

Bakit may ibang lalake na hindi marunong makuntento sa isa? Mahal nga ba nila? o Bakit hindi sila makuntento kung talagang mahal nga nila? Nagsasawa na ba sila? May tamang dahilan nga ba kung Bakit?

Kung ang mga lalake hindi maiintindihan kung paano mag-isip ang isang babae, ganun din tayong mga babae sa kanila.

Hindi natin alam kung anong tumatakbo sa isip nila dahil mas madalas COMPLICATED sila pagdating sa taong gusto o mahal nila. Pero bago mo itanong lahat ng ‘yan, kailangang alam mo kung ano nga ba kayo kasi kung walang kayo at nasa stage kayo ng MU o Ligawan o whatsoever na tawag sa may parehong feelings sa isa’t isa, sobrang hirap niyan.

Kasi lahat ng tanong mo pang sa iyo lang kasi nga nga wala ka naman right para ilayo siya sa iba. Pero kung ako ang sasagot bakit hindi sila makuntento sa isa, siguro kasi hindi niya nakikita na magla-last kayo o kaya naman baka FRIENDLY lang talaga siya sa lahat. Ewan ko na lang kung pati ang pagiging sweet sa iba pagiging friendly din sa kanya. But remember kung usapang mahal na at sinabi niya na mahal ka niya pero hindi pa rin siya makuntento. Naku! Ayoko naman magsalita pero kung para sa ‘kin, hindi pa mahal tawag dun kasi kung mahal ka niya, he will show you that you are the only girl he wants to be with. Mahal ka niya kung sa lahat ay kaya niyang ipagmalaki na IKAW ang gusto at mahal niya. ‘Yung tipong hindi lang siya hanggang salita kundi kaya niyang panindigan hanggang sa gawa.

Sa bawat situation may dahilan, Maaaring tama ka na nagsasawa siya o baka mas malalim kung bakit niya iyon nagagawa. Wala akong ibang masasabing dahilan pero alam kong may sarili kang instincts. Ang babee mataas ang intuition kaya alam kong kung ano ‘yung nararamdaamaan mo baka tama ka, pero kailangan mo pa rin malaman kung toto dahil baka mamaya magsisi ka lang.

Ang love kasi decision ‘yan kaya kung mahal ka niya dahil nafi-feel niya lang, darating at darating ‘yung time na puwede siyang mawalan ng feelings sa iyo.

Para sa akin, you must assure if the feelings is really mutual, ‘wag kang magpadala sa pagiging sweet o romantic niya. You have to think. Isang tanong lang gusto kong pag-isipan mo, KAYA PA o TAMA NA?

Dahil mahal mo nga, E ‘di Go hangga’t kaya mo pa, pero pag sa sarili mo natagpuan mo lahat ng sagot na hindi mo ine-expect, tama na dahil hindi ka puwedeng mabuhay sa kasinungalingan.

Always remember, you are beautiful. You deserve to love and be loved in return. And someone who truly loves you can and will shout out that YOU are the girl who made his heart beat. Show your genuine smile. You need to be happy not because of the presence of anyone but because you deserve it. I just hope that if he really loves you and one day you’ll be in a relationship with him, I hope you will last.

Sa mga may same ng situation I hope nakatulong ang WOW ko. Words of Wisdom! HAHAHAH. 

About princessm5826

Hi. I'm a 17 year old girl. A senior high school student 🙂